Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi sakin nila Azer na galit na galit si Ichiro dahil sa tingin ko naman hindi. Pinagtitripan lang yata nila ako, e. Kinabahan pa naman ako.
"Masarap?" Tanong ko kay Ichiro habang kinakain niya ang gawa kong cup cakes.
"Yeah, ikaw nag-luto?"
"Yup!" Proud kong sabi. Buti na lang nagustuhan niya.
"Para saan pala 'to?" Napalunok ako dahil sa tanong niya. Nahihiya akong mag-sorry! Nagtaka nga ako dahil bigla niya akong pinansin. Ano kayang sinabi nila Lance sakanya?
"W-wala...lang" Nag-iwas ako ng tingin at binaling ang atensyon ko sa iba.
"Penge pa Autum." Napatingin ako kay Azer ng sabihin niya 'to. Hala! Konti lang naman kasi ginawa ko—I mean! Inubos kasi nila Zera—
"Hahaha! Joke lang alam ko namang para kay Ichiro talaga lahat 'yan." Pakiramdam ko nag puntahan lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya.
"A-ano...kasi---"
"You can leave now Graye." Nakahinga naman ako ng malalim ng sumingit na si Ichiro sa usapan namin.
"Okay!" Sabi ni Lance at tinaas pa ang dalawang kamay nito na parang na suko.
Ilang minuto kaming natahimik at tanging pag nguya lang ni Ichiro ang naririnig ko at ang malakas na paglagasgas ng hangin.
"The truth is...hindi ko 'yan ginawa dahil wala lang..."
"I know." E? Pano niya nalaman? Tinignan ko siya ng nag tataka at mukhang na gets niya naman ako.
"Instinct."
Wow! Ang lakas naman ng pakiramdam niya. Medyo nawala ang pag kahiya ko kaya huminga ako ng malalim para bigkasin ang salitang 'sorry' ng may tumawag sa phone niya. Shemay!
"Wait a minute." Tango lang ang sinagot ko at kumuha ng isang cup cake. Agad ko itong naubos pero pag minamalas ka nga naman nasamid pa! Kinapa kapa ko ang tubig pero hindi ko makuha.
"Here." Agad kong inabot ang tubig na hawak niya at ininom ito.
"Are you okay?"
"I'm fine. Thank you." Sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko.
"Let's go?" Yaya ko sakanya.
"Wait. What are you going to say?" Nag-iwas agad ako ng tingin. Mamaya ko na lang siguro sasabihin!
"N-nakalimutan...ko...na." Pag sisinungaling ko at nauna na sakanyang mag lakad.
Bakit ang hirap bigkasin ang salitang 'sorry' Shems! Mukhang bati na naman kami. Kailangan ko pa bang mag sorry?
Aba dapat lang Autum!
Oo na mag sosorry na ko pero hindi muna ngayon mamaya na lang siguro. Medyo nahihiya pa kasi ako sakanya.
Sabi niya mauna na raw ako sa dorm. May gagawain pa raw kasi siya. Agad akong tumalon sa kama ko at gumulong-gulong dito. Kapagod! Pero worth it naman kasi nag bati na kami ni Ichiro. Hindi pa naman totally na bati kasi hindi pa ako nag sosorry.
Bigla ko namang naalala yung sinabi nila Zera. Loka-loka talaga ang mga 'yon. Pag isipan ba namang may-crush ako kay Ichiro. Oo gwapo siya pero! Kasi...Napakagat ako sa labi ko. Oh my! Hindi nga kaya?
Tumayo ako sa ibabaw ng kama ko at nagtatalon dito habang natili. Naisip ko yung mga nangyari kanina. Waaaahhh! Uminom ako sa bottle na ininuman niya! Ibig sabihin ba non nag indirect kiss kami? Kyaaaahhh!
"Autum."
"AY! KISS!" Lumagapak ako sa sahig. Nagulat kasi ako kay Ichiro.
"Kiss?"
"Ah...eh! What I mean is! Muntik ko ng mahalikan ang sahig!" Palusot ko at tumayo na sa pag kakabagsak ko. Buti naman at bumenta dahil dumiretso na siya sa kama niya.
Sinilip ko siya at nakahiga na 'to sa kanyang kama. Okay I think ito na ang time para mag sorry ako.
"Uhm...Ichiro." Lumapit ako sa kama niya pero nakita kong tulog na siya. Ano ba 'yan! Tinulugan naman ako! Pwede naman sigurong mag sorry ako habang tulog siya?
Huminga ako ng malalim at umupo sa gilid ng kama niya. Okay mag sosorry ako habang tulog siya para hindi na rin masyadong nakakahiya!
"S-sorry..." Bulong ko sa tenga niya pero nagulat ako ng mag mulat siya. Oh my gosh!
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...