Sumunod na rin kami sa ospital ni Ichiro at Zab.Naabutan namin si Erion at mukhang alalang alala na 'to.Na isip ko lang kung alam na kaya niya ang totoo.Ayoko rin namang ako ang magsasabi sa kanya gusto kong si Zera mismo ang magsasabi at hindi ako.
"Hindi ako makapaniwala na b-buntis siya...gosh! Kaya pala..." Sabi ni Zab at pareho na sila ni Erion na pabalik balik ng lakad sa harap namin ni Ichiro.Nakakahilo.
Sinundan ko ng tingin si Ichiro ng tumayo 'to.Kinunutan ko siya ng noo ng ilahad nito ang kamay niya sa harap ko.
"Let's talk." Napakagat ako sa ibabang labi ko at inabot ang kamay niya.
Alam ko naman kung ano ang gusto niyang pag-usapan namin pero kinakabahan parin ako at hindi ko rin alam kung bakit.
"Now, let me ask you a question Autum." Sabi niya at sumandal sa kanyang kotse.
Napalunok ako ng magtama ang tingin namin na agad kong iniwasan.Naiilang kasi ako.
Sa ilang linggo naming hindi pagkikita ngayon ko lang ulit siya nakaharap ng ganito, yung maayos.Bukod pa sa nangyari samin kanina.Sa totoo lang ayoko ng isipin 'yon dahil muntik na naming gawin...aish!
"Do you still love me?" Ito rin ang tanong ko sa kanya kanina.
Naalala ko kasi yung huli naming pagkikita.Napapikit ako ng madiin at inalala ang mga sinabi niya sakin.
Pagod na ko Autum...
...hindi ka marunong makinig.Napapagod na ako! Gusto ko munang magpahinga! Nasasaktan din ako.Lagi mo na lang akong pinag-aalala pag nawawala ka sa paningin ko.Ganto na lang ba tayo? Habulan?
"Answer me Miss Pereira." Naimulat ko ang mata ko at halos kilabutan ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.
"P-Pero diba...sabi mo..p-pagod ka na---"
"Sabi ko 'muna' Gusto ko MUNA mag-pahinga.Did I said that?"
Tumingin na ako sa mga mata niya at dahan-dahang tumango.Tama siya sinabi niya nga 'yon at ang tanga ko na naman dahil hindi ko na intindihan.Naiinis ako sa sarili ko.Pero may gusto akong malaman bago sagutin ang tanong niya.
"Bakit ka pumayag sa...k-kasal?" Mas lumapit pa siya sakin kaya napaatras ako pero sa isang iglap lang nakasandal na ako sa kotse niya.
"Hinintay kita..." Kumunot ang noo ko pero siya naman tong nag-iwas ng tingin.
"...akala ko pipigilan mo ko, but fvck! Im wrong!"
Kung alam niya lang sana na gustong-gusto ko siyang hilahin palabas ng Wilton park at sabihing akin na lang siya ulit pero hindi ko ginawa dahil sobra na akong na saktan ng mga oras na 'yon at alam kong wala na akong karapatan sa kanya.
"Sabihin mo lang...ititigil ko." Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa waist ko at ang paghalik niya sa leeg ko.Gahh! Baka may makakita samin!
"I-Ichiro...baka may makakita satin---"
"I don't fvcking care just answer my damn question, now!" Pumikit ako at inalala ang nangyari kanina.
I still love you Autum Pereira at hindi mababago 'yon.
Paulit-ulit 'yon sa utak ko at kasabay nito ang mabilis na pagpintig ng puso ko na parang gusto ng lumabas.
"Yes, I still love you...Ichiro Wilton." Ngumiti siya at tuluyan ng nag-lapat ang labi naming dalawa.
"I love you too."
Hinila niya ang kamay ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya.Tinignan ko naman siya ng hindi maintindihan.
"Come with me."
Tumingin ako sa ospital.Siguro naman okay lang na aalis muna kami saglit.
"Okay."
Sumakay na ako at nakita ko naman ang pag ngisi niya na kinailing ko.Wala akong ideya kung saan ba kami pupunta pero ng tumagal tagal ay naging familiar na sakin ang lugar na dinadaanan namin.
"Let's go." Nilahad niya ang kamay niya sakin na agad ko namang tinanggap.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko at tumingin sa malaking sign na na sa taas.
Wilton Park
"Dito ang first date natin right?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.Tumingin ako sa kanya at tumango.
"At dito rin yung---" Bago pa ako matapos sa sasabihin ko pinutol na niya 'to.
"Autum." Hinila niya ako palapit sa kanya at konti na lang magdidikit na ang labi namin.
"...let's forget that."
Napapikit ako ng maramdaman ang labi niya na dumampi sakin.Mababaw lang ito noong una pero ng tumagal ay lumalim na 'to ng lumalim.Halos mag-init naman ang mukha ko ng maalala ang nangyari kanina samin sa dorm.Shems!
"I miss you..."
Bulong niya sa gilid ng tenga ko at hinalikan 'to pababa sa leeg ko.Hinawakan ko siya sa magkabilang braso para pigilan dahil baka may makakita samin.
"I-Ichiro..."
"Hmmm?"
"B-Baka...may---" Naputol ang sasabihin ko ng ibalik niya ulit ang labi niya sa labi ko.
"I love you." Sabi niya at niyakap ako.Napangiti ako at niyakap din siya.
Wala na yatang mas sasaya pa sa araw na 'to.
Sabihin mo lang...ititigil ko.
Lumunok ako at tumingin sa mga mata ni Ichiro ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.
"Huwag mong ituloy..." Kumunot ang noo niya pero hindi naglaon ay napalitan ito ng ngiti.
"...please" Dugtong ko pa na mas kinangiti niya.
"Of course."
BINABASA MO ANG
Wilton University: Girls Are Not Allowed [Completed]
Teen Fiction[Highest Rank #6 in Teen Fiction] Sinong mag aakala na sa eskwelahan na puro lalaki ang nag-aaral at mahigpit na pinagbabawal ang mga babae ay may papasok na isa? Autum Pereira is a top student in St.Natali kaya naman hindi niya matanggap kung bakit...