Jasmine's POVAfter nilang kumain, niligpit ko yung mga kalat nila. Kinuha nila Jules yung mga bata at umakyat sila sa taas kasama si Katnissie. Si Tine umakyat ng kwarto niya habang nakabusangot.
"Ako na mag-eexplain. Baka magkagulo lang kayo ng kambal mo." sabi ko kay Christian na abalang pinupunasan yung sahig.
Tinignan niya ako at ipinagpatuloy ang ginagawa niya na para bang walang narinig. Napabuntong hininga nalang ako.
"I'll be honest Christian. Napamahal na ako sa mga anak mo. Ang gusto ko lang naman ay maalagaan sila. Don't worry, hindi ko na kailangan ng sweldo unlike dati. Im not here to be their Mommy but a Nanny." tuloy tuloy kong sabi.
"Alam mo naman ng nandito si Katniss." seryoso niyang sabi.
"Hindi mo sinabi sakin yan Ian. Yung gabing yun? May sinabi ka ba sakin? Yung gabing nagbabangayan kayong dalawang magkapatid? Sinabi mo ba ang tungkol kay Katniss? Sinabi mo ba sakin kung bat gabi gabi kang hindi umuuwi dito sa bahay mo? Sinabi mo ba ang dahilan Ian? Hindi diba? Hindi. Wala akong alam Ian. Nung gabing yun pinilit kong magbingi bingihan. Yung gabing yun wala akong ibang inisip kundi ang mga anak mo. Alam mo bang nahirapan ako sa pag alis ko nun? Nakakahiya naman kasi kung dito pa ako makikitira eh nandito na mga nanay nila diba? Nakakahiya naman kasi kaya ginawa ko yun. Pero sa loob ng tatlong buwan na yun, nahirapan ako Ian. Nahirapan akong hindi makita yung mga batang napamahal na sakin. Ako yung nandito nung mga panahong wala kang kasamang alagaan sila. Kung ikaw nasa posisyon ko, mahihirapan ka ring magdesisyon. Kakapalan ko mukha ko ha? Mahal ko na mga anak mo. Gusto kong makita sila araw araw kaya pagbigyan mo akong makita at maalagaan sila." tuloy tuloy kong sabi habang humihikbi. Di ko na napigilan yung mga luha ko.
Tumingin siya sakin. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa kaya pinilit ko nalang na ngumiti at umakyat pataas ng kwarto ni Tine.
"What happened?" tanong niya saka tinanggal yung earphones niya.
"Mapilit kapatid mo eh. Edi sinabi ko na kung bat ako nandito." sabi ko saka tumabi sakanya.
Tumango tango nalang siya saka ti-nap yung likod ko kaya napatingin ako sakanya ng masama dahilan para matawa siya.
"Asan sina Jules?" tanong ko.
"Nasa kwarto ni Ian kasama yung triplets." sagot niya.
"Eh si Katniss at Katnissie?" tanong ko ulit. She just glare at me.
"I know matindi ang galit mo sakanya Tine." kalmado kong sabi.
"Nasa kwarto rin ni Ian." sagot niya.
Ilang minutong nanahimik sa loob ng kwarto niya. Naririnig ko ang mga tawa ng mga bata mula sa kabilang kwarto kaya di ko mapigilan ang sarili kong mapangiti.
"Nag wawacky face na naman siguro si Nash kaya tumatawa yung tatlo." sabi ni Tine habang nakangiti.
"Hindi pa nga lang nag wawacky si Nash nakakatawa na mukha niya eh." pagbibiro ko.
"His face is a joke." sabi niya kaya napatawa kaming dalawa.
"Tara sa kwarto ni Ian. Let's join them." pag aaya niya kaya lumabas kami sa kwarto niya at pumasok sa kwarto ni Ian na katapat lang ng kwarto ni Tine.
Nadatnan namin silang nakasalampak sa kama at nagtatawanan.
Naalala ko tuloy nung una niyang kinuhanan ng litrato yung tatlo habang natutulog kasama ako at pinost pa ito sa facebook. Nagulat nalang ako paggising ko ng umaga naka expose na mukha kong natutulog. [back to Chapter 4 if you dont remember.]