01 - At the bar

141K 1.7K 149
                                        

Date published: 07/04/2016

A/N: If you guys don't like fast burn dramas/romance, then i don't recommend my stories, specifically this series



TRIXIE

Malayo pa lang, narinig ko na ang malakas na beat ng music sa loob ng Maxine's. It was a private high-class restobar located at Fort Bonifacio, Global City. It's a very nice place; hindi yun katulad ng ibang bar na masikip at disorganized. Three-storey building 'to at ukopado ng restaurant ang first floor, habang okupado naman ang buong second floor at third floor ang bar. It was big and comfortable, and has an amazing interior too. Isang magaling na interior designer galing Milan ang ini-hire ko para mag-design.

Yes, I owned the place.

After kong maipark ang kotse ko sa parking lot, agad akong bumaba. As I headed towards the entrance door, I was greeted by two security bouncers who were on duty. Dumaan ako saglit sa admin office para kumustahin ang operasyon, kinausap ko ang manager bago umakyat sa taas. Nakita ko ang ilan sa mga sikat at malalapit na personalidad doon. Some of them greeted me while others just smiled. Lumapit ako sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko at agad nila akong nakita.

"Hi, Trix!" It was my friend Cassandra David. "Buti naman at nakahabol ka." Bumeso siya sa akin bago kami sabay umupo. Nandito rin ang isa ko pang kaibigan na si Samantha De Rossi na bumeso din sa akin. "So how's work lately? I've heard you have a new movie with Damon?" Cara was referring to Damon Lazaro, a famous matinee idol.

"Yep. But I'm not sure yet, I mean, pag-isipan ko pa kung tatanggapin ko ba o hindi."

"Pag-iisipan?" react ni Sam. "That's new, as far as I remember, matagal mo nang pinagnanasaan makalove team si Damon."

Umikot ang mata ko. "Duh! Noon 'yon, that was the time 'nong crush ko pa siya, at isa pa, I think I've lost my appetite on him. He's aware that I have a thing on him, kaya ayun, nanliligaw sa akin."

"Ba't ayaw mong sagotin?" it was Cara who asked.

"As if namang may planong sagotin ni Trix yun. Baka nakalimutan mo, babae rin ang habol ng isang 'to."

Napangiti ako sa sinabi ni Sam, pabiro ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. "You really know me so well, babe."

"Tss, whatever."

Kumalas ako sa yakap para tignan siya. "Bad mood ka ata ngayon?"

Samantha's face immediately contorted in annoyance. "Who wouldn't be annoyed? That woman is getting on my nerves again! She tweeted something on her Twitter last night, and guess what?"

Lihim akong natawa. "What?"

"Obviously, ako na naman ang pinatatamaan niya. God! I really want to hit her face! Sumo-sobra na talaga!"

I chuckled. Hindi na ako magtataka kung sino na naman ang ikinagalit niya. It was none other than her forever enemy, Georgina Monseretti. Mukhang kina-career na ata ng dalawa ang mag-bangayan. I don't know exactly what's going on between the two; medyo matagal na rin ang issue nila at paborito silang pag-usapan ng media.

Napa-iling na lang ako. I took a bottle of light beer, hanggang sa biglang mahagip ng mata ko ang isang babae--no let me rephrase that, isang napakaganda at seksing babaeng sumasayaw sa gitna ng dance floor. The lady was swaying her body gracefully as she danced on the floor.

Purr. Napa-ngisi ako. Isang pilyang idea ang pumasok sa isip ko. Tumayo ako at nagpaalam saglit kina Sam at Cara para lapitan ang babaeng sumasayaw. Paglapit ko sa kinaroroonan niya ay pasimple kong kinurot ang tagiliran niya. Narinig ko ang pag-singhap niya kaya mabilis siyang humarap sa akin. Mukhang nagulat pa siya nang makilala ako.

"Hi, Ava." I smiled sweetly at her.

"You again?" rumehistro ng inis ang kanyang magandang mukha.

"Yours truly," pabiro ko pa siyang inakbayan.

"Ano ba." Inis niyang iniwaksi ang braso ko at lumayo. "What is it this time, Trixie?"

"Wala naman, I just want to say hi to the most beautiful girl in this bar." Nag-wink ako sa kanya, making her roll her eyes.

"Wala ako sa mood i-entertain yang mga nonsense jokes mo. And will you please stop? Nakakairita ka na."

Imbis na ma-offend ay mas lalo pang lumawak ang ngiti ko. Introducing, Avallaine Marie Vyalisdav Isidro, the half-Russian, half-Filipina award winning actress. Ito ang pinakamataray na babaeng nakilala ko, and at the same time, ang pinaka-hot. I just bought a Cosmopolitan magazine where she is the cover girl, and damn, just looking at it makes my body hot all over. She's the 2016 FHM model of the year for a reason.

"Alone?" muli ko siyang inakbayan. "Baka gusto mo nang kasabayan sa pagsayaw, I'm available."

Ava didn't reply. Instead, she just tossed my arm away from her shoulders and without a word, she walked out. Amused ko siyang sinundan ng tingin. Mabuti nalang at medyo madilim 'tong area namin at hindi kami masyado nakita. She walked her way to a friend, nasa counter area sila. I really love teasing her, ang cute niya kasing mainis. Matagal ko na siyang kinukulit, at matagal na rin siyang nakukulitan sa akin.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon