Chapter 8

27K 878 4
                                    

Hindi ako pinapansin ni Ichiro matapos niya akong makita kanina sa kabilang building. Oo na! Mali na ko! Alam ko namang pinoprotektahan niya lang ako sa mga students dito pero kasi may punishment ako bawal akong umupo dito at tumunganga na lang dahil hindi naman si Mr.Wilton ang kusang lalapit sakin.

Kaya ito drama ko na sa taas ng puno. Nag-iisip ako kung pano ako magsosorry kay Ichiro. Para namang may kusang umilaw na bumbilya sa taas ng aking ulo. Alam ko na! Bumaba ako sa puno at sakto! Natanaw ko kaagad sila Lance. Kailangan ko ang tulong nila.

"Lance!"

Napalingon agad silang dalawa sa direksyon ko kaya kinaway ko ang kamay ko at pinapapunta sila dito.

"Bakit Autum?"

"Pwede ba akong lumabas dito? May bibilihin lang ako." Nagkatinginan silang dalawa na animo'y nag-uusap sa mata.

"Sige pero bilisan mo." Napatalon naman ako sa tuwa nang sabihin 'yon ni Azer.

"Maraming salamat! Promise! Mabilis lang ako!"

Sabi nila Lance mag-ingat daw akong lumabas huwag daw ako magpapakita kay Ichiro. Sinunod ko naman sila at buti na lang maayos akong nakalabas.

Ayon sa planong gagawin ko kakailanganin ko sila Zera kaya pumunta ako ng St. Natali. Pinapasok naman kaagad ako ng guard dahil kilala na naman ako nito.

Tumingin ako sa suot kong wrist watch at sakto! Break time nila ngayon. Nakita ko kung paano magulat ang mga students ng makita ako pero hindi ko sila pinansin dahil may mas importante akong pinuntahan dito.

Dumiretso ako sa cafeteria at agad ko naman nakita ang table nila Zera pero naramdaman ko ang pagtahimik ng mga students. Saglit nga lang! Bakit parang may mali? Para silang nakakita ng multo.

"Autum!" Gulat na tawag sakin ni Zab at lumapit silang tatlo sakin.

"Kumusta? Natapos mo na ba ang punishment mo?"

"Pumayag ba si Mr.Wilton?"

"Anong nangyari?"

"Anong sabi niya?"

"Bakit---"

"Sandali!" Sabi ko sa dalawa dahil sunod-sunod ang mga tanong nila. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasagutin.

"Mag-usap tayo sa ibang lugar." Dagdag ko pa at tumingin sa students na mga tahimik pa rin. Meron din akong kailangang itanaong sakanila.

Napagdesisyunan naming sa kotse ni Zera mag-usap dahil sabi ko magpapasama rin ako sa kanila sa mall.

"So? Ano na ngang nangyari?"

"Wala." Tipid kong sagot. Nagkatinginan silang tatlo at tumingin sakin ng clueless.

"Anong wala?"

"Walang nangyari. Hindi ko pa nakakausap ang owner ng Wilton."

"Eh? Anong ginagawa mo dito?"

"Like what I said! Magpapasama ako sainyo sa mall."

"Anong gagawin natin sa mall?" Bakit sila matanong? Pero sasagutin ko na rin para maliwanagan na sila.

"Magbabake ako ng cup cakes may pagbibigyan lang." Nakita ko kung paano kumislap ang mata nilang tatlo. Mukhang alam ko na ang---

"Kami rin!" Sabi na nga ba.

"Okay! Basta samahan niyo ko!"

"Madali kaming kausap!"

Namili kami ng ingredients para sa lulutuin kong cup cakes. Well, bata pa lang ako mahilig na akong magluto nito. Noong una syempre puro palpak pero ng matutunan ko na ng husto naging habbit ko na siya tuwing wala akong ginagawa.

Nagprisinta si Saphire na sa bahay na lang nila kami magluto dahil malapit din naman ito sa mall na pinuntahan namin.

"Sino ba pagbibigyan mo nito Autum?" Tanong ni Zab habang nagbabasag ng itlog. Nagprisinta din kasi silang tumulong.

"Si Ichiro."

"Ichiro?" Sabay-sabay nilang sabi.

"Yung ka-dormate ko." Nakita ko ang pagkagulat sa expression nila.

"Crush mo?"

"W-what?" Niloloko ba nila ako? Si Ichiro crush ko? No way!

"H-hindi...ah!"

"E, bakit bibigyan mo ng cup cakes?"

"Nag-away kasi kami."

"Ayieee! LQ!" Sabay nilang sabi at sinundot sundot pa ang tagiliran ko. Mali ba ang desisyon kong nagpatulong sakanila?

"Aish! Bilisan na nga natin baka---"

"Namimiss ka na ng crush mo!" Napailing na lang ako sakanila at pinagpatuloy na ang ginagawa.

Sabi ko kila Lance saglit lang ako kaya dapat bilisan ko na. Sana lang magustuhan 'to ni Ichiro dahil pinaghirapan ko 'to!

"Waaaahhh! Ang sarap talaga ng cup cakes mo Autum!" Sabi ni Zera na halos maubos na ang isang tray kaya pinalo ko ang kamay niya ng akmang kukuha na naman siya ng isa.

"Aray ha!"

"Tumigil ka na halos maubos mo na, e."

"Ang sarap kasi."

Nilayo ko na sakanya ang mga cup cakes at naglagay sa isang box para kay Ichiro.

"Ang takaw mo kasi!" Asar ni Zab kay Zera at nagbangayan na nga silang dalawa. Mga isip bata talaga.

"Uhm...Autum?" Napalingon ako kay Saphire na tahimik na nakain sa gilid ko.

"Bakit?" Tumingin ako sa dalawa na natahimik din. Nagkibit balikat sila at nagpatuloy sa pagkain.

"Nevermind..."

Ang weird talaga ng babaeng 'to. Pinagpatuloy ko na lang paglipat ng mga cup cakes sa box. Nagpaalam na rin ako sakanila ng matapos ako at isa pa hapon na rin. Sumakay na lang ako ng taxi pabalik sa Wilton.

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa Wilton University ng mapansin ko agad sila Azer. Hinahanap na kaya ako ni Ichiro? Oh nalaman ni Sir Castro? Paktay! Baka dagdagan ang punishment ko! Binayaran ko na ang taxi at nagmamadaling bumaba.

"Finally! Galit na galit na si Ichiro." Sa pagsabi pa lang noon ni Azer kinabahan na agad ako. Gahd! Na naman.

Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon