Christian's POV1 week later ...
Napabinyagan na namin ang triplets . Nakakagapang na sila .
"Christian , pupunta ata sila Asher dito ngayon ." sabi ni Jas sakin .
"Narinig niyo yun babies? Pupunta sila Ninong Asher niyo dito ." sabi ko
Tumawa naman sila . Ang cute cute talaga nila.
Maya maya may nag doorbell . Binuksan ni Jasmine yung pinto . Dumating yung tatlong gago . May dala dala silang mga pagkain , alak at laruan nung triplets .
"Orayt ! Rak en rol to da world !" sigaw ni Asher .
Kahit kailan talaga parang naka shabu tong abnormal na to. Hahaha .
"Wazzup ! Yo yo yo !" sigaw naman ni Jules .
"Tangina. Nandito na ang gwapo ! Bow down to the king !" sabi ni Nash .
"Tangina niyo." sabi ko sakanila .
"Asan yung tatlong gwapong inaanak namin?" tanong ni Asher .
"Nasa taas . Teka lang , kukunin ko sila ." sabi ko .
Umakyat ako sa taas tapos kinuha yung triplets .
"Axel the gwapo ! Ang gwapo gwapo mo talaga Axel . Mas gwapo nga lang ako ." sabi ni Asher sabay kuha kay Axel .
"Gago ka dude. Ang gwapo ng anak ko kumpara sa muka mo ." sabi ko sakanya .
"Zach the pogi ! Bat ampogi pogi mo? Di katulad ng tatay mo , mukang patay . Hahaha." sabi ni Jules sabay kuha kay Zach .
Napatawa si Zach sa sinabi ni Jules .
"Hahaha . Mukang sumang ayon ata si Zach sa sinabi ko ." tumatawang sabi ni Jules .
"Tangina mo dude. Pakyu sagad ." sabi ko sakanya .
"Ethan the Great ! Ang gwapo mo talaga . Walang kupas yang kagwapohan mo , di tulad ng tatay mo matagal ng kupas HAHAHAHA ." sabi ni Nash sabay kuha kay Ethan .
"Tangina niyo talaga mga dude. Walangya kayo ." natatawang sabi ko sakanila .
"Nasan si Jasmine? Bat wala dito yun?" tanong ni Jules .
"Nasa taas siya ." sagot ko .
"Anak mo ba talaga tong tatlong toh? Tangina ang layo ng muka mo pare ." sabi ni Asher .
"Pakyu ka . Anak ko yang mga yan gago ." sabi ko sakanya .
"Pano ka nagkaroon ng anak na kasing gwapo ko? Tangina mas gwapo pa yung aso namin kesa sayo . Hahahaha ." sabi ni Nash .
Nagtawanan lang sila ng nagtawanan . Mga walang hiya , pumunta ata sila dito para insultuhin ako .
Paano ko nasabi sakanila ang lahat? Ganito yun ..
FLASHBACK ...
1 week ago...
Nagkita kita kaming magkakaibigan sa isang coffee shop .
"Tangina mo. Paano ka nagkaaanak gago ka?!" sabi ni Asher .
"Pakyu. Wag ka ngang maingay . Ganito kasi yun , may nangyari samin ni Gielliane ---." di ko naituloy yung sasabihin ko ng biglang sumingit si Nash sa usapan .
"Si Gielliane?! Tangina mo pare ! Siya yung nanay?!!" sabi ni Nash .
"Gago. Oo siya yung nanay ng triplets , pero sa tingin ko hindi niya tanggap kasi iniwan niya sakin yung mga anak namin . Pinasabi niya tin sakin na wag ko daw sasabihin sa mga anak ko na siya yung nanay nila ." sabi ko .
"Tangina. Sino nalang ang kikilalanin ng mga anak mo na nanay nila?" tanong ni Jules .
"Nag hire si Dad ng magiging mommy nila." sagot ko .
"Nag hire?!!" sabay sabay nilang sabi .
Tumango ako .
"Oo , naghire siya ." sabi ko .
"Who's that unlucky girl?" tanong ni Nash .
"Gago. Si Jasmine Blair De Guzman pare ." sagot ko .
"Gago , yung pinsan ko pa talaga ah?" sabi ni Jules .
"Tangina. Pinsan mo si Jasmine?!" tanong ko .
"Oo . Sa mother side , gago ka dude." sabi ni Jules .
"Tangina. Bat ako? Si Dad ang kumuha sakanya ." sabi ko .
"Oo na ! Oo na !" sabi ni Jules .
"Binyag ng mga bata next week . Ninong kayo mga gago ." sabi ko sakanila .
Tumango nalang sila . Sinabi ko din sakanila na sa iisang bahay na kami nakatira ni Jasmine ..
End of Flashback..
Nilalaro nila yung triplets gamit yung mga binili nilang laruan .
"Hoy Ian , ihanda mo nga yung alak tapos yung pagkain diyan ." utos sakin ni Asher .
"Gago . Tingin mo sakin? Katulong? Pakyu ka ." sabi ko sakanya .
"Bakit hindi ba?" sabi niya .
"Tangina mo talaga ." sabi ko .
Nagtawanan silang tatlo . Pati mga anak ko nakitawa na rin .
Bumaba si Jasmine .. Pinahanda ko sakanya yung pagkain ng mga hari .
"Guys oh , wag niyong painomin si Christian ah ." sabi niya sabay lapag nung alak at pagkain sa mesa .
"Bakit naman Jas? Asawa ka ba niya? Hahaha ." sabi ni Jules .
"Hindi. Pero masama yan eh . Sige enjoy nalang ." sabi ni Jas sabay akyat sa taas ..
"Tangina mo pare. Pasukan na next week gago ." sabi ni Nash .
"Alam ko tanga ." sabi ko naman .
"Gago paano na ang triplets? Sino mag aalaga sakanila? Eh pareho kayong nag aaral ." sabi ni Asher .
Oo nga noh? Sino magbabantay sa mga anak ko habang wala kami ni Jas? Si Christine nag aaral din kasi .. Si Mom and Dad may work .
"Oo nga noh? Sino mag aalaga sakanila? Tatlo pa sila .. Siguro iiwan ko nalang sila kila Lola tapos kukunin ko nalang pag uwian na ." sabi ko sakanila .
"Gago. Edi hindi ka na gigimik? Langya naman oh ." sabi ni Jules .
"Ewan ko." sabi ko .
So kanino ko nga sila iiwan? Pasukan na next week .
~