Chapter 33

20.6K 512 3
                                    

"Sure ka?" Gulat kong tanong kila Zab ng makwento nila sakin na umalis na si Saphire pa puntang Italy para raw mag pa heart transplant 'to.Ngayon ko lang talaga na realize na na pakaoutdated ko. >_<

"Yep! Super sure! Anyway! mauna na ko.May lakad pa kasi ako you know!" Sabi ni Zab sabay kindat samin ni Krista since kaming tatlo lang ang babae dito dahil wala rin si Zera.

Wala rin daw balita si Zab dito.Hindi na tin daw 'to napasok.I wonder kung ano ng nangyari sa babaeng 'yon.

"Date ba 'yan?" Tanong ni Krista at tinignan ng makahulugan si Zab.Ako naman hindi na nagtanong dahil alam ko naman ang gagawin niya.

"Ewan? Baka? Sige na! Babush!" Sabi nito habang nakaway samin palabas ng park.Tumango lang ako sakanya.

"Ano kayang gagawin non?" Napatingin ako kay Krista, kitang kita ko na curious talaga siya.

Anyway, nag iisip parin ako ng ireregalo kay Kei pati na rin kay Ichiro.May naisip na ako para kay Ichiro pero shemay! Nahihiya ako! >.< Mamaya ko sana ibibigay pagdating namin sa Wilton pero nagdadalawang isip parin ako.

Katulad nga ng sinabi ko dumaan muna kami ni Ichiro sa mall matapos naming i-celebrate ang birthday niya.Mabilis naman akong nakahanap ng gift para kay Kei.Hindi ko alam kung magugustuhan niya pero siguro? Malakas instinct ko ngayon hehehe. ^_^

Bumalik na kami sa pavillion pero pagdating namin doon wala ng mga tao.Ano ba 'yan! Mukhang tapos na yung party. >_<

"Bukas ko na lang siguro ibibigay 'to Ichiro."

''Then let's go home?"

Ano raw? Let's go home? Tinuturing na talaga niyang bahay ang Wilton.Tumango na lang ako at sumakay na ng kotse.Napakagat ako sa labi ko ng maalala ko na naman ang ireregalo ko kay Ichiro.Hindi ko alam kung bakit 'yon pa ang naisip ko.Baliw na yata ko. >_<

Nanatili lang kaming tahimik sa sasakyan habang pabalik kami sa Wilton.Iniisip ko kasi kung pano ko ibibigay ang gift
ko sakanya.Pagbaba na lang namin ng sasakyan? Pero baka may makakita! Sa loob ng dorm? May naiisip naman akong hindin maganda.Aish! bahala na nga! Pwede naman kasing iba na lang ang iregalo ko pero 'yon lang kasi naiisip ko. TT ^TT

"Autum, wala ka bang balak lumabas?" =__= Napatingin ako kay Ichiro na nasa gilid ko na at pinagbuksan ako ng pinto.Nandito na pala kami.Huminga ako ng malalim kaya ko 'to! >\\\<

Lumabas na ako ng sasakyan at agad kong naramdaman ang paghawak ni Ichiro sa kamay ko.Nilibot ko ang paningin ko mula sa nilalakadan namin.Mukha namang wala ng mga students.

"Ichiro...'' Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Why?"

*TSUP*

"Happy birthday!"

Binitawan ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumakbo palayo.Waaahh! nahihiya ako! -////- Yup! Hinalikan ko siya sa lips! >_< Ayaw niya nga ata naestatwa na kasi siya sa kinatatayuan niya.

Agad akong pumasok sa dorm ng makarating ako dito.Inaalala ko tuloy kung pano ako haharap sakanya bukas. >_< pesteng gift!

***

Ito na nga ba ang sinasabi ko.Mahihiya akong humarap kay Ichiro.Nakatalikod ako mula sa kinahihigaan niya kaya dahan-dahan akong humarap dito.Halos manlaki ang mata ko ng makitang gising na siya.

"Bakit mo ko tinakbuhan kagabi?" Sabi nito at nagsimulang lumapit sakin kaya napaupo ako.

"Uhm...k-kasi---"

"Thanks, that was a best gift na natanggap ko."

>\\\\<

Best gift daw? Para tuloy may mga butterfly sa tummy ko.

"W-welcome..." Nahihiya kong sagot at nag iwas ng tingin.Nakakatunaw naman kasi yung mga titig niya.

"Get up, may pasok pa tayo." Para akong nabingi sa sinabi niya.Woah! Masipag na pala siya ngayon? Napangiti na lang ako.

''Ichiro, 19 ka na?"

"Yeah."

Habang papunta kami sa first subject namin biglang may humarang samin na babae at nakatingin 'to kay Ichiro.

"Wait! Baby bro! Kailangan kitang makausap."

Ehh? Baby bro. daw? Ibig sabihin kapatid siya ni Ichiro? Malamang Autum! -_- Sabi ni Ichiro mauna na raw ako susunod na lang daw siya so I did pero hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali, parang gusto ko silang sundan teka? Kailan pa ko naging chismosa? -_-

"Autum!" Kumakaway si Winter na palapit sakin.Hindi naman kami close, dalawang beses ko lang naman siya nakausap.

"Bakit?"

"Alam mo ba kung saan nakatira si Paris?"

Mukha na ba akong tanungan ng tinitirahan? ~_~ Whatever! Naisip niya siguro na dahil kababata ko si Paris alam ko na kung saan 'to nakatira pero hindi.Malay ko ba sa bahay nila.

"Hindi, sorry."

"Okay lang, sige una na ko." Tinanguan ko na lang siya.Napansin ko naman si Ichiro pati yung Faye, narinig ko kasing sinabi ni Ichiro kanina na ate Faye so I guess 'yun yung name niya.

Pumasok sila sa isang kwarto na kahit kailan hindi ko pa napupuntahan.Napahawak ako sa dibdib ko ang lakas ng pintig.Ano kayang meron? at nagkakaganito ako?

Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon