Well, let me introduce my self first. My name is Autum Pereira. 17 years young. Ang totoo niyan iilan lang naman ang mga kaibigan ko like Zera Natali, Zabrina Perez and Saphire Gopez. Nag-aaral ako sa St.Natali kung saan ang school na all girls lang ang lahat ng pumapasok and yes! Pag-aari 'to ng pamilya nila Zera. Unang araw ko ngayon bilang 2nd year college hindi na naman ako masyadong kinakabahan dahil matagal na rin naman ako sa eskwelahan na 'to.About naman sa parents ko, seperated na sila dahil sa nalaman naming may ibang pamilya pala si Dad ganon pa man mas pinili kong tumira kay Daddy kahit masakit. Hindi ko pa rin 'yon matanggap hanggang ngayon. Alam kong dapat kay Mommy ako sumama pero dahil nalaman kong sa ibang bansa niya gustong manirahan agad akong tumanggi. I know na gusto niyang lumayo pero hindi ako papayag na kami ang aalis dahil kami ang tunay na pamilya that's way I choose to stay here.
"Bilisan mo na Grace! Dali! Hahaha!"
"Ito na nga! Bakit ba kayo nagmamadali?"
"Baka kasi may makakita satin!"
Napatigil ako sa paglalakad at paatras na bumalik sa garden na nadaanan ko lang kanina. Halos manlaki ang mata ko ng makitang sira-sira ang mga halaman dito at ang pader na puno ng mga sulat. Sino naman ang matinong estudyante ang gagawa nito?
"Anong ginagawa niyo dyan?" Sita ko sa tatlong babae at isa na doon ang half sister ko. I can't believe this! Sila ba ang may gawa nito?
"Obvious ba?" Nakataas na kilay na sabi ni Grace. What the heck? Ito ba ang totoo niyang kulay? Napailing na lang ako.
"Whatever!"
Iniwan ko na sila doon dahil ayokong malate. Pagsasabihan ko na lang siguro si Grace mamaya kahit mas matanda siya sakin pero mukhang mas isip bata pa siya kaysa sakin. Dumiretso na ako sa first class ko at nadatnan ko ang mga estudyante na may mga sari-sariling mundo.
Hindi naman kami magkakapareho nang course ng mga kaibigan ko kaya ito drama ko, loner. Naupo na ako sa unahan na seat na una kong nakita. May tumabi sakin na babae pero no care ako dahil nilibang ko ang sarili ko sa cellphone ko. May tumapik sa balikat ko kaya napaangat ang tingin ko sakanya.
"Nandyan na si Sir." Saad ng babaeng katabi ko. Tinanggal ko na ang earphone na suot ko habang tumingin sa unahan. Nakita ko si Sir kasama si Sir Scheps, principal namin at mukhang may hinahanap ito. Nag-tama ang tingin naming dalawa at swear ang talas nito kaya bigla akong kinabahan.
"Ms.Pereira pumunta ka sa office ko." Diretsong sabi nito sakin. Sandali? May nagawa ba kong hindi ko alam? May chapter ba ng buhay ko na natalunan ko? Okay! OA na ako masyado! Pero bakit ako iniimbitahan ni Sir Scheps sa office niya?!
"Ms.Pereira, you can go now." Kahit clueless ako lumabas pa rin ako ng room pero nag-lakad ako ng sobrang bagal dahil kinakabahan talaga ako! Kinuha ko ang phone ko at tinext si Zera.
To: Zera
Please help me! Papunta ako ng Principal office
Huminga ako ng malalim at ilang segundo lang ang lumipas nakatanggap agad ako ng text message galing sakanya.
From: Zera
What happened?
Binulsa ko na lang ang phone ko at hindi na siya sinagot. Siguro OA lang talaga ako. Binilisan ko na ang pag-lalakad ko pero ng makaharap ko na ang pinto ng principal office parang gusto ko ng umatras.
"Autum!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Zera na natakbo papunta dito sa direksyon ko.
"Anong nangyari?'' Tanong niya ng tuluyang makalapit sakin.
"Hindi ko rin alam."
Biglang bumukas yung pinto at bumungad sa amin si Sir Scheps. Pwede bang tumakbo? I think hindi! Nandito na rin naman bakit hindi na lang ako tumuloy? Huminga ako ng malalim para mabawasan ang kaba ko.
"Nandyan ka na pala Ms.Pereira, halika pasok ka." Napalunok ako at sumunod din sakanya.
"Sandali, Mr.Scheps---" Tumingin ako kay Zera na ayaw papasukin ni Sir Scheps.
"Ms.Natali bumalik ka na sa room mo." Ma awtoridad na saad nito. Tinignan ako ni Zera na agad ko namang sinuklian ng tango.
Agad kong nakita si Grace katabi ang dalawa niyang kaibigan. Mukhang alam ko na ang nangyayari pero sana mali ang iniisip ko.
"Siguro nag-tataka ka Ms.Pereira kung bakit kita pinapunta rito." Ani Sir Scheps na kinatango ko.
"Sabi kasi ng tatlong 'to ikaw daw ang nakita nilang na sa garden kaninang umaga." Halos manlaki ang mga mata ko ng marinig 'to kay Sir Scheps. What the hell?! Ako ba ang pinagbibintangan nilang sumira sa garden?! Mukhang tama ang iniisip ko!
"Sir, hindi ko po magagawa iyon alam niyo po 'yan."
"Ms.Pereira hindi ko pa sinasabi ang buong storya, paano mo agad nalaman?" Natigilan ako sa sinabi niya. Napapikit ako ng madiin habang tumingin kila Grace na may mga tagumpay na ngiti. Kung pwede lang silang sampalin ngayon, kanina ko pa ginawa!
"Ipapatawag na lang kita mamaya Ms.Pereira."
"Pero Sir---"
"Makakaalis ka na."
Sheez! Kailangan ko na bang humanda sa punishment ko? Pero napagbintangan lang ako!
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...