Chapter 4

30.8K 943 16
                                    


Matapos kong makausap ang Principal na si Sir Castro dumiretso na kami sa dorm namin. Oo, kami! Because obviously kasama ko ang ka-roomate ko.

"Let me see your schedule." Magsasalita pa sana ako pero agad na niyang inagaw sakin yung folder.

"Always stay beside me. Understand?" Napatigil ako sa pag-lalakad at tinignan siya ng nalilito. Bakit naman kailangan na lagi akong na sa tabi niya? Ano ako anino niya?

"Naiintindihan mo ba?" Ulit niya pero umiling ako. Ano siya boss? Pano ko makikita ang may-ari nitong Wilton kung lagi akong nakabuntot sa kanya?

"Say yes o baka naman gusto mong halikan pa kita?" Nanlaki ang mata ko. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?!

Nagulat ako ng mag-simula siyang lumapit sa akin kaya todo atras ako. Mukhang seryoso talaga siya!

"O-oo...na!"

"Good!"

Nakita ko ang ngiti sa kanyang labi. Ngiting tagumpay. Napasimangot ako. Kainis!

"Tama ako." Sabi niya at nag-umpisa na namang lumapit sakin. Don't tell me nakikilala na niya ko?

"A-anong...t-tama ka?"

"Diba ikaw yung babaeng nakabungo ng sasakyan ko noong Sabado? Hindi ka pa nakuntento at binato mo pa ako ng sapatos mo." Halos manlumo ako sa mga sinabi dahil hindi siya nagkakamali!

"S-sorry! A-ang yabang mo kasi!"

"Ako pa mayabang? Gusto mo bang kasuhan kita dahil sa pagbunggo mo sa sasakyan ko?" Napatigil ako sa sinabi niya.

"A-ang...sabi ko...s-sorry! Hindi ko na uulitin! Huwag mo lang akong ipakulong!" Pag-mamakaawa ko sakanya. Hindi ko alam na gagawin ko 'to sa buong buhay ko! At dahil ito kay Grace! Kung hindi niya lang sana ako pinagbintangan wala ako dito at hindi ako aalis ng bahay noong Sabado!

Hinila niya ako papasok sa kwartong tinigilan namin kaya sobra akong nataranta. Anong gagawin namin dito?

"B-bakit tayo pumasok d-dito?" Nauutal kong tanong. Agad kong inagaw ang kamay ko sa kanya at tumakbo papuntang pinto. Hindi ko siya hahayang gawin sakin 'to! Bata pa ko!

"Dahil ito ang dorm natin?" Ha? Ito? Ito ang dorm namin? Nakahinga ako ng malalim. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuang kwarto. Ang O.A mo naman kasi Autum napaka dirty minded mo! Nakakahiya tuloy! Isipin niya pa assumera ako!

"Are you hungry?" Nabaling ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nakahiga na sa kanyang kama.

"Medyo." Lumapit ako sa kama ko na kulay white ang bed sheet. Sinilip ko rin yung aparador na na sa left side ko.

Mukhang bagong gawa lang ang dorm na 'to.

Napaigtad naman ako sa gulat ng tumunog ang phone ko kaya dali-dali ko itong sinagot.

[Autum!] Boses pa lang kilala ko na kung sino. Si Zera.

"Napatawag ka Zera?"

[Yung mapa kasi ng Wilton naiwan mo sa kotse ko.]

"Ah! Sayo na lang nandito na naman ako sa dorm ko."

[Ano? May dorm ka?]

"Oo."

Simple kong saad at napaupo na lang sa kama.

[What?! May ka roomate ka?]

"Aba malamang!"

Sagot ko at sumulyap doon sa lalaki.

[Lalaki?!]

"Ano pa nga ba! Lalaki lang naman napasok dito!"

[Malay ko ba kung lalambot lambot yan saka sure ka bang puro boys nag-aaral dyan? Pano kung may naligaw na you know!]

"Whatever Zera! Lalaki ang ka-roomate ko---"

Nagulat ako ng may umagaw sa phone ko kaya agad akong napalingon sa aking likod.

"Phone is not allowed." Napasimangot ako at pilit na inagaw ang phone ko sa kanya pero tinaas niya lang yun. Ano ba yan! Lahat na bawal!

"Give me back my phone!" Nilahad ko ang kamay ko sa kanyang harap.

"No." Napairap ako at naiinis na binaba ang aking kamay.

"Hindi nga kita kilala kaya ibalik---"

"I'm Ichiro, now you know me let's go and eat." Napanganga na lang ako sa kanya. Seriously? Kakaiba rin tong lalaking 'to!

"Pero---"

"Kakasuhan---"

"Gutom na pala ako. Tara kain na tayo." Sasabihin niya na naman yung kaso ko. Nakakainis!

"Saan ba tayo kakain?" Tanong ko habang palabas kami ng dorm.

"Hindi ko alam." E? napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Anong bakit? Saan nga tayo kakain?"

"Just follow me." Wala akong nagawa kung hindi ang sundan ulit siya. Para naman akong aso nito.

Nakarating na kami sa labas ng Wilton University pero patuloy parin siya sa paglalakad. Nahagip ng mata ko ang mga nagtitindang fishball, kwek-kwek, kikiam at kung anu-ano pang street foods 'di kalayuan dito.

"Ichiro!" Hinila ko ang kamay niya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"What?"

"Doon na lang tayo kumain." Sabi ko at nginuso ang mga nagtitinda ng street foods.

"Are you serious?" Sabi niya. Tumango ako.

"Seryoso ako dahil gutom na talaga ako."

"Malapit na tayo sa restaurant doon---"

"Halika na!" Narinig ko ang mahina niyang pagmumura habang napangiti na lang ako. Ngiting wagi.

Nag simula na kong kumain habang pinapanuod niya lang ako. Ang arte naman ng lalaking 'to! Bahala siyang magutom dyan!

"Ate, lima pa ngang isaw." Sabi ko sa tindera. Ang sarap!

"Autum." Napalingon ako kay Ichiro ng tawagin niya ko.

"Bakit?"

"When I said run you're going to run. Understand?"

"Ha? Bakit naman?" Nalilito kong tanong.

"Just do it." Tumingin ako sa paligid at napansin ang mga lalaki na 'di kalayuan samin at swear! nakakatakot ang tingin nila samin. Mukhang mga gangster.

"One"

"Ichiro bakit---"

"Two"

"...hindi na lang tayong---"

"Three"

"...dalawa ang tumakbo---"

"Run!" Sa sobrang gulat ko sa pagsigaw niya bigla akong napatakbo.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng may humila sa kamay ko.

"Ahh!"

Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon