Jasmine's POVNagising ako ng biglang nagring yung cellphone ko. Si Jules tumatawag.
"Ano?" bungad ko. Inaantok pa ako eh lecheng yan.
"Nasan ka ngayon?!" sigaw niya. Well base sa boses niya halatang galit ang nuno sa punso.
"Pakialam mo ba? Wag ka ngang sumigaw sakit sa tenga di ako bingi Jules." pagtataray ko. Bumangon ako at lumabas sa kwarto. Nakita ko si Skyler sa may sofa at mahimbing na natutulog. Napangiti nalang ako ng maalala ko yung nangyari kanina. Jusko ang awkward talaga. After that incident , ahem! Parang wala lang nangyari hehehe.
"Kanina pa ako nagsasalita dito nakikinig ka ba?" si Jules.
Jusko nakalimutan ko may kausap pala ako.
"Ano? Sorry di ko narinig." sabi ko saka dumeretso sa kusina. Alas syete na kasi ng gabi. Kailangan ko na ring magluto ng kakainin namin ni Skyler.
"Tinatanong kita kung nasan ka?! Papatayin ako ni Tine pag di ko sinabi kung nasan ka kaya parang awa mo na insan sagutin mo na ako." sabi niya. Hahaha ang cute talaga nitong nuno sa punso na to. Yung boses niya kasi talagang nagmamakaawa na sakin.
"Rest in peace nalang. Wag mo akong multuhin." pagbibiro ko. Jusko kanina pa ako nagpipigil ng tawa ko hahahaha ang cute talagang asarin ni Jules.
"Jasmine Blaire De Guzman!" sigaw niya sa linya.
Oh oh. Galit na ang nuno sa punso.
"Is that Jas?!" rinig kong sigaw ni Tine sa linya.
Whut?! Nasa bahay nila Ian si Jules ngayon?!
"Jasmine Blaire!!" sigaw ni Tine.
Ayan na nga. Galit na naman ang leon.
"O-oh T-tine. Hehe ikaw pala. Ano musta?" pautal utal kong sabi. Jusko pano na to?
"Sige maghahanda lang ako ng hapunan." kung di ako nagkakamali si Katniss yung nagsalita.
Ah. Nandon na pala siya. Good to know
"Pakisarapan ha? Yung kasing sarap ng luto ni Jas." rinig kong sigaw ni Asher.
Wth? Nandun ang tropa sa bahay ni Ian?
"Tss." si Tine.
"Ano nasan ka?" kalmado niyang tanong sakin.
"Nasa bahay." sabi ko.
"You're not home. Tinanong ko mga kapatid mo." sabi niya.
Ano?! Patay ako neto kay papa. Ano na gagawin ko?!
Bigla kong pinatay yung tawag. Kinabahan ako. Pano na yan? Pero di pa naman tumatawag o nagtetext si papa sakin kaya hindi pa niya sakin siguro alam to.
Naisipan kong itext si papa upang ipaalam na nag resign na ako sa trabaho ko. Wow resign talaga eh no? Sosyal trabaho ko eh. Hahaha.
"Papa , umalis na ako sa trabaho ko. I don't need that job anymore. Wala ako sa bahay. Hindi muna ako uuwi diyan. Don't worry papa nasa maayos akong kalagayan ngayon. Nandito ako sa apartment ni Skyler. Dito muna ako mag istay okay? Wag niyo sanang ipagsabi kahit kanino na nandito ako kay Sky ngayon. Please papa? Iloveyou." then nagsent na. Wooo! Sana naman di magalit si papa sakin.