Jasmine's POVWow ha. As in wow! Sa luwang ng mall bat pa kami pinagtagpo ng landas?
"Wow insan! After 3 months nagmuka kang tao ha!" pang aasar ni Jules sakin.
Si Jules, Asher, Nash, at Tine. Si Jules yung tumawag samin ni Sky. Nagulat ako paglingon ko nakatayo sila sa may likod ni Sky.
"You look gorgeous Jas!" nakangiting sabi ni Tine kaya nagsmile nalang din ako pabalik. A fake one.
"Ah sige gotta go! Tara na Sky." sabi ko at ikinagulat ang sumunod na ginawa ni Sky.
He's holding my hand while smiling to them.
"We need to go. Im sorry." sabi niya.
"Wait- what?! What's with the two of you?" naguguluhang sabi ni Tine.
"Friends?" sabi ni Jules.
"With benefits?" dugtong ni Asher saka napatawa ng kunti.
"Magbestfriend lang yang dalawang yan. Alam niyo namang childhood friend ni Jasmine si Skyler." sabi ni Jules saka kinindatan ako kaya inikot ko nalang ang mata ko.
"Oh bakit Jas? Hindi ba?" pahabol niya.
"Yes. We're already dating and Im still waiting for her ans--" cinut ko yung sinasabi niya sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay ko.
"No we're not." sabi ko saka ngumiti at tinignan si Sky.
"Yun naman pa--" hindi natuloy ni Jules yung sinasabi niya.
"Cause we're officially on." dugtong ko.
Nakita kong lumaki yung mga mata nila even Sky.
"Seriously Jasmine?!" gulat na tanong ni Tine sakin.
Tumango tango nalang ako tsaka kinurot ng patago si Sky sa tagiliran kaya tumango nalang din siya.
"Good to see you again guys. Sorry but we need to go." sabi ko saka hinila si Sky palayo sakanila.
Medyo malayo layo na ang nalakad namin ng lumingon si Sky sakanila.
"Si Ian oh." sabi niya saka tinuro sila gamit ang nguso niya.
Lumingon ako saka nakita sila. Kasama niya yung mag iina niya. Nakastroller pa rin yung triplets, tinutulak ito ni Katniss habang si Katnissie nakahawak kay Ian.
"Oh wag kang umiyak." sabi niya saka natawa.
"Ulol! Di ako umiiyak no." sabi ko sabay punas ng luha ko. Namiss ko lang kasi yung mga bata.
"Okay lang yan! Gutom ka lang." sabi niya tsaka ako inakbayan ng kumag.
"Alam mo ba? Nung nawala ako sa bahay nila, iyak ng iyak si Axel nun nung nakita niya ako. Para bang gusto niyang sumama sakin. Baby palang kasi sila ako na yung nakikita nila, well baby pa rin naman sila hanggang ngayon kaya masasanay rin sila sa mukha ni Katniss." tuloy tuloy kong sabi.
"Sabi ko na nga ba gutom ka lang eh." pagbibiro ni Sky.
"Umuwi na tayo Sky. Tutulog nalang ako. Tara pagod na rin ako eh." sabi ko sakanya.
Tumango nalang siya saka naglakad na kami papuntang exit.
Inilabas ko ang phone ko ng biglang nag message na unknown number.