04 - Missing her

44.3K 1.3K 94
                                        

Date published: 07/18/2016




AVA


Mahigit walong buwan na ang lumipas mula 'nong malaman ko ang pangloloko sakin ng walang hiyang ex ko.

Aside from staying a month in Paris, I also flew to Santorini, Greece kung saan naka-base ang family ko para doon tuluyan hilumin ang sarili ko. I stayed there for six months, bago muling umuwi dito sa pilipinas at masasabi kong unti-unti na rin akong naka move-on sa past ko. Thanks for the help of my friends and family, tuluyan ng nawala ang sakit na iniwan sa akin ni James.

And speaking of that son of a bitch, balita ko ay hiwalay na ito at ng asawa nito. According to some sources and articles i've read recently, ang asawa raw ni James ay may dirty secret affair sa isang matandang amerikanong negosyante, like eww much.

Poor Jameson Torres, somehow I have my sympathy on him. Pero buti nga sa kanya, at least, naramdaman na niya ang sakit na maloko.

I stood up and went inside my room. It's Sunday, and I have the whole day to relax.

Nang humiga ako sa kama ay nakaramdam ako ng kunting kirot sa may bandang likuran ko. God my body needs some serious massage! Ngayon ko lang naalala dapat pala nasa spa ako sa araw na 'to.

I grabbed my phone and dialed Georgina's number. Thank god she answered.

"What's up, bitch?" she spoke on the other line.

"Are you busy? Pa spa tayo, my body needs it."

"Sure, I was about to call you either, tawagan ko rin si Belle."

"Great. Kita na lang tayo doon, same place."

"Noted, Ciao." then she ended the call.

Dali akong bumangon saka nag-shower at nag-bihis. I grabbed my car keys and left my condo.

Nang makarating ako sa Yulen's Spa, agad kong pinarada ang sasakyan ko sa parking lot. Minutes went by, nakita ko ang dalawang pamilyar na kotse sa unahan. Napangiti ako nang makita ang dalawang kaibigan ko.

Sabay kaming tatlo nila Georgina at Isabelle na pumasok sa loob. We have a brief conversation habang parehong minasahe.

Lumipas ang ilang oras, natapos din ang therapy. Lumabas na ang mga masahista but we stayed for a while to continue our chitchat. Nag open-up ng topic si Isabelle at pareho kaming napa-iling ni Georgina sa mga kwento nito tungkol sa babaeng nanliligaw dito.

"Girls, I really need your advice." ani Belle habang ibinalot ang sarili sa puting towel saka umupo sa katabing wooden chair.

"From what I heard, mukhang ginusto mo rin namang magpaligaw sa girl na 'to." komento ni Georgina. "Tell us, who is she by the way?"

"You already know her actually."

I rolled my eyes. "Girl, be specific."

Isabelle grinned at me. "It's for you to find out."

"Ano ako, manghuhula?" sarcastic kong tanong.

"Ava dear, dakila kang chismosa. Kahit hindi ko na sasabihin, you would probably know who it is."

"Bitch." sabi ko na lang.

"It seems like you like her too." ani Georgina kay Isabelle.

"Well, I do adore her. I mean duh, she's pretty, pero......ewan ko ba."

"Whoever that woman is, I think she's good for you. You seldom smile, Belle. And look at you now, the way you talk about her, ang saya mong tignan."

Sang-ayon ako sa sinabi ni Georgina.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon