Sa sobrang saya namin hindi ko na napansin ang oras kaya ito ako pinamamadali si Zera na mag drive.7:00 pm na kasi at lagot ako kay Ichiro dahil sabi pa naman niya sakin babalik kami sa Wilton ng 6:00 pm.
"Salamat! Ingat kayo!" Paalam ko ng makadating na kami sa bahay.
"Bye!"
Tuluyan na kong pumasok sa bahay at naabutan ko si Ichiro sa living room at mukhang ako na lang ang hinihintay nito.
"Ichiro." Napaangat ang tingin niya sakin at nakita kong hindi naman siya galit kaya nakahinga ako nang malalim.
"Tara na?" Tanong ko at kinuha na ang bag na nakapatong sa bangko.
"Mag papaalam lang muna pala ako kay Dad." Pumunta ako sa office habang nakasunod din sakin si Ichiro.
"Mag iingat ka anak." Sabi ni Daddy at niyakap pa ko. Nag paalam na rin si Ichiro at may konti pa silang pinag-usapan.
"Let's go." Tumango ako kay Ichiro at sumunod na sa kanya.
Masaya ako dahil kahit one day nakasama ko si Dad. Buti na lang at hindi na nag tagpo ang landas namin ng mag ina. Tumingin ako kay Ichiro.
"Salamat pala." Sabi ko. Sumulyap lang siya sakin dahil sa nag didrive siya.
"Are you happy?"
"Yes." Nakita ko ang maliit na pag ngiti. Hindi talaga siya masyadong sana'y ilabas ang totoo niyang nararamdaman.
Napansin ko namang lumagpas kami sa Wilton University kaya nag taka na ko huwag niyang sabihin na may pupuntahan pa kami? Hindi na ko nag tanong dahil ilang minuto lang din ang lumipas huminto na rin ang sasakyan.
Tumingin ako sa labas at nakita ko ang malaking sign na nasa taas ng isang malaking park.
'Wilton Park'
Lumabas ako at mas nakita ko ang sobrang dami at nag gagandahang ilaw. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napalingon dito.
"Let's date?" Hindi na niya ako pinasagot at hinila ko papasok.
Kapansin pansin dito ang malaki at maraming ilaw nang ferris wheel. Meron ding malaking swing dito pero mabagal lang ang pag andar mukhang relaxing doon. Madami ring tao at mga vendors.
Hinila ako ni Ichiro sa harapan ng anchors away kaya medyo napaatras ako. Simula bata pa lang ako ayaw ko talagang sumakay jan pati na rin sa roller coaster.
"Let's go Autum." Umiling ako. Ayoko talaga.
"S-sa iba na lang!" Siya naman ang umiling at pinagpilitan akong sinakay dahil mas malakas siya sakin tuluyan niya akong napasakay dito kaya todo dasal ako. Nag simula na tong umandar at parang gusto kong masuka.
"AUTUM PEREIRA!" Napalingon ako kay Ichiro at naramdaman ko ang pag hawak niya sa kamay ko. Lahat ng taong katabi ko nasigaw kaya nakisigaw na rin ako.
"AHHHHHH!"
"CRUSH! KITA!"
"WOAAHHHH!!!"
"I LIKE YOUUU!"
Pag kababa na pag kababa pa lang namin muntik na kong ma-out of balance buti na lang naalalayan ako ni Ichiro. Akala ko matatapos na 'yon pero sabi ni Ichiro ulitin daw namin hindi na ko nakaangal dahil medyo nahihilo pa ko. Pag katapos namin sa anchors away sa roller coaster naman ang punta namin at inulit din namin 'to ng dalawang beses mukha nga kaming tanga dahil hilo na hilo na kami pero sakay pa rin ng sakay. Kaya ng matapos namin ang mga rides halos umikot ang paningin ko.
"Are you okay? Wait here." tumango ako sakanya at umupo muna sa isa sa mga bench doon at pinapawala ang pag kahilo ko. Grabe ang sakit sa ulo. Nasan na kaya si Ichiro? Nauuhaw na ko.
Ilang minuto na kong nag hihintay kay Ichiro pero wala pa rin siya at kanina ko pa rin nararamdaman na may nakamasid sakin.
May napansin akong lalaki na nakatingin sakin kaya tumayo ako at pinuntahan siya pero bigla siyang umalis. Sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa mapunta kami sa mapunong parte ng park.
Babalik na sana ako sa bench na kinauupuan ko kanina dahil natatakot na rin ako pero biglang may humila sa kamay ko.
Napaharap ako sakanya at nakita ko ang mukha niya dahil sa liwanag ng buwan.
"I-ikaw?" Bulong ko at nakita kong ngumiti siya sakin.
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...