Gabi na nang makauwi ako sa condo unit ni Lovely. Pagpasok ko sa loob, nadatnan ko siyang nakaupo sa living room. Nakatutok ang mata niya sa screen ng tv at sa tingin ko'y hindi niya ako napansin.
Dahan-dahan akong naglakad sa likod niya at tinakpan ang kanyang mga mata. Medyo nagulat siya pero agad din nakabawi nang makapa niya ang aking mukha.
"Baby, I know it's you." amused na sabi niya, bahagya niyang pinisil ang ilong ko dahilan para matawa ako. Inalis ko ang kamay ko sa mata niya at umupo sa kanyang tabi.
"Hi mahal." I kissed her on the cheeks. "I'm so sorry if i'm late, si Tita Minerva kasi e, antagal akong pakawalan."
"It's okay, bata pa naman yung oras. Kumusta ang guesting mo sa kabilang network?"
"Maayos din naman. Kaso na-bored agad ako, paulit-ulit kasi yung mga tanong." ini-higa ko ang ulo ko sa lap niya saka pumikit. Medyo masakit ang ulo ko at marahil ramdam yun ni lovely dahil hinaplos niya ang noo ko at marahang minasahe.
"Kumain ka na ba ng dinner?" she asked.
"Not yet. Gusto ko kasi sabay tayo." i opened my eyes and stared at her.
"I knew you would, buti nga pala at hindi pa ako kumain. I cooked your favorite."
"Really?" Awtomatiko akong napangiti.
"Yup,"
"Aw thank you mahal." Ginanap ko ang isang kamay niya at saka 'yon hinalikan. Very sweet as always. Bumangon ako saka kami sabay nagtungo sa kusina. Pagdating namin 'don, ngiting-ngiti parin ako habang pinagmamasdan si Lovely naghahanda. I forgot to mention, hindi lang isang magaling na doctor ang girlfriend ko, but a talented cook as well. Hindi lang isang beses natikman ko ang luto niya.
Heaven, ang sarap ng ganitong feeling, iyong galing ka sa trabaho tas pagod na pagod ka at pagkatapos paguwi mo pinaghandaan at pinagsilbihan ka ng taong mahal mo. Lovely is such a wifey material, at ang swerte ko dahil akin siya.
Habang kumakain, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa kanya. Ang sexy niya kasing sumubo at pakiwari ko'y mas naging masarap yung pagkain dahil sa nakikita ko. Deym, sa mga oras na 'to ay hiniling kong sana kutsara na lang ako.
Arrr, stop it Trix, konting respeto, kumakain kayo. Anang isang bahagi ng isip ko.
Umiwas ako ng tingin saka ibinalik ang atensyon sa pagkain. Ngunit sadyang traidor ang mata ko. I'm so distracted, naka-expose kasi ang leeg ni Lovely. Nakahantad 'yon kasi pataas na nakapusod ang buhok niya. Napalunok ako. May kung ano-anong naglalaro sa isip ko.
"Baby?" she caught me staring at her.
"Yes mahal?"
"Are you okay?"
"Oo naman."
"Hindi mo masyadong ginalagaw ang food mo. Don't you like it?" may bahid na pag-alala ang boses niya.
"Of course, I love it." at bilang patunay, sumubo ako ng tatlong beses. Natawa naman siya.
"Trix, baka mabilaukan ka."
Umiling ako saka nginingitian siya. "Sherep mahal,"
"Don't talk when your mouth is full." kumuha siya ng isang baso saka sinalinan 'yon ng juice. Ibinigay niya yun sakin na agad ko namang tinanggap at ininom.
"You're the best chef in the world," I said after kong ubusin ang laman ng baso.
"Asus, bola." Bahagya niyang pina-ikot ang mata niya.
"Mahal, hindi 'yon bola totoo 'yon." Itinaas ko ang kamay ko at nag-promise sign.
"Sige, bolahin mo pa ako ng bolahin." Still, ayaw niya paring maniwala, though, hindi maitatago ang ngiti niya. She twisted a forkful of pasta saka iniumang 'yon sa bibig ko. "Say ah."
BINABASA MO ANG
Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Elite series (2) This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or...
