Chapter 46

17.6K 479 2
                                    

Nag-stay pa ako ng ilang araw dito sa beach house at ito na ang huling araw ko dito.Pinili ko rin na gabi ng umuwi sa Manila.

Masasabi ko namang na katulong ang lugar na 'to sakin dahil na kapag-isipisip na rin ako.

Madami na akong naging plano pag-balik ko doon and I hope na magawa ko 'yon.Isa na doon ang pag-kausap kay Dad sa tingin ko kailangan kong gawin 'yun dahil tatay ko parin siya.

Katulad ng ginagawa ko tuwing umaga lumalabas ako ng bahay para panuodin ang pagtaas ng araw.Naupo ako sa buhangin at pinagmasdan 'to.

Pag-balik ko sa Manila sisiguraduhin kong hindi na ako iiyak na magiging masaya na lang ako para kay Ichiro.Nakakapagod din pala kasi.

"Autum." Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako dito.

"Z-Zera..." Gulat kong tawag sa pangalan niya at na patayo mula sa pag-kakaupo ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nito kahit hindi ako makapaniwala na na sa harap ko siya ngayon.Tumango na lang ako.

---

Sa terrace kami ng bahay pumunta para mag-usap.Inalok ko siya ng maiinom at nagtaka ako ng gatas ang hingiin nito.Naalala ko noon ayaw niya sa gatas.Pangit daw ang lasa.

"Ito na oh." Sabi ko at inabot na sa kanya ang isang baso ng gatas.

"Salamat." Sabi niya at kinuha naman niya 'to sa kamay ko.

Napansin ko rin ang pag-taba niya.Ilang linggo ko rin siyang hindi na kita dahil katulad nga ng sinabi ni Zab para tong nag laho na parang bula.Hindi ko rin naman siya nakita noong...noong...e-engagement... party.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Unang-una sa lahat sorry." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil 'to.Mapait akong ngumiti sa kanya.

Kahit alam kong ikakasal siya kay Ichiro hindi ko parin magawang magalit sa kanya dahil bestfriend ko siya at ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

"Hindi...ko...naman...'to...g-ginusto..." Sabi niya at niyakap ako.Tumango ako at tinapik tapik siya sa likod.

"I know." Humiwalay siya sakin sa pag-kakayakap at pinunasan ang luha niya.

"Kinailangan ko muna kasing makapagisip." Sabi niya na kinakunot ng noo ko.

"Bakit?" Napakagat siya sa ibabang labi niya at ininom ang gatas ng diretso bago ako sagutin pero hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.

"Buntis ako." Ilang segundo ang lumipas bago ko ma-process ang sinabi niya.

"What?!" Napatayo ako sa kinauupuan ko at nag pabalikbalik ng lakad.

Buntis siya? Wait? Si Ichiro ba ang ama kaya pumayag din 'to? Oh my! gosh! I can't believe this!

"Autum huwag kang OA hindi si Ichiro ang ama kung 'yan ang iniisip mo ngayon." Natigilan ako at bumalik ulit sa pag-kakaupo.

"Eh? Sino?" Huminga siya ng malalim at napahilamos sa mukha niya.

"S-Si...Erion..."

"What?!" Napatayo muli ako sa kinauupuan ko.

Si Erion? If I know siya ang kaibigan ni Ichiro.Ito yung cold at pinaka weird na lalaki sa kanilang apat pero ang iniisip ko paano nangyari 'yon? Oh? Saan nangyari 'yon? Mukhang alam naman ni Zera ang iniisip ko at sinagot na ko nito.

"Sa...c-camp.."

Naalala ko tuloy noong camping sobrang tahimik niya at matapos nun hindi na siya nag-pakita.So 'yun pala ang dahilan niya.

"Oh my gosh Zera paano ang kasal niyo ni...ni---"

"'Yun nga ang pinunta ko dito." Sabi niya at tumayo na rin ito at hinawakan ako sa mag-kabilang balikat.

"Parents ko lang may alam nito at ikaw."

"Sinasabi mo bang walang alam si Ichiro at ang parents niya?" Tumango siya at humawak sa tummy niya.

Hindi pa naman masyadong nalaki ang tyan niya pero halata naman ang medyo pag-taba niya.

"Mag-uusap bukas ang parents namin at kasama kami doon.Please Autum! Pigilan mo sila, please help me." Hindi ko maintindihan si Zera.

Isama mo pa ang mga plano ko parang bigla na lang itong naging hangin pero may part sakin na parang biglang nag-karoon ng pag-asa.

"So...mahal ka ni Erion?"

"Hindi ko alam."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.Hindi ko alam na sa isang iglap lang biglang mag-babago ang plano ko.

"Okay, i'll help you."

Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon