Christian's POVLinggo ngayon. Balak ni Tine na ipasyal namin sina Ethan. Ishoshopping niya daw ang triplets.
"Ano pang ginagawa mo? Magbihis ka na." Sabi niya sabay irap sakin.
"Pati ba ako ishoshopping mo din?" Tanong ko.
"Tanga ka ba Ian? Sa tingin mo kaya kong magbitbit ng tatlong bata ng mag isa sa mall?" Tanong niya habang naka cross arms.
Sabi ko nga magbibihis na ako.
"Magbibihis na nga ako." Napakamot nalang ako ng ulo.
Umakyat ako sa taas tsaka nagbihis. Si Tine , siya na nagpalit ng mga diaper ng triplets.
Pagkatapos ng 30 minutes , ready na kaming umalis.
"Malapit na birthday nila. Anong plano mo?" Tanong ni Tine. Nasa kotse na kami , nagdadrive ako. Si Tine nasa driver's seat tapos yung mga triplets nasa back seat.
"Syempre 1st birthday nila yun kaya dapat enggrande." Sagot ko.
"Anong theme ng birthday party?" Tanong niya ulit.
Pansin ko habang lumalaki sila , nagiging adik sila sa mga toy car. Lalo na si Axel , yung bunso ko. Minsan makikita ko siyang dina-drive drive niya yung walker niya. Si Ethan at Zach naman akala mo kung nasa race eh , laging nagbabanggaan ng walker yung dalawa.
"Mahilig sila sa kotse eh. Plano ko sana ganun ang theme." Sagot ko sa tanong niya.
Napahawak naman siya ng baba niya na tila ba nag iisip.
"Hmm. Masyadong mahirap yan Ian. What if Superheroes nalang?" Suggest niya.
Pwedi rin. Mas madali lang yung ganyan.
"Pwedi rin. Mas madali nga yang Superhero Theme." Sabi ko.
Maya maya nakarating na kami ng mall. Bumili lang si Tine ng mga damit at laruan nila. Habang naglalakad kami papuntang Shakey's para kumain , may nahagilap si Tine.
"Diba si Jasmine yun?" Tanong niya. Agad ko namang hinanap si Jas , nakita ko siya sa may Penshoppe. Anong ginagawa niya dun?
"Jas!" Sigaw ni Tine saka niya kinawayan si Jasmine. Kumaway naman si Jasmine pabalik.
Pinuntahan ni Tine si Jas kasama niya yung triplets na nasa stroller. Naiwan akong natayo dito.
Nang makita ni Jas yung tatlo , agad siyang lumapit dito. Nagbeso rin sila ni Tine.
Nakita kong kinarga niya si Ethan saka humalik sa pisngi neto. Sinunod naman niya si Zach , ganun din kay Axel. Hawak niya pa rin si Axel habang nag uusap sila ni Tine. Napalingon sila sa kinatatayuan ko saka nginitian ako ni Tine. Problema nun? Ano na namang sinasabi niya kay Jas? Nag uusap lang silang dalawa , si Axel nakayakap kay Jasmine habang tinatapik tapik ni Jas yung likod ni Axel. Inaantok siguro si Axel. Maya maya , kinukuha na ni Jas si Axel kay Jas kaso biglang umiyak si Axel. Napatakbo naman ako sa kinaroroonan nila.
"Anong problema?" Tanong ko.
Si Axel nakayakap kay Jas , para bang ayaw niyang umalis.
"Si Axel ayaw magpabitaw kay Jas." Sabi naman ni Tine. Pilit niyang kinukuha kay Jas si Axel pero ayaw pa rin niya.
"Lika na Axel." Sabi ko pero ayaw pa rin niyang bumitaw kay Jas.
"Namiss niya ata ako hahaha." Sabi ni Jas saka tumawa.
"Miss mo ako Axel? Hmm?" Tinignan niya si Axel.
"Pano na yan? Ayaw bumitaw ni Axel kay Jas hahaha." Sabi ni Tine saka binuhat si Ethan.
"Look Ethan oh , ayaw na ni Axel satin." Pabebeng sabi ni Tine.
