"This is the perfect place para sa kasal niyo. Maganda ang ambiance dito kasi malapit lang sa seashore, plus kitang-kita dito yung paglubog ng sunset, and I'm sure it will captivate the guests as well. What do you think, Trixie?"
Mula sa pagtitig sa kawalan ay napatingin ako kay Lavender. "I'm sorry, ano 'yon?"
"I said what do you think about the place? Okay lang ba sa inyo 'to ni Lovely?"
Di ko magawang makasagot. Sa totoo lang wala akong naintindihan ni isang salita sa mga pinagsasabi nito dahil lumilipad 'tong isip ko. Kanina pa ako ganito, actually, dalawang linggo na akong ganito. Something is not right and I couldn't explain what it is. Ang daming bumabagabal sa isip ko.
"U-uhm, oo. Maganda yung c-cake."
"Baby, Lavender is talking about the venue, not the cake." bulong ni Lovely at bahagya akong siniko. Napalingon ako sa kanya. I just suddenly realized it.
"Ganon ba? S-sorry." Ibinalik ko ang tingin kay Lavender at tumango. "Okay yan."
"Great." ngumiti si Lavender at muling nagpatuloy sa pagsalita.
Pilit kong i-concentrate ang atensyon ko sa mga sinasabi nito pero lahat ng 'yon ay hindi nagsi-sink-in sa utak ko. Balisa ako't wala sa sarili at tila napansin yun ni Lovely dahil naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at marahan yung pinisil. I looked at her again.
"Are you okay?" she asked calmly.
"Oo naman," agad kong sagot.
Lovely nodded but her facial expression wasn't convinced. Umayos siya ng upo at ilang segundo akong pinagtitigan na tila ba binabasa ako. Sinalubong ko ang tingin niya; nagtatanong ang mga mata ko sakanya. We had an eye to eye contact for a while, at nang makadama na ako ng konting ilang ay ako na mismo unang umiwas ng tingin saka ibinalik ang atensyon kay Lavender.
Ganon din ang ginawa ni Lovely, ibinalik niya ang tingin niya kay Lavender na patuloy parin sa pag-discuss tungol sa arrangement ng aming kasal.
"Lavy?" maya't-mayang tawag niya sa atensyon nito.
"Yes?" nag-angat ng tingin si Lavender.
"Can you give us a minute?"
I gave my fiancé a confusing look.
"Sure, take your time." tumayo si Lavender at lumabas ng office, leaving me and Lovely alone.
"Hey," tulad kanina muli ay niyang pinisil ang kamay ko.
"Bakit mo pinalabas si Lavender?" I looked into her eyes with a questioning look.
"Ayos ka lang ba talaga?"
"Of course I am."
Lovely smiled, but it wasn't the usual smile I always seen on her lips. "Something is wrong, Trix. I could feel it. Have you change your mind about us?"
Natigilan ako. "H-Ha?"
"Are you still thinking about her?"
Kahit wala siyang binaggit na pangalan, kilala ko agad kung sino ang tinutukoy niya. Di ko alam kung bakit niya ito biglang natanong dahil sa pagkaalala ko ay wala naman akong sinabi sakanya tungkol doon.
Napabuntong hininga ako at yumuko. Sa totoo lang di ko alam kung ano 'tong naramdaman ko ngayon. Parang may mali, parang may kulang.
"Hey, look at me." marahang hinawakan ni Lovely ang chin ko saka inangat ang mukha ko parahap sakanya. "Nangako tayo sa isa't-isa na walang lihiman diba?"
"M-mahal..." this time, napakagat-labi ako.
Mula 'nong nagdesisyon akong ipagpatuloy ang relasyon namin, natiyak ko sa sariling nagbago na ang damdamin ko tungkol sa pagpapaksal sakanya.
BINABASA MO ANG
Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...
