"Saan niyo ba ako dadalihin?" Tanong ko kila Zab dahil pag-pasok palang nila ng condo agad nila akong piniringan at sapilitang pinasok sa kotse. -_- Mukha tuloy akong kidnapped ng mga sarili kong kaibigan."Huwag ka ng matanong para rin naman sayo 'to! Right girls? Hihihi!" Sabi ni Zab at pinalo ako sa balikat, langya bigat ng kamay.
"Yeah! Para may happy ending ka na girl!" Kung hindi ako nag-kakamali si Krista 'yon.
"Zab! Happy lang walang ending!"
"Saglit! Pag ako nahuli sa flight ko! sinasabi ko sa inyo! Malalagot kayo sa akin!" Singit ko sa paguusap nila.
"Huwag OA! 8:01 am palang!"
"Yeah! whatever!"
Ilang minuto pa ang naging byahe at sa wakas tumigil din kami! ><
"Ops! Mukhang may problema girls...hehehe."
"Bakit? Anong nangyari Bianca?"
"Kailangan nating mag-U turn! ><"
Naramdaman ko ang mabilis na pag-ikot ng kotse at ang mabilis na pag-papaandar dito.
"Kyaaaahhh!! Sino ba tinatakbuhan natin?!"
"Pwede ba! Tanggalin niyo tong piring ko! pati tong nakatali sa kamay ko!"
"Bianca! May kotse! Sa harap!"
Naramdaman ko ang pagtanggal sa kamay ko at ako na ang nagtanggal ng piring sa mata ko.
"Aaahhhhh!!!" Sabay-sabay naming tili ng may truck na dadaan.
*Screettcchhh!!!*
"Aray! ><"
*Kriing*Kriing*
Napatingin kami kay Zab ng tumunog ang phone niya.
"Si Azer hehehe..."
"Kapit! Girls!" Nag-u turn ulit si Bianca pero this time sobrang bilis na ng pagpapatakbo niya.
"Waaaahhh!!! Ayoko pa mamatay! ><"
"Nandito na tayo! hehehe!" Napatingin ako sa labas.
Wilton University
"A-anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanila pero walang sumagot sa akin dahil mukhang nahilo lahat sila.
"Alis dyan Bianca!" Sabi ko at papaandarin sana ulit ang sasakyan ng bumukas ang apat na pinto ng sasakyan dahilan para sabay sabay kaming mahulog.
"Aray! Ang sakit nun ah!" Rinig kong reklamo nila pero napaangat ang tingin ko sa nag-bukas ng pinto.Si Lance at Argon.
"What happened?"
"Ah! hehehe konting problema lang na halos ikamatay na namin.
-_-"Napatayo ako at tinignan sila ng hindi maintindihan.Ano bang nangyayari?
"Grabe ang sakit ng balakang ko doon ><"
"Parang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko!"
"Saglit! Ano bang ibig-sabihin nito?"
Napatigil silang lahat at napatingin sa akin.Nagulat ako ng lapitan nila ako at piringan na naman.
"Tara na huwag ka ng matanong!"
May dalawang humawak sa kamay ko at nag-simula na kaming mag-lakad na sa tingin ko ay papasok sa Wilton.Sabi na nga ba may hindi magandang mangyayari ngayon.
Tumigil kami at naramdaman kong may nag-tanggal ng piring ko.Tumungin ako sa paligid at nakita ko na lang ang sarili ko sa gitna ng Wilton University.
Bigla kong naalala ang mga unang araw ko dito.Ang lalaking humila sa kamay ko na hindi ko inaasahan na matagal ko na palang hinahanap na may-ari ng eskwelahan na ito,ang lalaking ka dormate ko at higit sa lahat ang lalaking minahal ko.
"Girls is not allowed here." Napatigil ako at nilingon ang nag-salitang iyon.Ilang minuto kaming nag-katitigan at nagulat ako ng hilahin niya ko.
"Teka lang! Kaya ko naman mag-lakad!" Reklamo ko at buti naman binitawan na niya ko kung makakaladkad kasi.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pero nakatitig lang siya sa akin.
"Uy!" nag-snap ako sa mukha niya pero bigla akong natigilan ng may ma-realize ako.
"Follow me." Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan siya.
Tumigil kami sa isang pinto, ang pinto ng principal office.Pumasok kami dito at natawa ako ng makita si Lance na mukhang na arte bilang principal.
"Good Morning Ms.Pereira." Bati niya pero tanging tipid lang na ngiti ang ginanti ko.
"Welcome to Wilton University." Sabi niya na ginagaya ang boses ni Mr.Castro na kinatawa ko dahil hindi niya kaya.
"Let's go." Sabi ni Ichiro at hinila na naman ako.
"Pakasaya kayo. -_-" Rinig kong sabi ni Lance.
Nakarating kami sa tapat ng dati naming dorm at tumigil siya sa pag-lalakad kaya napatigil din ako.
"Don't leave me again, understand?" Napatingin ako sa kanya ng nalilito.
"Understand?" Ulit niya pero umiling ako.
"Say yes or i kiss you?"
0_0
Napatakip ako sa bibig ko at umiling ulit.Nahihibang na ba siya? Sa tingin niya papayag ako? No way! Kasasabi ko lang sa France na kami mag sisimula ng bagong buhay.Tinanggal ko ang pagkakatakip sa bibig ko.
"Ichiro, hindi mo ko madadaan sa ganyan.Sorry.Buo na desisyon ko."
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...