Sabay kaming nag recess ni Sky. Makulit kasi eh. Sabi ng ayoko siyang kasabay pero mapilit ang gago. Yung mga classmates ko tanong ng tanong kung boyfriend ko daw ba si Sky. Nginingitian ko nalang haha.
"Jas!" rinig kong may sumigaw. Yung pinsan kong pandak tinatawag ako. Lumingon lang ako sakanila kasi kasama niya si Ian. Nagulat ako kasi bigla akong kinaladkad ni Ian.
"Anong problema mo?" Bungad na tanong niya sakin.
Ano nga ba? Wala naman.
"Wala naman. Bakit?" Sagot ko. Ngayon ko lang napansin na hawak niya parin yung kamay ko hanggang ngayon kaya hinila ko kamay ko.
"Bat ka umalis ng bahay?" Tanong niya ulit habang nakataas yung isang kilay. Tangina galit na siya Jas.
"Namiss ko bahay namin eh." Sagot ko.
"Umayos ka Jasmin Blaire!" Sigaw niya sakin. Woah. Scary Jas , scary.
"Gutom na ako sorry ha?" Sabi ko sabay talikod. Istorbo tong gagong to! Gutom na ako eh puta.
"Kaano ano mo si Skyler? Nagulat ako ng bigla niyang tinanong yan.
"Wag mo ng alamin." Sagot ko at tuluyan ng unalis. Bumalik ako sa canteen , nakita ko si Skyler kumakain na. Tangina makasarili ang puta.
"Hoy! Ayos ka rin noh?" Agad kong bungad sakanya. Gulat naman siya kasi bigla akong nagsalita mula sa likuran niya.
"Sorry. Di ko napigilan gutom ko eh. Hehe. Tara kain." Sabi niya sabay alok ng kinakain niyang burger sakin. Tangina talaga.
"No thanks bibi--" di ko naituloy yung sasabihin ko ng biglang may magsalita at hinawakan yung kamay ko.
"Sabay kaming magrerecess." Sabi ni Ian. Wao. Tangina. Hehe yung kamay ko. Liek wtf?!
"Boyfriend mo Jas?" Natigilan sa pagkain si Skyler.
"Hin--"
"No. Asawa niya ako." Sagot ni Ian. Muntik ng mabilaukan si Skyler ng marinig niya yung sabi ni Ian. Putangina. Tinignan ko lang si Ian tapos nginitian naman niya ako. Puta mga bes.
"Tara na babe? Kumain ka na para may pagkukunan ng gatas yung triplets natin." Dagdag ni Ian sabay ngiti. Puta wala na siyang mata kingina. Hinila niya ako pagtapos niyang sabihin yun at iniwan namin si Skyler na nakabukas ang bunganga. Tangina. Anong meron? Bat-- tangina bat ko kasama si Ian?! Hala!
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sabay tanggal nung kamay niyang nakahawak sa magaganda kong kamay.
"Bakit ba? Halika na kumain na tayo." Sabi niya sabay higit ulit nung kamay ko. Tangina naman oh.
"Oh? Pano naman sila Kendall? Sila Jules? Dun ka na. Nakakahiya naman masyado." Sarkastiko kong sabi sabay irap. Nakakaasar. Wala na naman sigurong mapagtripan tong tanginang to. Tumalikod na ako at akmang aalis kaso kinuha niya yung kamay ko.
"Ikaw ang gusto kong kasama ngayon hindi yung mga tarantadong yun." Seryoso niyang sabi. Tangna di ko alam sasabihin. Kililigin na ba ako? Liek omg?! Kalma lang Jas. Hehehe. Hindi na ako nakasagot. Bumili na siya ng makakain naming dalawa. Bastos! Nilibre ata ako ng gago.
Dumating siya na may dalang mga pagkain. Wao? Di naman siguro siya gutom no? Nilapag niya yung pagkain sa mesa. Walang umiimik saming dalawa. Nag umpisa na siyang kumain. Nakatingin lang ako sa kinakain niya. Wala na akong balak kumain. Nawalan na ako ng gana puta.
"Kakain ka o kakain ka?" Napatigil siya sa pagkain nang mapansin na hindi ko ginagalaw yung pagkain ko.
"Nawalan ako ng gana." Tipid kong sagot. Kawalang gana yang mukha mo ulol.
"Anong sabi ko kanina?" Seryoso niyang tanong. Teka? Ano ba sabi niya? Wala akong matandaan. May sinabi ba siya? Seryusleh? Meron? Weh'? Di nga? Ano ba yun? Gahd! Aypurgat!
Nagkibit balikat nalang ako. Di ko matandaan sinabi niya eh hehe. Bakit ba? Eh sa di ko nga kasi matandaan.
"Kumain ka para may pagkukunan ng gatas yung triplets natin." Sabi niya sabay lapag nung mga pagkain sa harap ko.
"Anong konek ng pagkain ko sa pagkukunan nila ng gatas?" Tanong ko.
"Basta kumain ka lang diyan! Ang dami mong arte!" Pasigaw niyang sabi. Tumayo ako sa upuan saka umalis. Narinig ko namang tinawag niya yung pangalan ko.
Hinanap ko si Skyler wala di ko mahanap. Tangna asan yung tarantadong yun? Hmp. Hayaan na nga lang. Bumalik na ako sa classroom namin. Wala ng magawa eh.
-/-/-/-/-/-/-
Christian's POV
Pag uwi ko ng bahay sinabi agad ni Dad na magleleave daw muna si Jas bilang nanay ng triplets. Tinanong ko siya kung bakit ang sabi ni Dad ay darating daw yung childhood friend niya. Tsk! Ang babaw naman. Di bale nandito naman si Tine para alagaan din sila.
"Jas! Timplahan mo na ng gatas yung triplets!" Sigaw ko.
"Im not Jas you jerk!" Sigaw din ni Tine sabay irap sakin. Oo nga pala , wala na siya. Tanga mo talaga Ian.
"Sorry. Magtimpla ka na ng gatas nila." Sabi ko sabay upo sa sofa at switch nung tv. Nakita ko namang pumunta si Tine sa kusina at nagtimpla ng gatas. Yung triplets nasa walker nila , nagpapraktis na maglakad ang mga anak ko. Ilang months nalang mag iisang taon na sila.
"Zach! Wag mong banggain yang kapatid mo!" Sigaw ko ng makita kong binabangga ni Zack si Axel nung walker niya. Nagiging pasaway na rin sila hahaha.
"Naku. Lumalaking pasaway yang anak mo ah. Mana sa tatay tsk." Sabi ni Tine habang binibigay niya yung gatas nung triplets.
"Mana sa kagwapuhan." Sabi ko sabay ngisi. Gwapo kaya ng mga anak ko.
"Gwapo? Ikaw? Sige lang Ian sweet dreams." Pambabara ni Tine sabay tawa ng malakas. Tangina.
"Edi wow. Umalis ka na nga! Ako na bahala dito." Pangtataboy ko sakanya.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo aking mahal na kapatid?" Tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko.
"Oo na! Oo na! Tangina kasi ni Jasmine eh! Tangina talaga." Napa close fist nalang ako. Sht talaga.
"Miss mo na agad'? Wow naman kapatid." Sabi ni Tine habang nakangiti ulit ng nakakaloko. Putangina oh.
"Umalis ka na sa harap ko bago ko pa makalimutang ate kita." Sabi ko at tinignan siya ng masama.
"Ang sabihin mo miss mo na yung nanay ng triplets hahahahaha!" Sabi niya habang paalis na tumatawa.
Oo miss ko na siya. Miss ko na nga siya. Miss na kita Gielliane Katniss Sy.
-