Chapter 23

3.6K 109 37
                                    


Jasmine's POV

Nagising ako na nasa isang kwarto. Sobrang hapdi ng mata ko at masakit din ang ulo ko. Napahawak pa ako dito sa sobrang sakit.

"Tita okay lang po ba kayo?" nakita ko ang isang batang babae na may hawak na manika sa gilid ng kama ko.

"Katnissie." tinawag ko ang pangalan nito at bahagyang napangiti. Ngumiti rin ito pabalik sakin.

"Okay ka lang po ba?" tanong ulit nito kaya napatango nalang ako.

"Oh! Sleeping Beauty gising ka na pala!" sigaw ni Jules pagkapasok niya sa kwarto kung san ako naroroon.

Napayuko naman si Katnissie ng makita yung monster na pumasok.

"Lumabas ka nga Jules! Tinatakot mo yung bata mo oh." biro ko dito saka itinuro si Katnissie na nakayuko.

"Oh bakit?! Anong ginagawa ko?" pagsusungit nito saka tinignan taas baba yung bata.

"Tumigil ka nga!" sigaw ko dito. Tsk napaka childish naman nitong tarantadong to pati bata papatulan. Alam kong malaki ang galit nila sa nanay ng bata pero sana wag nilang idamay yung batang inosente at walang kaalam alam sa mga nangyayari.

"Hoy Jassy! San ka ba nagpupupunta ha?!" napatingin ako sa pinto at nakita si Christine na nakapamewang sakin habang nakataas ang isang kilay nito.

Dahan dahang tumayo yung bata at nakayukong lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga at napahawak nalang ako sa ulo ko.

"Wag ka ngang maingay Tine! Masakit ulo ni Jasmine!" sigaw ni Jules dito.

"So kailangang sigawan ako?!" sigaw naman nung isa.

Geez. Mas lalong sumasakit yung ulo ko sa dalawang to. Kelangan ba magbangayan sila dito?

Magsasalita pa sana si Jules but I've already cut him off.

"Sorry Jassy. Magtutuos tayo mamaya!" pagbabanta pa nito kay Jules saka tuluyang umalis at padabog na sinara ang pinto.

"Tsk! Laki talaga ng sira nun sa ulo!" napakamot sa sobrang inis Jules saka umupo sa tabi ko.

Inikutan ko nalang siya ng mata.

"Wow ha? Nagawa mo pang ikutan ako ng mata kahit na ganyan na yang mata mo. Nakikita mo ba itsura mo Jasmine? Ano bang nangyari kanina ha?" sunod sunod na tanong niya. Bakas naman sa mukha niya ang pag aalala sakin.

"Nakakaasar yang Skyler na yan! Oo alam ko kasalanan ko pero bat agad agad naman ang balik niya sa States?! Kasalanan ko kung bat ganun siya eh! Kasi umalis ako ng walang paalam! Nakakaasar Jules! Nakakainis!" umiiyak kong sigaw sakanya habang hinahampas siya.

Niyakap naman niya ako saka hinimas himas yung likod ko.

"So break na kayo?" bulong niya.

Hinampas ko ng malakas yung dibdib niya.

"Ano ba?!" sigaw nito saka humawak sa dibdib niya.

Napangiti ng kunti ng makitang sakit na sakit na yung mukha niya. Hahahahahahaha.

"Walang kami ni Skyler, Jules. Palabas lang ang lahat." sabi ko dito saka napabuntong hininga.

Nakatulala lang siya sakin at bahagyang nakabuka ang bibig niya, kulang nalang pasukan na ng lumilipad na insekto.

"So ikaw at si Sky ay walang relasyon? Walang kayo ganun? Hindi kayo? Hindi kayo magkasintahan? Walang siya at ikaw?" sunod sunod na tanong niya. Sabi na nga bat walang matinong itatanong tong walang utak na to.

Wanted: Mother Of My Triplets [Re-Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon