Jasmine's POV"Hoy Jassy! Totoo ba yun?" natauhan lang ako ng kausapin ako ni Christine.
"Ha? Ang alin?" tanong ko naman. I don't know what's happening.
"Aren't you listening? Yung sinabi ni Jules? Is it true? About you and Sky?" hirit ni Nash.
Tumango lang ako. Hindi ko alam na naexplain na pala ni Hulyo yung tungkol samin. Di ko na narinig cause Im thinking about the children.
"Why did you lied to us?" tanong ni Christine.
"I-I don--" Christian cutted me off.
"Atleast alam na natin diba? Bat kailangan mo pang tanungin ang rason Tine? Hayaan mo na yung tao." sabi niya saka dinabog yung cellphone niya at nag walk out.
"Problema nun?" sabat ni Asher kaya sabay sabay kaming napataas ng balikat.
"Pagod lang siguro yun." sabi ni Gielliane saka kami nginitian.
"Oo nga pagod lang siguro yung kapatid ko dahil sa mga pesteng problemang dumating sakanya. Hay naku! Okay naman kasi sila dati eh!" pagtataray nung kambal niya.
Nginitian ko nalang si Gielliane as a sign of saying sorry for what Christine have said.
"Okay that's enough Christine." awat ni Jules.
Pansin ko lang kanina pa ume-english tong mga to. Even Hulyo? Omg that made me shook! Hahahaha.
Naglakad ako papunta sa tabi ni Nash at kinuha si Axel.
"You okay now Jas?" tanong niya sakin.
Lumapit ako sakanya saka bumulong.
"What's with the english, Nash?" bulong ko dito. Nakita ko yung reaction niya na siyang ikinatawa ko dahil biglang lumaki yung mata niya tsaka siya natameme.
"HAHAHAHAHA! Gago pre mukha kang kabayong nakakita ng multo bwisit!" sigaw ni Asher habang nakahawak sa tyan niya. Gago makatawa tong mokong na to eh hahaha.
Napatawa nalang kaming lahat even Gielliane. Si Nash naman nagpout nalang tsaka kami inikutan ng mata. Tsk tsk! Siraulo rin kasi eh nagtatanong lang naman ako.
Napatahimik nalang ako ng maalala ko si Sky. Nangingilid na naman yung mga luha ko pero sinubukan kong pigilan ito sa pamamagitan ng pagtingala at pagbuntong hininga.
"What have you done Jasmine Blaire?" bulong ko sa sarili ko.
Inaamin ko na may crush ako kay Sky. Psh oo na! May gusto na ako sakanya pero slight lang. Oo na anlandi ko na.
Napangiti nalang ako nung maalala ko yung unang beses na nakaramadam ako ng kakaiba kay Skyler. Ewan ko ba kung bat ko naramdaman yun, yung awkward position namin sa kama niya nun? Gosh! Nakakahiya yun pero inaaamin ko medyo kinilig ako na medyo kabado kasi, ewan ko di ko maexplain. Aish!
"Hoy Jasmine!!" sigaw ni Nash sakin, dahilan para bumalik ako sa katinuan ko. Nakita ko nalang na nasa sala na yung mga bata at bumalik na rin si Ian sa sala.
Nakita kong hawak ni Gielliane si Ethan. Naging masaya sana silang pamilya kung hindi niya iniwan ang mga to. Pero bakit nga ba? Bat ba niya iniwan yung mga bata kay Ian? Until now hindi ko pa rin alam. I need to talk to her, gusto kong malaman. Minsan iniisip ko na hindi anak ni Ian yung tatlo but they really resembles their father. Si Gielliane ba talaga ang nanay nila? Well di na ako magtataka, she had Katnissie. Tsk hindi naman sa hinuhusgahan ko siya but you know... medyo malaki na si Katnissie tsaka year old palang yung triplets, pano niya nagawa yun? I mean yung magbuntis agad after manganak. And what really scares me is triplets yung sumunod. Didn't she hurt? Arrgh! Masakit kaya? Psh. What if di siya yung nanay? Aish! Bahala na basta I need to talk to her, kailangan kong masagot yung mga katanungang bumabagabag sakin.
"Seriously Jassy, are you still with us?" tanong ni Christine.
"Ah? Oo hehe sorry may iniisip lang ako. Ano ulit yun?" tanong ko and guess what? Tinitigan lang ako ng mga mokong. The kids are playing around, they are playing with their sister Katnissie.
"Anong iniisip mo? Di ka nakikinig sa mga usapan namin. Narinig mo ba yung mga corny jokes ni Nash?" tanong ni Asher saka sila nagtawanan ulit. Okay, ganun pala ako katagal na nakatulala lang. I can't even hear them talking.
"Ano? Baka SINO?" sabat ni Jules. Talagang idiniin pa niya yung word na SINO. Psh masasapak ko tong pandak na to.
"Skyler?" tanong ni Asher. Nakipag apir naman si Jules sakanya. Ahm what? Skyler? Yeah iniisip ko siya kanina but that's not it.
"Skyler again." sabat naman ni Christian kaya napatingin kaming lahat sakanya.
"You know what bro? Kung may gusto ka kay Jassy, admit it habang maaga pa. Nakakahalata na kasi kami tuwing Skyler at Jas yung usapan eh. Bat di ka nalang umamin diba? Hindi yung—-" so yeah her twin just cutted Tine's out.
"Shup up will you?! Hindi ko siya gusto at never akong magkakagusto diyan! Alam niyo kayo?! Kung ano man yang iniisip niyo pwes mali kayo! Bat ako laging nagagalit?! Kasi yung lalaking yun yung dahilan kung bat ako nahirapang alagaan yung mga bata! Remember when that JERK came?! Halos di tayo makatulog kababantay yung mga bata Tine cause Jasmine leaves that time! Bwisit!" dere-deretsong sabi nito saka nag walk out.
"Edi inamin mo ring kailangan mo si Jasmine." nakangiting sabi ng kambal niya.
"Hindi ko siya gusto at never akong magkakagusto diyan!"
"Hindi ko siya gusto at never akong magkakagusto diyan!"
"Hindi ko siya gusto at never akong magkakagusto diyan!"
"Hindi ko siya gusto at never akong magkakagusto diyan!"
I don't know bigla nalang akong napayuko at pinipigilan yung sarili ko sa pag iyak. Diba dapat natutuwa ako ngayon cause he admitted that he needs me for his sons? Diba dapat masaya ako pero bakit? I can't help to feel sorry about my Skyler. Wait—- did I just called him MY SKYLER?! WTH?!
I feel that someone touches my shoulder then taps it. I lift up my head and saw my cousin. I give him a light smile and told him I'm okay.
Kinuha ni Nash, Asher at Tine yung mga bata at inakyat sa taas. Wala na rin si Gielliane dun.
"Masakit ba insan?" tanong ni pandak. Sinapak ko siya ng pagkalakas lakas sa likod ng balikat niya.
"Araaaaaaay!!!!" sigaw nito saka napahawak sa parteng sinapak ko. Tinignan ko siya ng masama.
"Oo na! Alam kong masakit! Bwisit bat kailangan pang manapak eh." sabi nito saka inukutan ako ng mata.
"Tsk. Alam mo na pala nagtanong ka pa. Ang kitid talaga ng utak mo no? Kaya siguro di ka magustuhan ni Christine." sabi ko dito saka napangiti ng bahagya.
Lol. Wala kang maloloko dito Jules, I know you. Yes! May gusto yan kay Christine. Halatang halata na eh. Hay naku! Jules Sebastian!
"A-ano?!" sigaw nito sakin.
See? Nautal pa ang gago. Huli ka na Hulyo! Tsk tsk.
"I can help you get her, cousin. Don't worry!" sabi ko dito saka tinap yung balikat niya at umalis papuntang kusina.
Nadatnan kong mag isa si Gielliane dun at nilapitan ito. This is it Jas, the perfect time to ask about that.
"Gielliane, can we talk." seryoso ko siyang tinignan sa mata at nakita kong bahagya siyang nagulat.
I just want real answers.
———-