Ilang weeks na ang lumipas at dito lang ako nagmukmok sa condo ni Mommy.Bumili na kasi 'to ng condo dahil baka raw matagalan pa sila dito at hinihintay din nila ang sagot ko kung sasama ba ako sakanila sa France.Ako naman tong si naguguluhan at hindi alam ang isasagot.
Papasok na ulit ako ngayon pero correction sa St.Natali na ulit.Tinawagan kasi ako ni Zab na gusto raw akong makausap ni Sir Scheps.Alam na rin ni Zab ang nangyari sakin.Sinabi ko sakanya ng minsan siyang pumunta dito pero si Mommy, hindi ko pa nasasabi sakanya.
Nakarating na ako sa St.Natali at balak ko na sanang bumaba sa kotse ko ng may mapansin akong familiar na sasakyan sa harap ng St.Natali kung hindi ako nagkakamali si Ichiro ang may ari nito.
Ano namang ginagawa niya dito? Bumaba na ako ng sasakyan at diretso lang akong naglakad habang padaan sa kotse niya pero nagulat ako ng bumukas 'to at may humila sakin papasok.
"Autum, let's talk---"
"Wala na tayong pag uusapan Ichiro.Diba tapos na tayo?"
"I love you---"
"I hate you too! Hindi mo ko mahal." Lumingon ako sakanya at tinignan siya sa mga mata.Ang mga mata na ilang linggo kong hindi nakita.Aish! Huwag ka ng papaloko Autum!
"Ichiro si Autum ako hindi si Zia..." Sabi ko at nakita kong nagulat siya.Napailing na lang ako at bumaba na ng sasakyan niya.
Pumasok na ako sa St.Natali at agad kong natanaw si Zab.Kinawayan ko siya at agad naman niya akong napansin.
"Uy! girl! Buti naman pumunta ka! Napagkakamalan na akong loner dito.'' Nakasimangot niyang sabi na kinatawa ko dahil mukha na nga siyang loner.
"Nasaan si Zera?"
"Diba nga sabi ko sayo wala na akong balita sa babaeng 'yon." Napatango na lang ako.Baka busy.
Sinamahan ako ni Zab sa principal office pero hanggang labas lang siya kaya hihintayin na lang daw niya ko.Nakita ko agad si Grace dito ng tuluyan na akong makapasok.Don't tell me pinagbibintangan na naman niya ko samantalang wala ako dito ng ilang weeks.
"Ms.Pereira pinatawag kita dahil gusto kong humingi ng paumanhin." Hindi ko maintindihan si Sir Scheps kaya hinintay ko na lang ang mga sunod niya pang sasabihin.
"Pasensya na, alam na namin ang totoo." Napataas ang kilay ko, so? Nalaman na pala nila ang totoo.
"Kaya si Grace na ang magpapatuloy ng punishment mo."
Wala na akong paki kung ituloy man 'yon o hindi basta ayoko ng bumalik doon.Pinalabas na kami ni Sir Scheps matapos niya kaming kausapin.
"Ano girl? May problem?" Umiling ako.
"Dito na ulit ako mag aaral." Nakangiti kong sabi at nagyakapan kami.Sa wakas daw may makakasama na siya.Iniwan daw kasi siya sa ere nung dalawa.
Pumunta kami sa Secret Place namim sa St.Natali doon kami nagkwentuhan dalawa tungkol sa mga nangyari sa amin sa mga lumipas na ilang buwan.Nalaman kong lumala ang sakit ni Saphire kaya tuluyan na tong pinunta sa Italy dahil nandoon din ang tatay nito.Si Zera naman daw matapos ang camping namin hindi na raw 'to pumasok o kahit nagpakita man lang.
"Nakakaloka nga e! Iniwan nila ako!" Reklamo ni Zab sabay subo sa chips na kinakain nito.
"Buti nga nalaman na ang totoo dahil ayoko na talagang bumalik sa Wilton."
"Naku! Manloloko pala talaga yang Ichiro na 'yan!"
Nagpalipas pa kami ng ilang oras sa secret place namin bago magdesisyon na umuwi.Uwian na rin kasi it means nagditch kami ni Zab.Mabait na estudyante.
Madaming students ang nakaharang sa front gate kaya sabi ko sa back gate na lang kami dumaan pero dahil may pagkachismosa si Zab hinila niya ako palapit sa mga nagkukumpulan na students at pilit na sumiksik.
Halos manlaki ang mata ko ng makita kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga students.Sila Ichiro at ang mga kaibigan niya.Sinama niya pa talaga sila Azer. -_-
Biglang may nanghila sa kamay ko at sinakay ako sa puting van.Hindi na ko nagtaka kung sino 'to.Nakita ko naman si Zab pero hindi niya ko napansin dahil kausap nito si Azer! Aish naman!
"Ano bang problema mo? Uuwi na ko!"
"No, mag uusap tayo."
"Ayoko ngang makipagusap sayo!"
Ang kulit din ng lahi ng lalaking 'to.Urgh! Ano bang hindi niya maintindihan sa salitang ayoko?
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...