3 Months Later..Jasmine's POV
Sa tatlong buwan na lumipas , wala naman ganong nangyari. Hindi nagalit si papa sakin. Tatlong buwan ko ring hindi nakita si Ian , si Tine , yung triplets pati na rin sina Jules. Hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung san ba tong bahay ni Skyler. Tatlong buwan akong walang communication sakanila dahil nagpalit ako ng simcard ko. Nandito pa rin ako kay Skyler ngayon. Habang tumatagal mas nagiging close na ulit kami nitong ugok na to.
"Hoy Jasmine! Bumangon ka na nga diyan!" ayan na kumakatok na siya sa pintuan ko.
"Kanina pa ako gising ano ba!" sigaw ko.
"Bihis ka! Mag mamall tayo." sabi niya.
Agad naman akong tumayo saka dumeretso sa banyo nitong kwarto niya. Naligo lang ako saglit saka nagpalit.
"Sky! Ready na ako!" sigaw ko pagkatapos maglagay nung lipgloss ko.
Lumabas ako sa kwarto at nakita ko siyang nakaupo sa sofa , nanunuod.
"Tara na." sabi niya saka naunang lumabas ng pinto. Tsk ni hindi man lang niya pinatay yung tv.
Sumunod ako sakanya pagtapos kong patayin yung tv. Sumakay ako sa may front seat saka niya pinaandar yung sasakyan. Nagmaneho lang siya hanggang sa makarating kami sa mall. Walang umimik samin. Hindi ko alam kung ako bang gagawin namin dito.
"Ahm Sky ano bang gagawin natin dito?" tanong ko pagpasok namin sa mall.
"Papasyal." nakangiti niyang sabi sakin.
Tumango nalang ako saka sumunod sakanya. Boring rin sa apartment niya eh , wala na kaming ibang ginawa kundi ang matulog , kumain at manuod ng kdrama.
"Tara Jas. Ibibili kita ng damit , ang boring niyang suot mo." sabi niya saka ako hinila sa isang botique.
Maayos naman suot ko? Well simpleng jeans lang naman saka pink na long sleeves tapos nagsuot ako ng black na bonnet. Ayos lang naman ah? Anong boring sa suot ko?
"Try mo to. Bilis!" sabi niya habang inaabot yung dress na kulay blue at pinagtulakan ako papasok sa fitting room.
"Huh? Sky-- teka di ko to type!" sabi ko.
"Try mo lang titignan ko kung bagay." sabi niya kaya tumango nalang ako saka finit yung dress na binigay niya.
"Taena Jasmeng ang pangit." sabi niya habang tumatawa. Gague talaga to.
Bumalik ako sa fitting room saka nagbihis.
"Ako na mamimili." sabi ko saka dumeretso sa mga hoodies. Favorite ko kasi ang mga long sleeves. Di ako mahilig sa mga sleeve-less.
"Nope. Not that one Jas." sabi niya saka ako hinila sa ibang station.
Wala akong choice kundi magpahila sa kumag na to. Pinilian niya ako ng mga dress at tinulak papasok sa fitting room para isukat lahat. Well mga 5 dresses lang naman yung binato niya sakin.
Isa isa ko itong sinukat at sinabi niya na okay naman daw kaya kinuha niya yun at inilagay sa isang basket.
"Sapatos mo naman." sabi niya saka ako hinawakan sa kamay at nag umpisang maglakad.
Uhm. Medyo awkward.
"Pili na." sabi niya pagdating namin sa section ng mga heels and flat shoes.