Jasmine's POVNagulat ako ng makita si Maxwell na nasa harap ko.
"What are you doing here? W-wait are you crying?" tanong niya.
Yumuko ako saka umiling ng dahan dahan.
It's been a while since the last time I saw him. He did'nt even come to the triplets birthday party because he's busy.
Pinunasan ko yung mga luha ko sabay ngiti sakanya.
"It's been a while, Maxwell." bati ko habang nakangiti.
Tinignan niya lang ako saka siya umiling. Binato niya yung hawak niyang payong saka umupo sa tabi ko.
"H-hoy! Bat mo binato yung payong?! Baliw ka ba?" sigaw ko dito.
"Nabasa na rin naman ako so what's the use of that umbrella?" kalmado niyang sabi.
"Whatever." bulong ko.
Maxwell and I are'nt close. Remember the scene when we first met? Awkward nun. Then nung nakita niya ako sa park kasama ang triplets. That time medyo napalapit loobn ko sakanya. Hindi kami madalas magkita ni Maxwell and here he is.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Nakatingin ako sa ibang sides para di kami magtinginan.
"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" pabalik kong tanong sakanya.
"Napadaan lang ako." tipid niyang sagot.
"Ah. Ako rin eh." sabi ko sabay tayo. I need to go, it feels awkward here and alam ko na tatanungin niya kung anong nangyari.
"I need to go." huli kong sabi saka nag umpisang maglakad.
"Wait!" sigaw niya kaya napalingon ako sakanya.
"What is it?" tanong ko. Medyo giniginaw na rin ako, I really need to go.
"How's the triplets?" tanong niya saka ngumiti.
"They're okay." then I left leaving him behind.
So, what now Jasmine? Should I go home? No, hindi ako magpapakita sa mga kapatid ko na ganto ang itsura ko. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at mas lalong lumalakas ang ulan. Nakahanap ako ng mauupuan at inupo ulit ang sarili ko dito. Para lang akong pulubi na pagala gala at hindi alam kung san pupunta. Dapat pala hindi ko nalang iniwan si Maxwell, sana nakipag kwentuhan nalang ako sakanya.
"Are you really that dumb Jasmine Blaire?!" pamilyar na sigaw ang narinig ko kaya dahan dahan kong iniangat ang ulo ko para makita kung sino yung nasa harap ko.
"S-sky." bulong ko then here comes my stupid tears again.
"Ewan ko ba kung anong klaseng utak meron ka!" sigaw niya.
Hindi man lang siya naawa sakin? Ininsulto pa ako. Tss! Skyler nga naman.
"Jasmine!" napalingon ako sa likuran ko ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
Nakita ko si Maxwell, tumatakbo palapit sakin.
"Wait-- Skyler?!" gulat niyang sabi ng makita si Sky.
"Maxwell?" di makapaniwalang tugon naman ni Sky.
Wait. Wth is happening right now? Sa pagkakaalam ko di ko pa naipapakila kay Skyler si Maxwell but how did they know each other?