Jasmine's POVPagkauwi namin ng triplets sa bahay , nagpaalam ako kay Sir Alonzo na 1 week muna ako mawawala o baka abutin ng taon o kaya di na ako bumalik . Ayoko muna magstay sa bahay namin ni Ian . Tsk .
"May problema ba iha? Bakit?" Tanong sakin ni Sir Alonzo
"Darating po kasi yung chilhood friend ko Sir ." pagpapalusot ko . Actually di naman yun yung dahilan .
"Hayy. Ganun ba iha?" sabi ni Sir Alonzo habang pinupunasan yung salamin niya .
Tumango nalang ako .
"Oh sige iha ." sabi niya sabay ngiti .
Ngumiti din ako sakanya tapos umakyat na ako sa taas para mag impake ng damit ko .
After that nagpaalam na ako kay Sir Alonzo at sa triplets .
"Sir , pasensya na po ha?" Sabi ko kay Sir Alonzo .
"Naku iha . Its okay . Nandiyan naman si Tine at Ian para alagaan sila ." said Sir Alonzo while smiling .
"Sige po . Bye Triplets . Mamimiss ko kayo ." paalam ko sabay halik sa noo nila .
Umalis na ako sa bahay . Dumeretso ako sa bahay namin .
"Ate Jas! Anong ginagawa mo dito?" bungad ng kapatid kong si Jestine pagpasok ko ng bahay .
Aba? Gulat na gulat ah? Hahaha .
Ngumiti nalang ako tapos dumeretso na sa kwarto ko . Namiss ko tong kwarto ko . Inayos ko mga gamit ko then humiga ako . Di ko namalayan na nakatulog pala ako , pag gising ko 9 na ng gabi .
Lumabas ako sa kwarto ko nakita ko yung 2 kapatid ko na nanunuod ng tv .
"Ate! Bat ba bigla bigla ka nalang umuuwi dito?" Tanong ni Jestine .
"Wala kang pake . Bahay ko rin to noh . Tsaka di mo ba ako namiss?" Sabi ko sabay pout sakanya . Hahaha .
"Ew. Nakakadiri itsura mo. By the way , magkwento ka naman tungkol sa inaalagaan mo ate . Musta ang pagiging yaya?" Jestine sabay lipat ng channel .
Anong yaya?! Well , parang yaya na din hahaha .
"Okay lang. Miss ko na sila agad . Alam mo Jestine pag sila nakita mo , naku! Baka iuwi mo dito yung triplets na yun . Ang cute cute kaya nila." Sabi ko sabay tili .
"Kyaaa! Talaga ate? Bat ka nga pala umuwi dito?" Tanong niya ulit .