"Congrats sa baby mo!" Sabi ni Zab at hinawakan ang tummy ni Zera na malaki na.Ilang months na lang kasi manganganak na 'to."Ninang ako ha!" Sabi ko at hinawakan din ang tummy niya.
"Syempre! Kailangan mayaman! Hahaha!" Sabi nito at pinalo ako.Ouch! >_<
Sa ilang buwan na lumipas ito na yata ang pinakamasaya na buwan, pano ba naman kasi nag mistulan kaming maid ni Zab sa kanya.Napakadami niya kasi laging hinihingi oh kaya umiiyak ng walang dahilan.
One time hanapan ba naman kami ng strawberry? Halos mag-wala siya dahil wala kaming maibigay.Eh saan naman kami kukuha non? Tsk.Hindi tuloy kami nakapasok at nandoon lang kami sa garden dahil halos mag-wala na si Zera.Iba talaga ang pagiisip ng buntis.
"Zera naman! Wala tayo sa Baguio!" Sabi ni Zab at nag-cross arms pa 'to.Napailing na lang ako at tinapik tapik si Zera sa likod dahil na iyak na 'to.
"Ah! Basta! Gusto ko non!" Sabi niya at pinadyakpadyak pa ang paa niya.
Buti na lang at dumating si Erion at hindi ako makapaniwala na pumunta talaga siya ng Baguio para lang bumili ng starberry.Ginabi kami noon sa St.Natali pati si Ichiro bwisit na bwisit na dahil hindi pa ako na labas ng school.Hindi kasi namin maiiwanan si Zera.
[Saglit na lang 'to Ichiro.]
Sabi ko sa kanya at tinignan si Zera na medyo kumalma na.
[Tsk hayaan mo na lang si Zab jan.]
[Saglit na lang talaga 'to!]
Worth it naman kasi dumating si Erion ng may strawberry at tuwang tuwa ang buntis.
"Zera."
Napatingin kami sa tumawag kay Zera at sino pa ba?
"Uy! Erion!" Sabi ni Zera at hinila ang asawa niya palapit samin.Yup asawa!
Kinasal na sila noong January.Ayaw kasi ni Zera ikasal ng nanganak na oh di kaya ay malaki na ang tyan.
Medyo naging epic nga lang ang kasal nila pano ba naman kasi akala namin hindi na sisipot si Zera.Nag wala na rin si Erion non pero buti na lang at napigilan siya ng Daddy niya at Daddy ni Zera.
"Shvt!" Sigaw ni Erion at sinuntok ang pader.
"Erion baka naman---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may humila sakin.Sino pa ba?
"Huwag mo siyang paasahin." Bulong sakin ni Ichiro at inakbayan pa ko.Napatango na lang ako.He's right.
Dalawang oras na ang lumipas at wala parin si Zera.Nag uwian na rin ang ibang mga bisita pero kami sinamahan namin si Erion na hindi mo alam kung iiyak ba oh hindi.
"Uhm...guys?" Sabay-sabay kaming napalingon sa malaking pinto ng simbahan at nagulat kami ng makita si Zera dito.
Oo dumating siya at nalaman naming nakatulog daw siya.Pinauna na niya yung mga nag-ayos sa kanya kaya ang ending walang ng gising sa kanya.
Humingi naman siya ng pasensya kaya 'yon kami kami lang ang mga naging bisita niya.
"Uwi na kami." Sabi ni Zera at nag-hikab pa 'to.Kahit sa classroom madalas siyang tulog.Hindi naman siya pinapagalitan ng mga professor dahil sabi nila normal lang daw 'yon.
"Sige, ingat kayo!" Kumaway na kami sa kanila hanggang sa tuluyan na silang umalis.
Umalis na rin ako at dumiretso na sa Wilton University.Hindi ko alam kung ano ang trip ni Ichiro at pinapapunta ako doon.Si Zab naman bigla na lang na wala baka umuwi na.
Medyo madami pang students sa Wilton ng makadating ako dito.Hindi parin maaalis sa mga lalaki ang pagtingin sakin kahit madalas na nila akong makita dito.
Siguro nag-tataka sila kung bakit ako pinapapayagang pumasok dito gayong mahigpit na pinagbabawal ang mga babae dito.
Nilibot ko ang paningin ko mula dito sa kinatatayuan ko at tumigil ito sa lalaking nakatingin sakin mula sa malayo.
Nag-simula siyang mag-lakad palapit sakin at nakangiti pa 'to.Ang ngiti na ngayon ko lang nakita.Sa paglipas ng buwan hindi ko alam kung ano ba talagang meron sa aming dalawa ni Ichiro pero ayos lang sakin 'yon dahil sa bawat araw naman na dumadaan masaya ako na kasama ko siya.
Tumigil siya sa paglalakad ng na sa gitna na siya.Kinunutan ko lang siya ng noo pero kinawayan niya ako na ibig sabihin ay lumapit ako sa kanya kaya nag-simula na akong mag-lakad papunta sa direksyon niya.
Ilang hakbang na lang at makakalapit na ako sa kanya ng biglang may nag-sabog samin ng rose petals at nakita ko sila Argon at Azer sa likod niya na nakangiti sakin.Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasulat sa mga colored paper nilang hawak.
Can you be my girl?
Tumingin ako kay Ichiro at nakangiti pa rin 'to sakin.
"Uhm...may tatanong muna ako!" Humakbang ako ng isa para mas makalapit pa sa kanya.
"What is it?"
"Pwede na ba..." Mas lumapit pa ako sa kanya at tinapat ang bibig ko sa gilid ng tenga niya.
"...ang mga babae dito?"
Hinawakan niya ako sa waist ko at napangiti ako sa sagot niya.
"Still girls are not allowed."
Hinalikan ko siya sa labi niya ng ilang segundo lang dapat pero na pa haba dahil hindi niya ako pinakawalan.
"What is your answer anyway?" Bulong niya ng humiwalay sa labi ko.Napairap tuloy ako.
"Obviously."
"I wanna hear it Autum."
"Yes, I can be your girl."
Hinalikan niya na naman ako sa ikalawang pagkakataon but this time mas humaba ito.
Hindi talaga mababago ang desisyon niya na payagan ang mga babae na mag-aral dito.Hindi naman daw sa bitter siya kay Zia pero yun daw kasi ang desisyon ng kapatid niya.
Oo may kapatid siya bukod pa kay ate Faye.Meron pa siyang isang kapatid na kinagulat ko rin at yun ay si---
"Hey! Ba't nandito ka na naman?" Natigilan kami ni Ichiro at nilingon ang kapatid niya.Speaking of.
"Trevor." Saway ni Ichiro sa kanya pero ngumiti lang ako dito.
"How many times i told you that girls are not fvcking allowed here."
Uh-Oh mukhang mas nakakatakot pa siya kay Ichiro! >_<
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Ficção Adolescente[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...