Chapter 14

2.8K 80 3
                                    



Jasmine's POV

"Galit na galit tita Tine niyo babies. Anong gagawin natin?" kinakausap ko mga bata. Nasa crib silang tatlo habang nilalaro yung maliit at malambot na bola.

"Kelan ka ba titigil diyan sa mga katarantaduhan mo Ian?!" rinig ko mula sa baba.

Jusko. Nakakatakot talaga si Tine. Pangalawa ko ng nakita tong nagalit , una nung niyaya ni Ian sina Asher dito at uminom magdamag. Nadatnan niyang puro kalat yung sala tapos tulog na tulog silang apat. Hahaha. Grabe yung galit niya nun. Geez scary.

"Ano?! Gusto mong patirahin si Gielliane dito?! Tangina! Nasisiraan ka na ba?!" sigaw ulit ni Tine.

Gielliane? Sino yun? Babae niya?

"Pwedi ba tumigil ka na Tine! Siya ang ina ng mga anak ko at siya ang may karapatan kaya sa ayaw at sa gusto niyo dadalhin ko siya dito kasama si Katnissie!" sigaw ni Ian.

"Si Jasmine ang nilagay ni Mom & Dad sa birth certificate ng mga bata Ian!" sigaw ni Tine.

Wait-- Gielliane? Katniss? Katnissie? What?! Gielliane at Katniss iisa?! Teka isa pang wait-- ako inilagay na mother ng triplets?! Wth?!

"Tangina Ian. Isang malaking putangina!" sigaw ni Tine.

Si Katniss pala ang ina nila.

"May ate pala kayo babies." sabi ko. Jusko pesteng luha oh.

"Ipupunta raw ni daddy niyo si mommy niyo rito. Mamemeet niyo na tunay niyong mommy babies!" nakangiti kong sabi kasabay ng tumutulo kong luha.

Kinarga ko sila isa isa saka niyakap. Ito na ata ang huling gabi kong makikita sila.

Inihanda ko ang mga gamit ko pagkatapos kong patulugin ang tatlo. Mabuti nalang at nakatulog sila. Tuloy pa rin kasi ang sigawan ng dalawa sa baba. Sinaksak ko yung earphones sa tenga ko at nilakasan yung volume. Ayoko na. Sapat na yung narinig ko mula sakanila. Bukas na bukas aalis na ako rito.

Tinext ko si Skyler at sinabing sunduin niya ako dito sa subdivision nila Ian bukas na bukas.

---

Alas sais ng umaga ako nagising. Dala dala ko na mga gamit ko. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan dumeretso sa kusina. Ipagluluto ko muna sila ng umagahan.

Nagluto lang ako ng pancakes at ipinagtimpla ng gatas yung tatlong bata. Tinext ko si Skyler at sinabing nasa labas na ako ng bahay , ilang minuto dumating na rin siya. Tinulungan niya akong ilagay sa compartment yung gamit ko.

"What's the problem? Bigla bigla ka nalang magtetext at magpapasundo sakin." sabi niya habang nagfofocus sa pagdadrive.

Napabuntong hininga nalang ako at isinandal yung ulo ko sa mga bintana.

"Did you cry?" tanong niya.

I just nodded.

"Nahanap na totoong nanay nila Sky. Kaya umalis na ako." mahina kong sabi saka pinikit mata ko. Ayoko na umiyak.

Di umimik si Skyler at pinagpatuloy lang ang pagdadrive.

"Don't take me home please." sabi ko.

"Saan kita ipupunta?" tanong niya.

"Let me stay in your apartment." sabi ko.

Tumango lang siya saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Ayoko muna sa bahay. Chismosa mga kapatid ko dun. Saka na muna ako uuwi dun pag di na masyadong masakit.

Wanted: Mother Of My Triplets [Re-Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon