"Autum?"
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at agad kong nakita si Half. Wait. Nasaan ako? Bakit ako nandito? Hindi naman 'to ang dorm namin ni Ichiro.
"Ayos ka na ba?"
"Bakit? Ano bang nangyari?"
"Nahimatay ka kagabi. Sabi ng nurse masyado ka raw napagod hindi na kinaya ng katawan mo."
Napahawak ako sa ulo ko bakit wala akong matandaan? Ang alam ko lang ay...ay yung...sinabi ni Ichiro...t-totoo kaya 'yon? O baka panaginip lang?
"Nasaan pala ako?"
"Na sa clinic ng Wilton." Nilibot ko ang buong paningin ko dito at nakakita ako ng tubig. Buti naman kanina pa natutuyo ang lalamunan ko.
"Nauuhaw ako."
"Sandali."
Nakita kong kumuha siya dito ng tubig at inabot sakin 'to.
"Salamat."
"Autum pwede bang maiwan muna kita? Maliligo lang ako."
"Bakit? Ilang araw ba akong tulog?"
"Isang linggo." Muntik na kong masamid. Ang haba naman! Hindi naman malala ang nangyari sakin napagod lang ako.
"Joke! Isang araw lang. Hindi lang ako nakaligo kahapon pero may papalit naman sakin."
"Sino?"
"Me."
Napatingin ako sa pinto at parang gusto ko na lang ulit bumalik sa pag kakatulog.
"Nandyan na pala siya. Sige una na ko." Hindi na ko nakasagot dahil parang tinakasan ako ng sarili kong boses.
"Are you okay now?"
Tango lang ang sinagot ko at inubos ang tubig na binigay sakin ni Half. Sana pala hindi muna ako nag gising.
"Here."
Inabutan niya ko ng apple na kinuha ko naman at kinain. Nagugutom na rin kasi ako.
"Salamat."
"About last---"
"Tikman mo masarap." Sabi ko at sinubo sakanya ang mansanas na hiwa na.
Baka kasi i-open niya yung topic doon sa nangyari kagabi kahit hindi pa ako sure kung totoo nga ba 'yon o hindi pero malakas kasi ang pakiramdam ko na totoo 'yon.
"I just want to tell---"
"Naubos mo ba yung cup cakes na ginawa ko sayo?" Pag iiba ko ulit sa usapan.
"Yeah."
"Buti naman. Sige matutulog ulit ako." Hindi ko na siya pinasagot at nag talukbong na ng kumot.
"...I like you"
Tuwing ipipikit ko ang mata ko naririnig ko ang boses ni Ichiro. Aish! Totoo ba 'yon? Pero kung totoo nga 'yon pareho kaya ako ng nararamdaman sakanya? Hindi, crush lang 'to. Sige Autum! Ipagpilitan mo pang crush lang 'yan. Sino bang niloloko mo?
Pano kung panaginip lang pala 'yon? Edi napahiya ako. Haist! Hindi rin ako sure kung pareho kami ng nararamdaman at isa pa! Ang punishment ko lang ang pinunta ko dito.
Nakalabas na rin ako ng clinic ng araw din na 'yon. Pumasok na rin ako kahit pinipigilan ako ni Ichiro isama mo pa si Half. Ang kulit nilang dalawa pero sa huli ako pa rin ang nanalo.
Pinagpatuloy ko ang pag hahanap kay Mr.Wilton. Nag tanong na rin ako sa ibang students kung nakikita nila 'to pero puro 'hindi' ang sagot nila sakin.
"Kainis! Kailan kaya mag papakita sakin si Mr.Wilton?" Bulong ko at naupo sa ilalim ng puno. Ewan ko ba kay Ichiro hinila na naman ako at dito ako dinala.
Umupo rin sa tabi ko si Ichiro. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
"I like you....do you feel the same?" Ito na nga ba ang sinasabi ko! So hindi talaga ako nananaginip ng gabing 'yon?
Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at hinigpitan ang hawak sa kanyang kamay.
"Hindi ko alam...basta alam ko crush kita..." Narinig kong tumawa siya kaya napaangat ako ng tingin sakanya.
"Bakit?"
"May pag kakaiba ba 'yon? Tch"
"Oo kaya!"
"Explain."
"Ah! basta! Para sakin may pag kakaiba 'yon."
Tama naman ako ah. Magkaiba kaya ang crush at like? Ang crush pag hanga at ang like gusto mo na siya. Kaya may difference ang dalawa.
Bakit ba ayaw maniwala nito ni Ichiro? Mag kaiba naman kasi talaga ang dalawang 'yon.
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...