Halos ikutin ko na ang buong second floor ng mall pero hindi ko parin makita ang kapatid ko.Bumaba na rin ako ng first floor para doon mag hanap.
Pinilit ko na labanan ang takot at kaba ko.Ang tanga ko naman kasi hindi ko siya hinawakan ng mabuti.Nag sabi na rin ako sa guard ng mall kung may makita man 'to na bata at sinabi ko kung ano ang itsura ni Kei.
Ayoko rin namang tawagan si Mommy dahil baka makaistorbo pa ako sa business nito ngayon.Basta mahahanap ko si Kei.Naalala ko naman bigla si Ichiro baka hinahanap na rin ako nito.Bumalik ako sa second floor at naabutan ko siya sa womans botique kung nasaan kami kanina ni Kei.
"Where's Kei?" Lumapit ako sakanya at niyakap siya.Kanina ko pa pinipigilan na umiyak pero ngayon hindi ko na kaya.
"I l-lost...him..."
"We'll find him...stop crying..." Pinunasan ko ang mga luha ko at tumango sakanya.Hindi sana siya lumabas ng mall.
Bumaba ulit kami sa first floor at tinulungan na rin kami ng mga guard.Humiwalay na rin ako kay Ichiro para mas madali naming mahanap si Kei.Pumunta ako sa arcade game dahil baka bumalik siya doon.Sobrang dami pa ring tao dito kaya hirap din akong tignan ang mga bata.
Narinig ko sa announcement ng mall na may bata raw silang nakita kaya mabilis akong pumunta sa customer service pero pagdating ko doon ibang bata ang nakita ko.Napahilamos na lang ako sa mukha ko.Hindi ko na alam kung pano ko hahanapin si Kei ang daming 'baka' na pumapasok sa isip ko.
Tumayo ako at nag simula na ulit maghanap dito sa second floor ng mall.May nahagip ang mata ko na nakakulay black na damit na bata.Hinabol ko 'to hanggang sa hindi ko namamalayan na na sa parking lot na kami ng mall.Lumingon siya sakin at biglang napawi ang kaba ko ng tuluyan ko na siyang makilala.
"Kei..."
"Ate, come." Nilahad nito ang kamay niya na agad ko namang inabot.Hinila niya ako sa puting van at biglang bumukas 'to.
"Half?" Gulat kong sambit sa pangalan nito.Ngumiti siya sakin at hinila kami papasok sa van.Nataranta na naman tuloy ako naalala ko kasi si Ichiro baka nag aalala na rin 'yon sakin.
"Ate may pupuntahan lang daw tayo." Sabi ni Kei at hinawakan ang kamay ko.Lumingon ako kay Half at nakangiti parin 'to sakin.
"Saan ba tayo pupunta Half?"
"Secret."
Biglang nag ring ang phone ko at nakita kong si Ichiro ang tumatawag.Agad ko naman tong sinagot.
[Autum? Where are you? Nakita mo ba si Kei?]
[Uhm...Ichiro nakita ko na si Kei...ano...mauna ka nang umuwi may...p-pupuntahan lang kami..]
[Sino kasama niyo?] Biglang nag iba ang tono ng pananalita niya.Sumulyap ako kay Kei na tulog na sa lap ko.
[Ichiro---]
[F*ck! Answer me!]
[Si....H-Half...] Narinig ko ang paghinga niya ng malalim.
[Okay...I'll wait you....]
Sabi nito at binabaan na ko.Ilang minuto akong nakatitig sa phone ko.Hindi naman siguro siya galit.
"Im sorry Autum gusto ko lang naman ibigay ang regalo ko kay Kei, nalaman ko kasing birthday nito."
"Dapat sinabi mo na lang sakin hindi yung bigla bigla mo na lang kukunin si Kei."
"Papayag ka ba pati yung boyfriend mo kung isasama ko si Kei sakin?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
"Diba hindi?"
"...kaya nga kidnapped na lang tong ginawa ko kung 'yun ang gusto mong isipin." Dugtong niya pa.
Mali parin kasi tong ginawa niya.Una pinakaba niya ko dahil akala ko mawawala na sakin ang kapatid ko na ngayon ko lang nakasama.Pangalawa pati ako sinama niya at pangatlo! Mukhang nagalit si Ichiro.Hindi ko na lang sinagot si Half dahil baka mas lalo pa kaming mag away.
Hindi na rin ako nagtaka kung pano niya nalaman na may kapatid ako.Isa kasi siya sa mga kasama ko ng mga panahong naririnig ko ang usapan ni Mommy at Tita Thalia na buntis siya bago umalis ng Pinas.Ang pinagtataka ko naman kung bakit alam niya na birthday nito.
"Nandito na tayo." Sumilip ako sa labas at nag taka ako ng makitang isa ito sa pavillion na malapit sa hotel sa pinagcheck in namin.
Ginising ko na si Kei at bumaba na kami ng van ni Half.
Piniringan pa si Kei dahil kailangan daw 'yon sabi niya.
Pinabayaan ko na lang siya.Nag lakad na kami papasok sa loob ng pavillion at grabe! Sobrang dilim parang anytime may hihila na lang sayo.Biglang bumukas ang ilaw kasabay ng pagtanggal ni Half sa piring ni Key at kahit ako nagulat.Planado ba 'to? Malamang! Kainis! Bakit hindi ko 'to alam?
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...