Binuhat ko si na rin Zach. Pano yan? Ayaw bitawan ni Axel si Jasmine.
"Tara muna sa Shakey's kain muna tayo." Yaya ni Tine samin.
"Hala di na. Kailangan ko na ring umuwi. Hehe." Pagtanggi ni Jas. Pinilit niyang ibigay samin si Axel kaso umiiyak si Axel tuwing kukunin namin siya kay Jas.
"Bumalik ka na kasi Jas. Ayaw ka ng bitawan oh." Sabi ni Tine.
"Hmm. Mauna na ako Tine , kunin niyo na si Axel. Ingat kayo." Sabi niya saka niya binigay si Axel kay Tine at umalis. Iyak ng iyak si Axel at inaabot niya yung dalawang kamay niya kay Jasmine na para bang gusto niyang sumama.
Nilabas ko yung gatas niya para tumigil siya kaso di pa rin siya tumatahimik. Naisipan na naming umuwi ni Tine kasi sobrang ingay ni Axel. Habang nagdadrive ako pauwi , wala pa ring tigil si Axel sa kakaiyak niya.
"Miss na ni Axel yung mommy niya." Sabi ni Tine.
Di nalang ako umimik. Oo nasanay sila na si Jas lagi yung nakikita nila. Pag gising at pagtulog nila , mukha ni Jasmine yung nakikita nila. Si Jasmine din ang lagi nilang kalaro. Si Jasmine yung nag alala sakanila tuwing wala ako. Si Jasmine lahat.
Nang makarating kami ng bahay , sinayaw sayaw ni Tine si Axel kasi iyak pa rin siya ng iyak. Maya maya nakatulog rin si Axel. Napagod ata kakaiyak.
"Ngayon lang umiyak ng ganyan yang bunso mo." Sabi ni Tine saka nilapag sa kama si Axel.
"Kaya nga eh. Grabe" sabi ko saka ako tumabi kay Axel. Si Zach at Ethan nasa walker nila.
"Kelan ba kasi babalik si Jas? Di mo ba siya tinatanong?" Tanong ni Tine sakin.
"Hindi" tipid kong sagot. Pakialam ko kung babalik siya o hindi? Kaya kong buhayin ang mga anak ko ng ako lang.
"Bakit? Di mo ba siya kinakausap sa school?" Tanong niya ulit.
Umiling lang ako bilang sagot.
"Ako na kakausap sakanya. Una na ako Ian , ikaw na bahala sakanila. Tawag ka kung may kailangan ka." Sabi niya saka lumabas ng pinto.
"Si Daddy muna mag aalaga sainyo ha?" Kinakausap ko yung tulog kong anak.
Yung dalawa naglalaro sa walker nila. Kaya ko kayang alagaan sila ng wala si Tine?
-/-/-/-/-/-/-/-/-/-
Jasmine's POV
Babalik pa ba ako bilang nanay nila? Ngayong nalaman kong magpinsan lang si Ken at Ian , gusto ko ng bumalik. Ewan ko kung kailan. Gustong gusto ko ng bumalik sa bahay. Si Axel ayaw niya akong bitawan kanina. Namiss siguro ako nung bata. Namiss ko rin sila.
"Anak kelan ka ba babalik sa bahay nila Sir Alonzo?" Tanong ng tatay ko. Kagagaling niya sa trabaho niya.
"Tinatanong rin kasi ako ni Sir Alonzo kung kelan ang balik mo eh." Dagdag ni papa.
Di ko alam kung kelan ako babalik pero gustong gusto ko ng bumalik lalo na't malapit ng mag isang taon ang mga bata.
Bumalik ka Jasmine Blaire De Guzman. Hindi si Jared Christian Alonzo ang dahilan kung bat gusto mong bumalik. Triplets ang dahilan Jas , hindi si Ian. Pabayaan mo na si Ian. Focus ka sa mga anak mo. Balikan mo sina Ethan , Zach at Axel.
--
Hi guys! Hehe. May mga CARATS po ba sainyo? Try niyo po basahin yung story ko na Mask of Lies. Para sa mga Seventeen Stans diyan hehehe :'> Yun lang po. Salamat.