Sa lahat ng bumibisita sakin ito ang pinakaayaw kong nabisita! Halos gumulong gulong na ko sa
kama dahil sa sobrang sakit ng puson ko. Buti na lang Saturday ngayon. Walang pasok.Bakit kailangan rumanas aang babae ng ganito kasakit? Sana pala naging lalaki na lang ako. Huhuhu pero syempre joke lang! Mas gusto ko pa ring maging babae.
"Autum?" Sumilip ako sa labas ng kumot ko dahil nakatalukbong ako.
"Bakit?"
"Get up. May pupuntahan tayo."
"Saan?" Ayoko pa namang lumabas pag may bisita ako. Pakiramdam ko kasi matatagusan ako.
"Basta, hihintayin kita sa parking lot." Sasagot pa sana ako pero tuluyan na siyang umalis.
Ano ba 'yan! Hindi muna ako tinanong kung gusto ko bang sumama tss. Wala na akong nagawa kung hindi ang gawin ang daily routine ko.
Pumunta ako sa parking lot katulad ng sinabi niya. Naabutan ko siya dito na nakasandal sa isa sa mga kotse. Saglit! Parang ito yung kotse na nabunggo ko. In fairnes parang hindi nasira mukha pa ring bago.
"Sakay." Pinagbuksan niya ko ng pinto kaya sumakay na ko. May pag ka gentleman din pala 'to si Ichiro.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko ng makasakay na rin siya.
Wala kasi akong kaide-ideya kung saan ba talaga kami pupunta. Malay niyo kidnapped na pala tong ginagawa niya okay! Ang OA ko na naman! But who know's?
"Maupo ka na lang jan tsk." Aba! Mas mataray pa sakin! Ako tong may bisita diba dapat ako ang mataray dito? Hmp!
"Here." May inabot siya sakin at halos manlaki ang mata ko ng makitang phone ko 'to. At last! Binalik niya rin!
"Salamat!" Binuksan ko 'to pero ayaw mag bukas. Ano ba 'yan! Mukhang low battery pa!
"Binalik mo pa sakin."
"Why?"
"Wala!" Pinagmasdan ko na lang ang dinadaanan namin at parang familiar ako sa lugar na 'to. Wait! Don't tell me pupunta kami sa...
"...bahay ni Dad?"
"Yeah." Lumingon ako kay Ichiro. Seryoso siya? Bigla akong napangiti.
Isang linggo na din akong hindi nauwi. Kamusta na kaya si Daddy? At...urgh...ang mag ina niya. Sana lang hindi pinakialaman ni Grace ang mga gamit ko dahil kung oo naku! Baka kung ano ang magawa ko sakanya.
"We're here." Sumilip ako sa bintana at nandito na nga kami.
Lumabas na ako ng kotse't agad kong natanaw si Manang na nag didilig ng mga halaman.
"Manang!" Tawag ko sakanya dahilan para mapalingon siya sakin at nakita ko ang gulat na expression sa mukha niya.
"Autum! Hija! Saan ka ba galing?" Ehh? Hindi niya ba alam na lumipat ako ng school? Err...baka?
"Mamaya ko na po sasabihin Manang. Si Dad po?" Pag iiba ko sa usapan.
"Ay! Nandun sa loob halika alam kong namimiss ka na ng tatay mo." Sumunod kami sakanya at nakita ko agad si Dad sa living room na nag babasa ng dyaryo.
"Daddy!" Tawag ko sakanya. Tumingin siya sa direksyon namin at katulad ni Manang na gulat din 'to.
"Autum. My daughter!" Lumapit ako sakanya at niyakap siya.
"Kumusta Dad?"
"I'm fine ikaw kumusta---" Napatigil siya at nakita kong nakatingin siya sa likod ko. Ay! oo nga pala kasama ko si Ichiro. Sorry naman nakalimutan ko.
"Dad siya si---"
"I'm Ichiro, Sir Autum's---''
"Friend! We're friends!" Baka sabihin niya pang mag dormate kami mag wala pa 'to si Dad. Pilit akong ngumiti kay Ichiro pero nag serious face lang siya.
"Oh! Nice to meet you hijo."
"My pleasure, Sir."
"Autum! You're here!" Napaangat ang tingin ko sa hagdan. Nakita ko doon ang Mama ni Grace parang bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko tch.
"Dad sa kitchen lang po ako."
"Sige, kakausapin ko muna tong kaibigan mo." Tumango ako at pumunta na sa kusina para uminom ng tubig. Umiinit kasi ang dugo ko sa Mama ni Grace idagdag mo pa na may bisita ako tch.
"How's the punishment?" Kahit hindi na ko lumingon alam ko kung kaninong boses 'yon. Idagdag mo pa tong anak niya.
"Paki mo?" Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Sumimangot siya't inirapan ako.
"Dapat hindi ka na bumisita dito. Masaya na kami."
Wow! Isang linggo pa lang silang nakatira dito kung mag salita siya parang sila na ang tunay na pamilya. Naku! Ilayo niyo sakin ang babaeng 'to pero alam kong lalapit at lalapit 'to sakin. Gustong-gusto niya kasi na iniinis ako.
"Tandaan mo Grace, ako ang tunay na anak dito kaya matuto kang lumugar." Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko. Agad ko naman tong hinigit.
"Wala kang alam." Matalim niyang saad na agad kinakunot ng noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Iniwan na niya ako doon habang ako naiwan na palaisipan sa sinabi niya.
Tama nga ba ang desisyon ni Ichiro na ibisita ako dito? Mas nabubwisit lang ako. Ito pa! May makakasalubong pa akong feelingera. Hindi ba ko matatapos sa mag inang 'to? Mukhang hindi dahil kung na saan kami malamang nandon din sila.
"Hi Autum."
"Oh come on, huwag na tayong mag plastikan. Wala si Dad."
"Sige, ikaw na rin nag sabi. Akala ko hindi ka na babalik. Dapat na rape ka na lang ng mga lalaki doon." Ang sama talaga ng ugali nitong babaeng 'to!
"Don't worry papapuntahin ko sila dito para iparape ka." Sumimangot siya. Mag ina talaga sila ni Grace. Iniwan ko na siya doon at umakyat na sa kwarto. Naiinis lang ako sa mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...