Jasmine's POV"Ingat ka dun ate." Sabi ni Jestine sabay yakap sakin.
"OA mo Jes. Parang mag aabroad naman ako." Sabi ko saka niyakap din siya.
"Eh kahit na. Medyo malayo bahay niyo eh ni Kuya Ian eh hehe." Dagdag ni Jestine.
Babalik na ako. Kinausap ko na si Sir Alonzo at Tine. Natuwa naman si Tine ng sabihin kong babalik na ako. Tinanong din ni Sir Alonzo kung nakauwi na daw ba yung childhood friend ko. Hehe diba nga kasi ang palusot ko kung bat ako aalis is darating yung childhood friend ko which is di naman totoo. Sinabi ko nalang na bumalik na yung childhood friend kong yun kaya ayun , hehehe.
"Jash! Tignan tignan mo tong si Jestine ah? Aalis na ako. Ingat kayo dito." Paalam ko sa dalawa kong kapatid.
"Ingat ka sa Canada ate." Sabi ni Jestine saka kumaway.
"Ulol Jes!" Sigaw ni Jashelle. Hahaha. Mga baliw talaga tsk tsk.
Naghihintay si Papa sa labas ng bahay , ihahatid niya ako sa bahay ni Ian.
"Oh anak. Mga bilin ko sayo ah?" Bungad ni papa pagsakay ko sa kotse.
"Pa naman eh. Para naman akong mag aabroad neto." Sabi ko saka kamot sa ulo ko.
"Syempre alam mo naman na si Christian Alonzo , maano yun. Bata ka pa anak ko. Bata ka pa." Sabi ni papa saka pinaandar yung kotse.
"Papa!" Sigaw ko. Gosh! Di naman ako papayag na ano no! Eww. No way. Pero kung Ian rin lang? Why not? Ahehehe. Putangina mo Jasmine magtigil ka. Napasampal nalang ako sa pisnge ko. Gosh? Ano ba tong pinag iisip ko.
"Oh bakit? Ano na namang laman niyang utak mo?" Tanong ni papa. Nakita niya sigurong sinampal ko ng mahina yung pisnge ko.
"Huh? Wala no. Magdrive ka nalang ng magdrive diyan pa." Sabi ko saka binaling ang aking mga mata sa bintana. Nadaanan namin yung park kung saan ko nakilala si Katnissie at si Katniss. Hehe. Ang cute nilang mag-ina.
Mga ilang minuto ang lumipas , nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Ian.
"Pa pakialagaan si Jash at Jes ah. Pakisabi tawagan nila si Mama mamaya. Ikaw , mag iingat ka sa trabaho mo pa." Bilin ko saka kinuha yung bag ko at bumaba ng kotse.
Nasa tapat na ako ng gate. Kinakabahan ako! Mygahd? Pumasok ako sa gate at pinindot ang door bell. Nasa labas palang ako naririnig ko ng may umiiyak sa loob. Umiiyak na naman yung tatlo.
Maya maya binuksan ni Ian yung pinto. Hawak hawak niya si Ethan na umiiyak. Nagtitigan lang kami.
"Hi?" Bati ko sakanya. Hehe awkward puta.
"Tuloy ka." Sabi niya. Pumasok ako agad saka niya sinara yung pintuan. Nakita ko si Axel at Zach nasa walker nila samantalang si Ethan umiiyak.
"Bat umiiyak ang Ethan ko? Ha? Sino nagpaiyak sayo? Papaluin natin?" Sabi ko saka ko kinuha si Ethan sakanya. Pagkahawak ko kay Ethan niyakap niya ako at ihiniga ang ulo niya sa balikat ko. Tumigil siya sa pag iyak.
Tinignan lang ako ni Ian. Nagtitigan lang kaming dalawa. Siguro mga 2 minutes din.
Maya maya nakita ko si Ethan nakatulog na sa may balikat ko. Ihiniga ko siya sa sofa at kinumutan. Nilapitan ko si Axel at Zach na naglalaro.
"Walang tigil yang si Axel sa pag iyak nung umalis ka." Sabi ni Ian sabay sandal sa pader at nag cross arms.
"Miss niya siguro ako." Sabi ko saka ko kinuha si Axel sa may walker niya. Miss na miss ko sila.
"Aigoo. Miss ko rin sila." Sabi ko sabay yakap kay Axel. Di ko mapigilang mapangiti.
