CHAPTER 1

5.6K 140 2
                                    

Christian's POV

"Christian, anong pangalan ng mga babies?" tanong ni Mom sakin.

Wala pa pala silang pangalan.

"I like Ethan Nicole." sabi ni Christine.

Nicole? Seryoso? Lalaki ang anak ko tapos Nicole?

"Nicole? Lalaki ang anak ko Tine." sabi ko sakanya.

"Ethan Nicole nga diba? May Ethan yun. Ang cute kaya. So this is Ethan Nicole. " sabi niya sabay buhat kay baby #1.

Bahala siya.

"Ok. Ethan Nicole Alonzo." sabi ko.

"Then this one is Zachary Nicholas Alonzo." pagpaptuloy niya.

"I like that one." sabi ni Mom.

"Yeah. Ang angas naman ng pangalan ng anak ko." sabi ko ng nakangiti. Nagustuhan ko kasi yung pinangalan ni Tine sakanya.

"Maangas kasi yung tatay. Hahaha." natatawang sabi ni Christine.

Napatawa si Mom sa sinabi ng kapatid ko.

"Haha. Oo nga naman Christian, maangas ka naman diba? Sana lumaki ng mababait tong mga apo ko. Sana wag silang mag mana sayo." pabirong sabi ng nanay ko.

Aba?

"And the youngest one is Axel Niccolo Alonzo." sabi ni Tine .

Okay. Si Tine na lahat ang nagpangalan sa mga anak ko. Panganay ay si Ethan Nicole Alonzo, the next one is Zachary Nicholas Alonzo and the youngest is Axel Niccolo Alonzo. Bakit alam ko kung sino yung panganay at bunso? May nakalagay na number sa right hand nila eh . Si Ethan #1, Si Zachary #2 and si Axel #3.

"Kailan mo sila balak pabinyagan?" tanong ni Mom.

"Ewan ko Mom." sabi ko.

Kailangan pa tong malaman ng mga ugok kong kaibigan dahil sila ang kukunin kong mga ninong nila. Pero pano ko sasabihin sakanila tong nangyari?

Maya maya dumating si Dad at may kasama siyang babae.

"Guys, this is Jasmine Blair De Guzman. Ang magiging mommy ng Triplets." sabi ni Dad.

"She's the daughter of one of the company driver. So Ian, meet Jasmine." dugtong niya.

Napanganga nalang ako sa narinig.

"What?! Magiging mommy?!" sigaw ni Tine.

"Yeah. Kaya bang alagaan ni Christian yang tatlong bata?" tanong ni Dad.

"Dapat yaya nalang Dad. Bat naman mommy?" tanong ni Tine saka nag glare.

"Gusto mo bang lumaki ng walang nanay ang triplets?" seryosong tanong ni Mommy.

Nagpout lang si Tine bilang sagot.

"Ito po ba yung magiging babies ko? Kyaaa! Ang cute cute naman!" sigaw nung Jasmine.

Tsk.Talagang naghanap pa si Dad ng magiging nanay ng mga anak ko? Isip bata pa yung nakuha niya.

"Maiwan muna namin kayo." sabi ni Mom sabay alis kasama si Tine at Dad.

"Taga san ka? Ilang taon ka na? Nag aaral ka ba? Anong school? An--" di ko naituloy yung tanong ko dahil bigla itong nagsalita.

"Taga Arellano Street ako. Malayo layo ng kunti. 17 years old. Oo nag aaral ako sa Adamson High." nakangiti niyang sabi.

Wanted: Mother Of My Triplets [Re-Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon