Jasmine's POVIsang linggo na rin ang lumilipas simula ng umalis ako sa bahay nila Ian. Isang linggo na rin simula ng iwan ko ang triplets. Sobrang miss ko na si Ethan , Zach at Axel. Si Christine text pa rin ng text sakin at tinatanong ako kung kelan ko balak bumalik sakanila. Oo , miss ko na mga anak ko pero wala talaga akong balak bumalik sa bahay nila. Gustong gusto ko ng makita mga anak ko.
Habang naglalakad ako papunta sa park , nakarinig ako ng pamilyar na boses.
"Oy asan mga anak mo?" Tanong ni Maxwell. Naalala niyo siya?
"Wala sila eh. Nasa bahay." Tipid kong sagot. Miss ko na sila. Miss ko na yung ako yung nagpupuyat para sakanila.
"Ganun ba? May lakad ka ngayon?" Tanong niya.
Di ko lang talaga alam kung san ako pupunta. Sabado kasi ngayon kaya walang pasok. Kanina pa ako lakad ng lakad.
"Diyan lang ako sa park." Sagot ko saka nagmadaling umalis.
"Oy teka!" Rinig kong sigaw niya. Napansin ko nalang na nasa likod ko na siya.
Umupo ako sa may bench. Ang daming batang naglalaro. Habulan dito , habulan don. Naalala ko yung triplets. Kumusta na kaya sila? Inaalagaan ba sila ng tatay nila? 1 week na rin kasi akong di kinakausap ng tatay nila.
"Uwaaah! Bwigay mwo thakin yan!" Iyak nung batang babae habang hinahabol niya yung batang lalaki na may dalang lollipop.
"Ayaw tho ngwa." Sabi naman ng batang lalaki.
"Ang cute nila no?" Tangina muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako.
"Oo nga eh." Sagot ko kay Max.
"Mas cute pa siguro diyan yung mga anak mo pag lumaki." Sabi niya dahilan para mapangiti ako.
Oo mas cute sila kaso kamuka nila tatay nila eh. Tangina. Lakas ng genes ni Ian.
"Miss ko na sila." Bigla kong nasabi.
"Sino?" Tanong ni Max.
"Mga anak ko." Bulong ko sabay yuko. Miss ko na sila. Naiiyak na ako. Pigilan mo Jas.
"Huh? Bakit? Di ba sabi mo lang nasa bahay sila?" Nagtataka niyang tanong.
Wala kasi silang alam. Napapunas nalang ako ng tumulong luha ko.
"Haya! Bwat pwo nipwa iyak thi atwe?" Tanong nung lumapit saking batang babae.
"Huh? Di ko siya pinaiyak." Sagot ni Max. Hahaha.
"Hi baby. Di niya ako pinaiyak hehe. Okay lang si ate." Sabi ko sa bata. Ang cute niya.
"Bwatit pwo ithaw umwiiyak?" Tanong niya ulit sakin.
"Miss ko na kasi yung mga anak ko." Sagot ko.
"Di kita maintindihan Jas! Ang gulo mo." Naiiritang sabi ni Max. Hahaha napakamot nalang siya sa ulo niya. Tangna may kuto ata hahahaha.
"Athaan pwo mgwa anwak nwiyo?" Tanong ulit ni little girl.
"Nasa bahay." Nakangiti kong sagot.