"Ako ba di mo miss?" Tanong ni Ian. Napatingin ako sakanya na para bang nagtatanong. Problema neto?
"Sabi ko nga hindi." Sabi niya saka nag chuckle.
"Ang hirap pala mag alaga ng 3 bata." Dagdag niya.
Nakatingin lang ako sakanya. Kwenento niya sakin yung mga ginawa niyang pag aalaga sa tatlo. Meron pa daw isang gabi , imbis na asukal ang ilagay niya sa gatas asin ang nailagay niya. Hahaha iyak daw ng iyak yung tatlo. Tanga talaga tong si Ian kahit kailan.
"Di mo ba namimiss tong nanay ng mga anak mo?" Bigla kong naitanong sakanya. Tinignan niya ako ng seryoso.
"Miss ko na si Gielliane." Bulong niya. Di ko narinig. Ang narinig ko lang is yung Miss ko na.. sino daw ang miss niya? Di ko kasi narinig.
"Sino?" Tanong ko kasi nga di ko narinig.
"Wala wala." Sabi niya saka ngumiti. Bat nagiging rectangle bunganga neto pag ngumingiti? Tas nawawala mata niya. Pfft hahaha.
Seryoso , ang awkward ng paligid. After kasi nung incident sa canteen di na niya ako pinansin eh. Tapos eto kaming dalawa nag uusap. Liek omg? Di ko alam itotopic ko.
"Kaano ano mo pala si Skyler?" Bigla niyang tanong.
"Ah yung gagong yun? Kaibigan ko yun." Sabi ko saka napangiti. Naalala ko di pa pala kami nagpapansinan. Eh kasi naman eh :--(
"Ah." Tipid niyang sabi saka tumango.
So ayun , awkward na naman. Hehehehehehe.
"Buti naman naisipan mo pang bumalik." Seryoso niyang sabi.
"Kailangan ko rin kasi ng pera." Sabi ko sabay ngiti.
Tangina. Sinungaling ka Jas.
Tumango tango nalang siya.
/-/-/-/-/-/-/-/
3 buwan na ang lumilipas. Natapos na rin ang birthday ng triplets. Nagkaroon lang ng maliit na party sa bahay ni Ian. Costume party ang nangyari kaya napasabak ako sa kacornihan ni Ian. Binihisan niya si Ethan ng superman. Si Axel naman batman tapos si Zach si flash. Nagmala incredible hulk naman yung tatay nilang abnormal. Pinagbihis ako ni Tine ng Wonder Woman , parehas kami. Si Jules naman nag-ala spider man. Si Asher nagsuot ng Iron Man. Masyadong kinareer ni manong ang pagiging iron man. Kulang nalang talaga magmukha siyang baliw nung gabing yun. Tsk tsk. Si Nash naman nag-ala donkey. Yung alaga ni Shrek? Lam niyo yun? Basta yun kaya ayun gustong gusto siya ng mga bata. Yung ibang kids naman simple costume lang. Dumalo rin yung ibang kapitbahay namin sa subdivision. Medyo maraming tao nung 1st birthday nila. Ininvite ko si Skyler at Maxwell kaso busy sila nung araw na yun kaya si Katniss at Katnissie nalang yung ininvite ko. Dumalo naman silang dalawa kaya laking tuwa ko nun. Nang ipakilala ko siya kila Ian , parang kilala nila ang isat isa. Pati sina Jules gulat na gulat ng makita nila si Katnis lalong lalo na si Ian. Hindi niya maalis ang tingin niya kay Katnis pati na rin sa anak niya. Nakita kong naluha bigla si Katniss ng dalhin ni Tine saamin ang triplets kaya dali dali siyang nagpaalam saamin nun. Hmm iniisip ko pa rin kung magkakilala ba talaga sila nila Ian. Nagalit si Ian sakin nun dahil di ko daw sinabi na nag imbita ako ng hindi niya kakilala. Sinabi ko rin na nameet ko sila park. Simula nung araw na yun , madalas ng may kausap si Ian sa phone at madalang na rin siyang umuwi ng bahay. Halos ako na lahat ang gumawa ng gawaing bahay at magalaga sa triplets. Tinanong ko siya isang gabi kung san ba siya pumunta at minsan nakakalimutan na niyang umuwi pero di niya ako sinasagot. Naging malamig na rin ang turing niya sakin simula nung gabing yun. Kasalanan ko naman kung bakit ganun siya eh. Kung hindi ko nalang sana ininvite si Katnis nun.
--