NOTE: Faye Wilton on the media!
*****
Hindi na ako nagdalawang isip na sundan si Ichiro at ang ate niya.Nagmala ninja moves ako para lang makarating sa pinto na pinasukan nila.
"Kailan ka pa umuwi?" Dinig kong sabi ni Ichiro.Wala naman ata silang mahalagang paguusapan.Chismosa lang siguro talaga ako.
"Kanina lang! At nalaman ko lahat ng mga kalokohan na ginagawa mo dito!" Teka? si Ichiro nagawa ng kalokohan? Hindi naman right? Madalas ko siyang kasama.
"Tsk, sino nagsabi sayo?"
"Hindi mo na kailangang malaman.Basta ang pinunta ko dito ay yung babaeng kasama mo." Saglit! Ako ba tinutukoy niya? Wala naman akong natatandaan na kasalanan na ginawa ko.Ngayon ko nga lang siya nakita. >_< or may chapter sa buhay ko na hindi ko matandaan?
"No, hindi mo siya kakausapin." Matigas na sabi ni Ichiro.Nakahinga naman akong malalim na sabihin niyang hindi mo siya kakausapin.Kakausapin lang pala ako.
"What? nahihibang ka na ba Ichiro? Niloloko mo yung tao!"
"Ako magsasabi sakanya!''
"Kailan pa? Alam mo? Dapat matagal mo na tong sinabi sakanya!"
"Sasabihin ko, naghahanap lang ako ng tamang oras."
"Ichiro, hindi ikaw ang pinunta niya dito! Yung punishment niya!"
Now I know na ako nga ang pinaguusapan nila pero ano yung dapat kong malaman? May hindi pa ba ako alam sa katauhan ni Ichiro?
".....kaya sabihin mo na sakanya Ichiro....na ikaw ang owner ng school na 'to...na ikaw ay si Ichiro Wilton..."
Tama ba ako ng pagkakadinig? Ang owner ng school at si...Ichiro ay....iisa? Napaatras ako ng makitang magbubukas ang pinto.
"A-Autum?"
...na ikaw ang owner ng school na 'to...na ikaw ay si Ichiro Wilton...
Sa ilang buwan kong paghahanap dito.Na sa harapan ko lang pala ang owner ng eskwelahan na 'to at ang nakakatawa minahal ko pa siya.
"Autum...l-let me...explain---''
*PAK*
"Malinaw na sakin Ichiro...n-niloko mo ko..."
Akala ko siya ang tutulong sakin pero hindi tinago niya sakin ang totoo hindi ko alam kung anong kasalanan ko sakanya at niloko niya ko.
"Let's break up." Pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.Nakakainis! Naging tanga na naman ako.Siguro pinagtatawanan niya ko ngayon dahil ngayon ko lang nalaman.Wala naman kasing nagsabi sakin na.....na ganto ako katanga.
"Autum, please don't leave me again."
"Ikaw na rin nagbigay sakin ng dahilan para iwan ka Ichiro! Ginawa mo kong tanga!"
"...tapusin na natin 'to.Itong kalokohan mo..."
"Mahal kita, hindi 'to---"
"Tama na! Ayoko na!"
Ito ang pinakamasakit sa lahat.Hindi ko alam na aabot kami sa ganto.Gusto kong lumabas dito...dito sa pesteng eskwelahan na 'to.Puno ng kasinungalingan! Nakakainis! Bakit ako umiiyak? Siguro dahil sa nasasaktan ako.
"Autum!" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtakbo.
Nakalabas na ako ng Wilton at agad akong nagpara ng taxi.Nakita kong hinabol ako ni Ichiro pero yumuko lang ako at doon binuhos lahat ng luha ko.Ang tanga ko! Ang tanga tanga! Wala na yata mas tatanga pa sakin.Iniisip ko tuloy kung totoo ang pagmamahal na pinakita niya sakin.Siguro hindi.
"Ma'am, saan po tayo?" Tumingin ako sa labas at na sa highway pala kami.
"Dito na lang po."
"Pero Ma'am bawal po---"
"Ito po bayad."
Binigyan ko siya ng 1,000 at agad ng bumaba ng taxi.Gusto kong ilabas ang galit na 'to.
"ANG TANGA KO! SOBRA! BAKIT MO KO NILOKO?!! WALA NAMAN AKONG KASALANAN SAYO!!!" Napaupo na lang ako sa lupa.Kung una pa lang sana iniwas ko na tong nararamdaman ko hindi sana sasakit 'to ng ganto.
Siya ang owner ng Wilton? Bakit nga ba kahit kailan hindi ko na tanong ang last name niya? Hahaha! Ang tanga ko kasi!
2 years ago, hindi pa bawal ang mga babae sa Wilton pero na bago iyon ng may pumasok dito na isang babae.Si Zia.
Gusto niyang makipag Partnership ang Wilton sa Company nila, pinipilit niya ang may-ari ng Wilton, buwan din ang nag tagal kaya nahulog si Ichiro dito, pero papayag na sana ang may-ari ng Wilton ng bigla na lang siyang nawala.
Nakita namin kung pano nasaktan si Ichiro dahil sa pag iwan sakanya ni Zia.Pinahanap niya 'to samin pero hindi pa rin siya nakikita hanggang ngayon.
Isa pa 'yon.Bakit hindi ko man lang naisip na ang tinutukoy ni Azer sa kwento niya ay iisa? Kaya bawal ang mga babae sa Wilton dahil sa sobrang nasaktan si Ichiro kay Zia.Ibig sabihin ba 'non mahal niya parin 'to? Nakikita lang ba ako ni Ichiro bilang Zia?
Autum, please don't leave me again.
Again.
Siguro nga.Parang mas lalong dumami ang tumusok sa puso ko.Bukod sa tinago niya sakin ang totoo ginawa niya pa akong panakip butas at si tangang ako nagpaloko naman.
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Novela Juvenil[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...