12 - Danger 🔞

47K 1K 276
                                        

Trigger warning: This chapter contains violence.






"I miss you so much love, five days ka na diyan." Malungkot na sabi ko kay Trixie sa kabilang linya. "Kailan ka ba uuwi?"

"Love, don't worry okay? I'll be home as soon as I'll finish my appointment here." sagot niya, halatang pinagaan ang boses para hindi ako malungkot.

"Huwag kang lumandi diyan ha?"

"Love, sa'yo lang naman ako malandi e."

I sighed, nangingibabaw parin talaga ang pangunglila ko sa kanya. "Miss na talaga kita."

"Cheer up, okay. Pag-uwi ko diyan, magbakasyon tayo. Yung tayong dalawa lang."

Napangiti ako, bigla akong nakadama ng excitement. "Promise?"

"Yup, kaya huwag ka ng malungkot dyan. I love you."

"I love you too, uwi ka na ha?"

"Opo, uuwi ako para sa princesa ko."

Kinilig ako. "Sweet naman ng love ko. Sige na, matulog ka na. For sure puyat ka na diyan."

"Hindi pa ako, ina-antok. Gusto ko pang mangharot sa'yo."

Natawa ako. "Trixie, kanina mo pa kaya ako hinaharot. Matulog ka na."

"E sa gusto talagang kitang harutin." tila batang hiling niya.

"Bukas na. Sige na, ibaba ko na ang tawag. Good night, muah muah."

"Pero gusto ko pang mang harot." Nag-da-drama pa siyang umiiyak.

"Umuwi ka na kasi, pwede mo naman gawin yan kapag nandito ka na."

"Sige na nga. Lalambingin ko na lang si Tita Minerva para makauwi agad ako."

"Good idea. Sige na, ibaba ko na ang phone ha? I love you, Good night."

"Good night, baby. See you in my maharot dreams." bumungisngis siya. Natawa na lang ako. Nag-paalam na ako sa kanya bago inoff ang cellphone. Landi talaga ng girlfriend ko.

Nasa cebu parin ngayon si Trixie at isang linggo na siya doon. Supposedly, ngayon siya uuwi, pero nag-extend ang schedule ng event na dinadaluhan nila. Gusto ko sana siyang puntahan kaso wala akong vacant time para gawin 'yon. Nangungulila na talaga ako sa kanya, miss na miss ko na siya.

Inilapag ko ang cellphone ko sa katabing drawer saka tumayo at nagtungo sa shower. Habang nasa ilalim ng malamig na tubig, ini-abala ko ang sarili sa pag-memorize ng mga linya ko para sa susunod na taping next week.

After kong magshower, inabot ko ang puting towel saka ibinalot 'yon sa katawan ko. Nasa kalagitnaan ako sa pag-aayos sa sarili nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto.

Napaikot ko ang mga mata ko. No need to guess, siguro tinopak na naman ang mga kaibigan ko at naghahanap ng lugar para maki-harbor.

Paglapit ko sa pinto, inayos ko muna ang pagkatakip sa towel bago 'yon binuksan. Labis ang pagka-gulat ko nang makitang si James ang tumambad sa aking harapan.

"James?"

"Hey," pasuray-suray siyang nakatayo.

"Are you drunk?" he smelled alcohol.

"Of course not, medyo naka-inom lang ako ng konti."

"Uhm, anong ginagawa mo dito? It's getting late, anong kailangan mo?"

"Nice outfit by the way. It looks sexy on you." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "I wonder what's underneath it."

"Cut it off, James. Ano ba talaga sadya mo?" nag-simula na akong mairita.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon