07 - Starting

43.5K 1.2K 86
                                        

TRIXIE

Ngising-ngisi ako habang lulan ng elevator patungo sa condo unit ni Cara. Nagtext kasi ang gaga sakin na gustong sumabay papunta sa LaCuisine; isang French restaurant. Sinabi ko kasi sa kanya na niyaya ko si Ava na makipag-date at natuwa naman siya sa balita.

Nang marating ko ang unit ay hindi na ako nag abalang kumatok, dere-deretso akong pumasok at pumunta sa bedroom niya kasi siguradong nandon lang siya.

Nadatnan ko ang gaga abala sa pagpili sa kanyang maisusuot na damit. Nakatalikod siya at nakatowel pa.

"Hi, Cassandra! Oh? ba't hindi ka pa nakapagbihis?" tanong ko sabay upo sa kama. "Pssst."

Hindi ito sumagot.

"Cara, binge 'te?"

Hindi parin ito sumagot.

"Hoy, Cara." tawag ko ulit, pero hindi parin talaga sumasagot ang gaga. Inis kong inihagis sa kanya ang unan at tumama yun sa likod niya. "Hoy, bakulaw. Nandito na ako, kausapin mo nga ako!"

Mahahil narinig na ako ni Cara dahil napalingon na siya sa akin. "Uy, hi Trix." tinanggal niya ang earphone sa magkabilang side ng tenga niya. "Kanina ka pa ba?"

I frowned. Kaya naman pala hindi ako narinig. Ano kaya pinakinggan neto? bold?

"Mukhang hindi mo ako narinig, nakakatampo ka."

Ngumisi si Cara at pina-ikot ang mga mata. "Pinakinggan ko kasi ang latest song ni Belle. Have you heard it?"

Napangiti ako. Isa pa 'to, masyadong malakas ang tama sa sikat na singer na si Isabelle Choi; isa sa bestfriends nila Ava. Number one fangirl siya ni Belle kaya hindi na ako na-supresa.

"Yeah, I heard it. Ang ganda, pero masyadong hugot. Feeling ko broken hearted sya 'nong panahong isinulat niya yung kanta."

"It doesn't matter, I still love it anyways." ani Cara sabay ngiti ng malawak.

"Come on, bilis. Naghihintay na sila sa atin sa restaurant, ayokong pahintayin ng matagal si Ava. Alam mo naman yun masyadong mainitin ang ulo baka magalit, tsk."

"Okay if you say so." walang sabi-sabing hinubad ni Cara ang tuwalya sa harapan ko, revealing her naked body. Napasinghap ako.

"Fuck you, Cara! Walang ganyanan buwesit!" lumabas ako sa kwarto niya at iniwan siyang tawang-tawa.

Napa-iling ulit ako. Loka-loka talaga.

Umupo ako sa couch at doon naghintay. Di nagtagal ay tapos narin si Cara at nagconvoy kami papuntang LaCuisine.

As we enter the fancy restaurant, nakita ko ang isang pamilyar na mukha mula sa di kalayuan, kaya't siniko ko ang katabi ko.

"What?"

"Is that Samantha?" ininguso ko ang direksyong tinutukoy ko.

"Where?" sinundan ni Cara ng tingin ang direksyong sinasabi ko. "Yeah, that's her. What is she doing here?"

"Malay ko ba."

"Lapitan natin?"

"Nah, I think she's with someone."

"I don't think she's with someone. O baka may hinihintay lang. Tara lapitan na natin."

Sasagot sana ako nang bumaling ang atensyon ni Samantha sa kinaroroonan namin. I guess she recognize us dahil ikinaway nito ang dalawang kamay sa ere. Lumapit naman kami sa pwesto nito. Damn, she looks so stunning and beautiful on her dark blue dress. Whew, sexy. Minsan talaga hindi ko mapigilang pagnasaan 'tong kaibigang ko.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon