Chapter 21

3.1K 89 11
                                    



Jasmine's POV

Tinakbo ko hanggang makarating ako sa kalsada. Sorry Skyler! Kinuha ko yung cp ko sa bulsa ko saka ito tinurn on. Sunod sunod na text ang natanggap ko kay Skyler. Bigla nalang akong naiyak nang mabasa ko ang huling text niya sakin kagabi, mga alas dos ng madaling araw.

"Jas? Asan ka ba? Bat bigla ka nalang umaalis dito? Di mo sinasagot mga text at tawag ko sayo. In-off mo cp mo? Hays. Mamamaalam lang ako Jasmeng, punta na ako sa States. Thanks for the memories. Till we meet again. I love you Jasmeng!"

Putangina mo Skyler Godfrey! Parang baliw akong tumatakbo habang umiiyak papunta sa apartment niya. Baka sakaling maabutan ko pa siya.

Mag aalas dose na ng tanghali, siguro nandun pa yun.

Nang makarating ako sa apartment niya, halos sirain ko na yung pinto.

"Sky! Buksan mo to! Sky!" sigaw ko habang kinakalabog ng malakas yung pinto niya.

"Puta Skyler! Bubuksan mo to o sasapakin kita?! Skyler!" halos mawalan na ako ng boses kakasigaw. Sumakit na rin ng bahagya yung lalamunan ko.

Napaupo nalang ako sa sobrang pagod. Parang feel ko mauubusan na ako ng hininga. Nagpakawala ako ng malalaking hininga habang humihikbi.

"Gagong Skyler ka nga talaga." bulong ko.

Hinablot kong muli ang cp ko sa may bulsa. Binuksan ko ito at napakaraming missed call na rin ang galing kay Tine.

Napakatanga mo Jasmine Blaire. Si Skyler na ang nagpaka mabuting puso sayo, ganito pa ang ginawa mo. Napakatanga mo talaga.

Dapat pala nag paalam nalang ako sakanya. Dapat pala sinabi ko nalang na gusto kong balikan yung mga anak ko. Dapat nag paalam ka nalang Jasmine.

Biglang nagflashback sakin yung mga pinagsamahan namin sila noong bata pa kami. Ang tagal naming hindi nagkita ni Skyler. Dapat nagpasalamat pa ako sakanya, nagpasalamat dapat ako sa tatlong buwan na pag aalaga at pagpapatira niya sakin sa apartment niya. Ang tanga tanga mo Jasmine. Hindi na ako magsisinungaling, nung mga panahong magkasama kami ni Skyler hindi ko maiwasang hindi mahulog sakanya. Oo alam ko magkaibigan lang kaming dalawa, bestfriend to be exact pero bakit? Bakit ako nahuhulog sakanya? Naalala ko nung pinicturan ko siya habang natutulog. Yung dumagan ako sakanya sa kama niya nun which is hindi ko talaga makalimutan dahil sobrang awkward ng position namin dun. Ano ba Skyler? Nakakagago pero crush na ata kita.

"Putangina mo Skyler Godfrey Pendleton." bulong ko at kasabay nito ang pagpikit ko sa mga mata ko.

"Minumura mo na naman ako." nagulat ako ng biglang may magsalita.

Napatayo ako agad ng makita si Skyler sa harap ko at may dalang payong. Sinugod ko siya ng yakap habang umiiyak. Hindi ko na rin napansin na umuulan na pala at nabasa na ako.

"Ano na namang kasalanan ko at minumura mo na naman ako?" tanong nito.

Humarap ako sakanya at nakita ko siyang nakangiti.

"Diba sinabi ko na sayo na lalo kang pumapangit pag umiiyak ka?" dugtong nito saka hinawakan yung magkabilang pisngi ko. Nabitawan niya yung payong dahil sa ginawa niya at pareho na kaming nababasa ng ulan.

"Nakakainis ka!" sigaw ko saka hinampas ng mahina yung dibdib niya.

"Bakit ka pa nandito? Hindi ka ba hinahanap ni Ian?" tanong niya na ikinagulat ko.

How did he know?

"P-pano?" bulong ko habang humihikbi pa rin.

"Kung wala ka sa bahay, it's either bahay lang ni Ian ang pupuntahan mo." nakangiti niyang sabi.

"I know how much you love that guy." dugtong niya.

"I-I dont.. H-he's not." nahihirapan pa rin ako sa pagsasalita.

Pinahinto niya akong magsalita gamit ang index finger niya. Nginitian niya lang ako at ngumiti saka ako niyakap.

Why are you being like this Skyler? Why?

"What a nice goodbye." bulong niya.

"A-a-aalis ka na ba t-talaga?" tanong ko.

"Let's just stay like this and shut up." sabi niya.

Punyeta. Gusto ko siyang sampalin dahil sa sinabi niya pero pinigilan ko at mas lalo pang lumakas ang iyak ko.

"Para ka paring bata. May anak ka na ganyan ka pa rin." natatawang sabi niya.

"S-shut u-uup!" sigaw ko rin sakanya kaya napatawa siya ng kunti.

Mas lalong bumuhos ng malakas ang ulan. Nilalamig na ako pero nakayakap pa rin kaminsa isa't isa. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya kasi hindi ko na alam kung kelan ko ba ulit siya makikita or makikita ko pa nga ba talaga siya ulit?

Mga ilang minuto ang lumipas, kumalas na siya sa yakap ko. Tinignan niya ako sa mata saka ngumiti.

"You should take care of yourself." paninimula niya.

"Always, okay? Take care of him and your sons too. Thanks Jasmeng. Magkikita ulit tayo, okay?" sabi niya kaya lalo pa akong umiyak na parang bata.

"Sky naman!" sigaw ko. Wag please, wag muna ngayon.

"Take this and go home. Ingat ka. I love you Jas." sabi niya tsaka inabot sakin yung payong at tuluyan ng pumasok sa apartment niya.

Wala akong nagawa. Nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong magsalita ngunit walang boses ang lumalabas. Tanging iyak nalang ang nagawa ko.

Nang dahil sa katangahan ko to. Wala na akong sasandalan pa. Wala ng Skyler na laging gumugulo sakin.

Dahan dahan akong humakbang paalis ng apartment niya. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Hindi ko pa nakukuha lahat ng gamit ko sa apartment niya. Wala na akong balak kunin yun. Doon na yun.

Patuloy lang akong naglalakad sa ulan hanggang marating ko ang isang park na malapit lang sa may school. Sa park kung saan nakilala ko si Katniss at Katnissie. Naupo ako sa isang bench doon at nagpatuloy sa pag iyak.

Ewan ko ba, bat ako umiiyak? Parang tanga eh. Ano bang iniiyakan mo Jas? Ah tama, yung katangahan mo pala.

"Gg-gago ka Sky. S-sabi mo dadalhin m-mo ako ss-sa K-korea." taena naman Skyler eh! Ginawa lang pala niya yun para ipagtanggol ako kay Tine. Si Tine kasi ang may gustong bumalik ako, kaya sinabi niya yun para di na ako kulitin si Christine. Masyado ko naman atang sineryoso.

I really dont know what to do. Malakas pa rin ang ulan. Nanginginig na ako pero iyak pa rin ako ng iyak. Panigurado magkakasakit na ako sa ginagawa ko. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko, thank god water proof ang Iphone7. Lowbatt na pala to. Chineck ko ang oras at ala una na pala ng tanghali.

Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang ulan. Mukha akong basang sisiw na nakaupo sa may bench. Bakit ba kasi ang tanga ko? Bakit ba saksakan ka ng katangahan Jasmine Blaire?

Napapikit nalang habang yakap yakap ang sarili ko. Nilalamig na talaga ako pero hindi ko alam kung san ba ako pupunta.

"Jasmine?" isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya agad akong napamulat ng mata. Hindi ko siya makita dahil medyo blurry ang paningin ko. Kinusot ko ang mga mata ko gamit ang kamay ko at nakita ko ang isang pamilyar na lalaking nakatayo sa harap ko at may dalang payong.

"M-mm-Maxwell?" gulat kong tanong.

--

Omg. Hindi ko pa rin tapos iedit ang mga chapters, so sorry guys. Madami dami pa ang mga ieedit ko and btw maraming nabago sa mga chapters.

So ayun, thank you guys! Lame update, mianhae.

Wanted: Mother Of My Triplets [Re-Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon