Nilinis ko muna ang mga kalat sa dorm namin dahil hindi ako sana'y na magulo ang kwarto lalo na pag natutulog pakiramdam ko kasi sobrang mainit. Mahihiga na sana ako sa kama ko pero narinig kong nagsalita na naman si Ichiro kaya sinilip ko siya mula dito.
"Don't please..."
Nananaginip ba siya? Eh sino na naman kaya napapanaginipan niya? Teka bakit ako curious? Diba dapat matulog na lang ako at huwag na siyang pansinin? Tama mas masabuti pa 'yon! Pahiga na sana ulit ako ng marinig ko na naman siyang magsalita.
"...please...stay..."
Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako sakanya o hindi pero sa huli mas pinili ko ang lumapit. Pinagmasdan ko ang mukha ni Ichiro at nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha. Mukhang affected na affected siya sa panaginip niya.
"Don't leave me..."
Nagulat ako ng biglang umangat ang kamay niya at hinila ako palapit sakanya. Napasubsob ako sa dibdib niya kaya nagsimula na akong mataranta.
"I-ichiro!" Tinapik ko siya sa braso pero hindi man lang siya gumalaw. Urgh! Paano ako makakaalis dito?
"Ichiro!" Mas nilakasan ko pa ang pagtapik at buti na lang nagising na siya. Lumuwag ang yakap niya sakin kaya dali-dali akong lumayo.
"I'm sorry..." Sabi niya ng nakayuko pero ako wala pa rin sa matinong pag-iisip. Shems! Bakit kasi ang bango niya?
"Shvt!" Lumabas siya ng dorm at hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan.
Nakapunta kami sa rooftop at nagulat ako ng makitang ang daming students dito. Tambayan ba nila ang lugar na 'to? Mukha nga! Nilibot ko ang buong paningin ko dito at sobrang daming naninigarilyo sa gilid at umiinom pero natigil ang lahat ng 'yun ng makita nila si Ichiro. Biglang tumahimik ang lahat.
"Bawal ka dito." Halos mapaigtad ako sa gulat ng may dalawang lalaki na humarang sakin.
"Ah...eh...kakausapain ko lang si Ichiro..." Nagtawanan sila. Mukha bang joke yung sinabi ko?
"Kakausapin? Baka hindi mo na magawa 'yan. Hahaha!" Napaatras ako dahil mukang alam ko na ang binabalak nila! Sa ganitong sitwasyon isa lang ang pumapasok sa isip ko.
Takbo!
"Hoy! Bumalik ka dito!" Nahagip ng isa yung kamay ko kaya...
"Let me go!" Nagpapapasag ako pero masyado silang malakas!
"Huwag kang maingay! Malilintikan ka talaga sa aming babae ka!" Binuhat niya ako na parang sako ng bigas habang tawa lang ng tawa yung isa niyang kasama. Mamatay sana siya sa kakatawa!
"Ibaba niyo ko!" Pero para lang akong kumausap ng hangin. Ano bang aasahan ko sa dalawang surot na 'to?! As if! Bitawan nila ko!
"Let her go? or Die?" Napatigil silang dalawa at wala pang limang segundo ng ibaba nila ako habang nagtatakbo sila papalayo samin.
"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa lalaking tumulong sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa madilim.
"Salamat."
"Hatid na kita sa dorm niyo." tumango ako pero sumilip muna ako sa likod niya. Nakita ko si Ichiro na may mga sugat sa mukha pati na rin sa katawan kaya napatigil ako. Ito ba ang pinunta niya dito? ang makipag-away?
"H-Hintayin ko na lang si Ichiro."
"Huwag na." Hinila niya ako pababa ng rooftop kaya wala na akong nagawa.
"S-sino ka ba?" Tanong ko ng medyo nahimasmasan na ko. Masyado kasi akong nawindag kanina dahil sa dalawang lalaking 'yon.
"I'm Argon" Sabi niya sabay kindat.
Napatawa ako dahil sakanya. Ngayon ko lang napansin gwapo pala siya. Madilim kasi kanina sa taas kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha niya.
"Kaano-ano mo si Ichiro?" Nagtaka ako dahil bigla siyang sumeryoso.
"Ka-dormate ko. Bakit?"
"Ah. Wala lang." Sabi niya at tumawa ng mag-isa. Okay? magkakilala kaya sila ni Ichiro? May gusto kasi akong malaman tungkol sakanya. Hindi naman siguro masamang magtanong.
"Uhm...Argon...lagi bang nakikipagaway si Ichiro?"
"Lahat naman yata dito ay laging nakikipag away"
Ano nga bang aasahan ko? Mga lalaki sila natural lang iyon sakanila pero may isa pang tanong na gusto kong masagot.
"Nagkagirlfriend na ba si ichiro?" Hindi ko alam kung bakit ko 'yon tinatanong pero curious kasi ako, e.
"Oo naman!" Natatawa niyang sabi. Hindi ko alam pero bigla akong nanlumo. Ano ba 'tong pakiramdam ko! Nakakainis! Sa pamumuhay ko ng 17 years dito sa mundong ibabaw ngayon lang ako nakaramdam nito.
"...pero nag-break na din sila...Zia ang pangalan niya."
"Uhm...ganon ba?" Sabi ko pero deep inside parang nagpaparty na ang mga organs ko.
"Yeah...Ako naman ang magtatanong." Bigla akong kinabahan. Dapat pala hindi na ko nagtanong! Siguro naman easy questions lang 'to.
"S-sige."
"Bakit ka nandito sa Wilton?" Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sakanya.
"Punishment."
"Anong klaseng---"
"Autum." Napalingon ako sa likod ko at nagpapasalamat ako dahil dumating si Ichiro. Muntik na ko doon! Hangga't maaari kasi ayokong may makaalam ng tungkol sa punishment ko.
"Ano...uhm...salamat ulit Argon."
"Sige. Una na ko." Sabi niya at tuluyan ng umalis. Napatingin ako kay Ichiro at swear! ang sama ng tingin niya sakin. Pumasok na siya sa loob kaya pumasok na rin ako.
"Saan ka ng galing?" Tanong niya habang nakasandal sa pinto ng cr.
"Uhm...sinundan ka..."
"What? Are you okay?" Nilapitan pa niya ako. Medyo umatras ako dahil naiilang ako sakanya.
"A-ayos lang ako...t-tinulungan ako ni Argon..." Sabi ko at pilit na ngumiti hindi ko alam pero mas lalo siyang napasimangot.
"Tsk. Matulog na tayo."
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Dla nastolatków[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...