Chapter 28

20.2K 607 5
                                    

Sa bus na ng Wilton ako pinasakay ni Ichiro at nagulat ako pag dating namin doon nakita ko si Krista kasama si Jarvee at natutulog na 'to.

"Don't do that again." Sabi ni Ichiro at tumango ako.Nag sorry na naman ako.

Nakita ko rin si Half dito nag tama ang tingin namin pero agad siyang nag iwas.Sinilip ko si Ichiro at nakapikit 'to.Napasandal na lang ako sa bangko na inuupuan ko.

Kailangan ko talagang makausap si Half para masabi ko na sakanya ang nararamdaman ko.Tama si Krista minsan kailangang sundin ang puso.

Ilang oras din ang naging byahe.Sa Wilton tumigil ang lahat ng bus.Nakausap ko na rin sila Zab nag alala raw sila sakin at kay Krista pero sabi ko okay lang kami.

"Matapos mo na sana ang punishment mo Autum." Sabi ni Zab at tinapik ako nito sa balikat.

"Ano bang punishment mo Autum? Baka makatulong ako." Tanong ni Krista pero nawalan ang atensyon ko sakanila at napunta kay Half na palabas ng Wilton.

"Saglit lang." Sabi ko at hinabol si Half hanggang labas ng Wilton.

"Half!" Napatigil 'to sa pag lalakad at nilingon ako.

"Mag usap tayo." Dagdag ko hindi siya nag salita at tumango lang sakin.

Nag punta kami sa likod ng kotse niya at doon naupo.Huminga muna ako ng malalim bago mag salita.

"Half gusto ko lang sanang sabihin na---"

"Autum kung tungkol na naman ba 'to sa---" Niyakap ko siya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Half...mahal kita..."

"Autum---"

"...pero alam mo naman siguro kung hanggang saan lang 'yon...huwag mo na sanang pahirapan ang sarili mo..." Naramdaman ko ring niyakap niya ko at tumango.

"Sorry...Autum...alam ko naman...kung sino...talaga ang mahal mo..."

Buti naman at naiintindihan na niya ko.Kababata ko si Half at minahal ko 'to hindi nga lang katulad ng pag mamahal ko kay Ichiro.

"Basta lagi lang akong nandito kung saktan ka 'man ng g*gong 'yon!" Humiwalay ako sakanya sa pag kakayakap at pinalo siya sa braso, loko talaga.

"Alam ko..." Bulong ko at ngumiti sakanya.

"Sige na, uuwi na ko baka mag bago pa ang isip ko at agawin kita sakanya." Sabi nito kaya nakatanggap na naman siya ng sapak sakin.

Nag paalam na rin ako sakanya at pumasok na ulit sa Wilton.Nakita kong wala na ang mga bus at sila Zab, siguro umuwi na ang mga 'to.

Dumiretso na ako sa dorm namin at natigilan ako ng makita si Ichiro dito at nakasandal 'to sa pinto.Nilapitan ko siya pero nanatili pa din tong nakayuko.

"Do you love him?"

"Ichiro---"

"Answer me." Madiin niyang sabi.Narinig niya kaya ang pinagusapan namin ni Half? Napangiti ako ng makaisip ako ng kalokohan.

"Oo." Umangat na ang tingin niya sakin.Akala ko galit na Ichiro ang makikita ko pero hindi.Malungkot ang mga mata niya.

"How about me? Do you love me?" Sabi nito at nag simula siyang lumapit sakin kaya napapaatras ako.

"Mahal ko si Half...b-bilang kaibigan...at oo mahal kita---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.I close my eyes and kiss him back hindi ko alam para akong nawawala sa sarili ko.

"Autum---oh my gosh! Sorry!" Mabilis kong naitulak si Ichiro at humarap kay...

"Paris?" Gulat kong tawag sa pangalan niya.

"What the fvck---" Tinakpan ko ang bibig ni Ichiro at ngumiti kay Paris.

"K-kailan ka pa nakauwi?" Tanong ko at inalis na ang kamay ko sa bibig ni Ichiro.

"Uhm....kahapon lang...ano...pasensya talaga.."

"Okay lang, halika doon tayo mag usap.'' Hinila ko na siya palayo kay Ichiro at pumunta kami sa garden ng Wilton.

"Grabe Autum! Ang gwapo ng boyfriend mo!" Sabi niya at pinalo ako sa braso ko kaya napahimas ako dito.Ang sakit.

"Anyway! sorry talaga, may mahalaga kasi akong sasabihin."

"Ano?"

"Uuwi na ang Mommy mo dito bukas, pinapasabi niya! Oh diba good news!" Natigilan ako sa sinabi niya.Si Mommy uuwi na? Naalala ko tuloy na bago siya umalis dito sa Pinas buntis siya.Babae kaya ang kapatid ko?

"Teka, pano ka pala nakapasok dito?" Tanong ko dahil buti na lang walang nangharang sakanya.

"Nag ninja moves ako." Napailing na lang ako pero napansin kong parang may hinahanap siya.

"Hoy!"

"Ay! Winter!" Napakunot ang noo ko na tinignan siya.

"Anong Winter?"

"Ha? S-Sabi ko baka mag Winter."

"Summer ngayon."

"Ganun ba? Sige uwi na ko lalabas na lang ako pag Winter na." Sabi niya at umalis na nga medyo may pag kabaliw talaga ang babaeng 'yon.

Kababata ko rin si Paris katulad ni Half pero mas close ang Mommy namin dahil ang Mommy niya na si Tita Jackie sinamahan si Mom sa ibang bansa isa na ring dahilan kaya napunta doon si Paris pero kamusta na kaya si Mom? Buti at naisipan niyang umuwi.

Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon