41 - Team real

29.5K 997 675
                                        

AVA


Malungkot kong sinundan ng tingin ang papalayong sasakyan ni Trixie. Mukhang pinapauwi na siya ng Lovely niya. Sayang hindi man lang kami nag-usap ng matagal. Ni hindi ko man lang siya nayakap kahit isang segundo lang. Masakit sa dibdib ang marinig siyang nag 'I love you too' dito. Parang hiniwa ng maraming beses ang puso ko.

Oo, nagseselos ako. Sino ba namang hindi? Ikaw? Makakaya mo bang marinig ang taong mahal mong nag-'I love you' sa iba? Sa mismong harapan mo pa? Hindi diba? Kaya 'tong nararamdaman ko ngayon, normal lang 'to. Nagseselos ako kasi mahal ko siya. Kahit alam kong wala na akong karapatan para maramdaman 'to kasi wala nang kami at tapos na ang mayroon kami. But I can't help it! Excited pa naman ako para sa araw na 'to. Hindi ako nagkamali sa hula ko kagabi. Dumating nga si Trixie pero hindi naman nagtagal. Gusto ko sana siyang pigilan kaso sino ba naman ako para gawin 'yon sa kanya? It's over between us.

Galit sa akin si Trixie at alam ko 'yon. I was expecting her to be cold but i'm surprised that she wasn't. Akala ko ignorahin niya lang ako, kahit papaano ay masaya ako. Masaya ako dahil sa loob ng maikling oras nagkaroon kami ng chance para magkita at magkamustahan sa isa't-isa.

"Oh my gosh, how was it!?" napa-ingtad ako sa gulat dahil sa lakas na mga tili. Paglingon ko, nakita ko sila Georgina, Lindsay, at Themarie. Bakas ang excitement sa mga mukha nila as if may ikukuwento ako sa kanilang good news.

"Come on, girl. Tell us!" ani Lindsay sabay hila sa akin. "Anong pinagusapan niyo?"

"Nagyakapan ba ka 'yo?" Georgina asked.

"Did the two of you kissed?"

Malungkot akong ngumiti kapagkuwan umiling-iling. "No and no. Umuwi na siya."

Nawala ang excitement sa mukha nila. "What the fuck? Bakit mo hinayaang umalis!?"

"Alangan namang pigilan ko?"

"Malamang!" sighal ni Lindsay sabay padyak.

Bumugha ng hangin si Georgina. "Anong use nitong pa-party na hinanda ko kung hindi man lang pala kayo nakapagusap?"

"We did. Kaso ang awkward. And then her girlfriend called up. Ayon, umalis na."

Lindsay snorted. "I honestly don't really like Trixie's new girlfriend. Hindi ko yun bet. And if Isabelle was here she would probably agree on us."

Themarie tsked. "Huwag nga kayong ganyan. Wala namang ginawang masama sa inyo si Lovely ah, stop hating her."

"I'm not hating her. I just don't like her. At isa pa, bakit ganyan ka makapagsalita?" tinignan ni Lindsay ng masama si Themarie. "Huwag mong sabihing kumakampi ka rin sa kanya? pwes lumayas ka dito. Doon ka kina Sam. Wala sa lugar dito ang mga fan-girls ni Lovely."

"No I'm not her fan girl. It's just that,masyado kasi kayong harsh kapag siya na 'yong topic. Kung tutuusin nga ang bait 'non e."

"Hmp! Traidor ka lang talaga. You're hurting Ava's feelings. Umalis ka na dito."

"Hambalusin kita diyan ang oa mo." Themarie rolled her eyes before gazing up at Georgina. "At ikaw naman, George. I can't believe you actually agreed with her." sabay turo kay Lindsay.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon