Chapter 20

22.8K 629 27
                                    


"Wala ba siyang sinabi?" Tanong ko kay Azer at pabagsak na naupo sa bench.

"Ewan, baka hinahanap si Zia." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Zia? Diba ex niya 'yon? Bakit parang bigla akong nainis.

"Azer?"

"Hmm?"

"May tanong ako."

"Ano 'yon?"

Napakagat ako sa labi ko. Okay kaya ko 'to! Gusto ko lang naman malaman.

"Pano nag kakilala si Ichiro at Zia?" Naupo siya sa tabi ko at humawak sa baba niya na parang nag iisip pa.

"2 years ago hindi pa bawal ang mga babae sa Wilton pero na bago iyon ng may pumasok dito na isang babae. Si Zia." Simula niya. So si Zia pala dahilan?

"Gusto niyang makipag Partnership ang mga Wilton sa Company nila. Pinipilit niya ang may-ari ng Wilton. Buwan din ang nag tagal kaya nahulog si Ichiro dito pero papayag na sana ang may-ari ng Wilton ng bigla na lang siyang nawala."

Parang pareho pala kami pero hindi ang company namin ang ipipilit kong makipag partnership kung hindi ang company ng kaibigan ko.

"Nakita namin kung pano nasaktan si Ichiro dahil sa pag iwan sakanya ni Zia. Pinahanap niya 'to samin pero hindi parin siya nakikita hanggang ngayon."

Pakiramdam ko may mali sa kwento ni Azer I mean! Parang kulang? Bakit pinagbawal ang babae sa school na 'to? Hindi niya 'yon nabanggit.

"Sige, Autum aalis na muna ko."

Tango na lang ang sinagot ko sakanya at napasandal dito sa bench na kinauupuan ko. Inisip ko ng inisip ang sinabi sakin ni Azer. Kulang talaga e. Anong connect ng may ari nitong school kay Ichiro? Aish! Ang gulo!

"Autum!" Napaangat ang tingin ko sa tumawag sakin at nakita ko si Half.

"Bakit?

"Samahan mo naman ako sa mall bibili ako ng regalo para kay Mommy birthday niya kasi."

Wala naman akong ginagawa kaya pumayag na rin akong samahan siya.

"By the way Autum pinapasama ka ni Mommy sa bahay."

"So? kailangan ko rin bang bumili ng gift?" Natatawa kong tanong.

"No, kahit huwag na masaya na 'yon na makita ka."

"Ikaw bahala."

Nakarating kami sa mall at kanina pa kami paikot ikot pero wala pa rin siyang mapili na ireregalo sa Mommy niya.

"Ano bang gusto ng Mommy mo?" Tanong ko habang natingin sa mga dress. Alam ko kasi mahilig dito ang Mommy ni Half.

"Ikaw na lang pumili babae ka kasi, kaya rin kita sinama. Wala kasi talaga akong alam jan." Sabi nito at pa kamot kamot pa sa batok niya.

"Hahaha sige."

May nakita akong puting dress simple siya pero maganda. I think magugustuhan 'to ng Mommy niya kaya 'yon na rin ang binili namin.

"Naalala ko 2 years ago ng umuwi ako dito hindi mo rin ako makilala." natatawa niyang sabi. Napakunot naman ang noo ko. Umuwi ba siya noon dito?

"Tignan mo pati 'yon kinalimutan mo."

"Uhm...hindi ko talaga alam."

"Makakalimutin ka talaga! hahaha!"

"Ewan ko sayo!"

Pag dating namin sa bahay nila medyo madami na rin na mga guest. Sabi ni Half invited daw dito ang mga may malalaking company. Kaya raw ako na lang ang mag present sa mga Pereira.

Buti na lang at nakabili ako ng damit kanina sa mall kaya nag palit na ko. Nakausap ko na rin ang Mommy ni Half sabi niya si Half na lang daw ang escort ko hindi na ko nakatanggi dahil pati ang kapatid niya na si Whole pinipilit din ako.

"Sigurado ka bang okay lang sayo?" Pag sisigurado sakin ni Half dahil baka raw pinilit lang ako ng mag ina pero tinanggi ko 'yon kahit 'yun ang totoo. Pa birthday ko na lang din sa Mommy niya.

Kanina parin ako patingin tingin sa paligid para kasing may nakatitig sakin o baka pakiramdam ko na naman 'yon?

"Dance with me?" Nilahad ni Half ang kamay niya pero umiling ako.

"Hindi ako marunong sumayaw."

"Hahaha! Sige hindi na kita pipilitin pero pwede bang pumunta tayo ng garden?" Kahit nag tataka pumayag na ko.

Nagulat ako ng makitang may nakahandang pag kain dito at puno ng ilaw. Ang ganda.

"Autum, 2 years ago nangako ako sayo pero nakalimutan mo kaya uulitin ko." Napatingin ako kay Half ng sabihin niya 'yon.

Ang totoo naaalala ko pa 'yon ayaw ko lang aminin dahil wala talaga akong nararamdaman sakanya. Gusto ko magkaibigan lang kami, yung masasabihan ko ng problema, yung matatakbuhan ko. Gusto kong kalimutan niya ang dalawang taon na lumipas na 'yon pero mukhang malabo dahil seryoso talaga siya.

Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon