Chapter 19

3K 79 3
                                    


Jasmine's POV

"Wtf is that?!" sigaw ni Tine habang pababa ng hagdan. Nagsitakbuhan rin sina Nash, Asher at Jules ng marinig yung nabasag na baso.

"What happened?" tanong ni Tine ng makita kaming dalawa sa kusina.

"Ha? Wala. Madulas kasi yung kamay ko. Ano kasi eh.. pasmado." pagpapalusot ko.

"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ni Ian.

"Pwedi bukas nalang Ian? Tulog na mga anak mo. Ayokong makipagsigawan sayo rito. Tara na Jasmine." sabi ni Tine saka inukutan ng mata si Ian at kinaladkad ako papaakyat sa kwarto niya.

Ihiniga ko agad ang sarili ko sa kama niya.

"Alam na ba to lahat ng nanay at tatay niyo?" di ko maiwasang mapatanong.

"Yes." simpleng sagot niya kaya tumango nalang ako. Sabi sayo Jas eh. Alam na to ni Mr. & Mrs. Alonzo.

"Good then." sabi ko saka ngumiti ng bahagya.

"Duh? Anong good? Kung alam mo lang na muntikan ng patayin ni mama si Katniss." sabi niya saka natawa.

"Sayang nga di natuloy eh." dugtong niya.

"Bakit naman?" tanong ko.

Seryoso?

"Ikaw ba naman mang iwan ng tatlo mong anak ng hindi nagpapakilala tapos babalik balik ka? Anong kagagahan yan, diba?" sarcastic niyang sabi saka inikot niya ang mga mata niya.

"Ang kapal ng mukha nung babaeng yun. Grabe' dinaig ang dictionary sa sobrang kapal. Alam mo bang 3 buwan ng di nagpapakita si Mama kay Ian? Since nung umalis, pinatira na rin ako ni Mama dito sa bahay niyo ni Ian para may kasama siyang mag alaga sa mga anak niya." pagkukwento niya.

"Correction, bahay ni Ian. Not NAMIN." madiin ko sabi sakanya kaso tinawanan lang ako.

"For sure matutuwa si Mama pag nakita ka niya." sabi niya saka kinindatan ako at humiga sa tabi ko.

"3 months na maingay tong bahay na to." bulong niya saka napabuntong hininga.

"Bakit?" tanong ko.

"Laging bangayan ang nangyayari dito. Si Jules ang nagsisibing referee namin dito." sabi niya.

Tumango nalang ako.

"Pero ngayong nandito ka na, sa tingin ko maititigil na rin ang gyera." sabi niya at saka pinikit ang mga mata niya.

"Thank you, Jared Christine." bulong ko saka ipinikit ng marahan ang mga mata ko.

--

Kinaumagahan, nagising ako ng makarinig ng ingay galing sa baba. Naghugas ako ng mukha ko at dali daling bumaba.

Naabutan ko silang lahat sa kusina. Napangiti ako ng makitang nakaupo sa upuan yung tatlo habang kumakain ng baby foods nila.

Napansin kong lahat ng mata ay nasa'kin.

"Good morning Jassy." bati ni Tine saka ako nginitian.

Wanted: Mother Of My Triplets [Re-Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon