Chapter 18

2.9K 78 2
                                        


Jasmine's POV

Mga ilang minuto ang lumipas, bumalik ako sa kinaroroonan nila. Syempre pinunasan ko muna ng mabuti yung luha ko para di halata. Karga karga ko si Axel habang tulog.

"Tara na Jasmine. Umuwi na tayo." seryosong bungad ni Sky sakin.

Ibinigay ko kay Tine ang natutulog na si Axel.

"Kailangan ng mga anak niya si Jasmine, Skyler." sabi ni Jules na para bang galit na.

Napakawalanghiya rin nitong nuno sa punso na to oh. Kita niyang nakaharap si Katniss samin tapos sasabihin niya na kailangan ako ng mga ANAK ko. Tsk tsk baliw talaga.

"Oo nga. Kailangan ng mga bata si Blaire." pag sang ayon ni Nash kaya inikutan ko lang siya ng mata dahil tinawag niya akong Blaire.

"Anong kalokohan na naman ba to Christine?" naguguluhang tanong ni Ian habang karga karga ang batang kumakain ng lollipop na si Katnissie.

"Tsaka Jules, Nash? Anong pinagsasabi niyo?" dugtong niya saka napatingin sa dalawa niyang kaibigan.

"Ian, We all know na mahirap alagaan yung tatlo diba? Nakita mo naman siguro ang pag aalaga ni Jasmine sakanila? Ay, hindi mo pala nakikita kasi LAGI KANG WALA SA BAHAY. Tama ba?" sarkastikong turan ni Tine at talagang idiniin pa talaga niya ang pagsabi.

"Pwedi ba?! Nandito si Katniss, ang totoo nilang nanay para alagaan sila! Hindi ko siya kailangan." sabi ni Ian habang nakatingin sakin.

Si Katniss nakatingin lang sa sahig at nakayuko habang karga karga ni Jules at Ian si Ethan at Zach.

"Hindi mo ako kailangan pero ako, kailangan ako ng mga bata." walang emosyon kong sabi.

Halatang gulat na gulat sila sa sinabi ko lalong lalo na si Tine.

"So you mean, babalik ka?" tanong ni Tine.

Biglang hinawakan ni Skyler yung kamay ko at hinigpitan yung hawak kaya napatingin ako sakanya.

"Walang babalik." sabi ni Ian habang nakatingin sakin.

"Pwedi ba Ian?!" sumigaw na si Tine.

"Wag niyong dalhin dito sa mall yang ugali niyong ganyan. Nakakahiya lang kayo. Walang babalik, at hindi ko hahayaang bumalik si Jasmine sainyo dahil dadalhin ko siya sa Korea. Tara na Jas." kalmado ngunit halata sa boses ni Sky ang galit at dere-deretso niya akong hinila palabas ng mall.

Wala akong nagawa kundi sumama sakanya.

"Nahihibang ka na Jasmine Blaire." seryoso niyang sabi saka pinaandar yung sasakyan niya ng pagka bilis-bilis.

Nakarating kami ng apartment ng walang nagsasalita. Pumasok agad ako sa kwarto niya at ini-lock ang pinto.

Ihiniga ko sa kama ang katawan ko.

"Panaginip lang to Jas." kasabay nito ang pagpikit ng mga mata ko.

--

Nagising ako ng biglang mag ring ang cp ko. May tumatawag galing sa unknown number. Dali dali ko namang in-off ang cp ko dahil ayokong maistorbo.

Wanted: Mother Of My Triplets [Re-Editing]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon