29 - Strawberry 🔞

42.5K 932 179
                                        

WARNING: SPG R18+ 🔞


"Be a good girl to ate mimi, okay?" hinalikan ko ang noo ni Flynn bago bumaling sa caretaker ng rest house na si Mimi. "Hindi kami magtatagal, by three or four, uuwi na kami."

"Sige ho Ms. Ava, makakaasa ho kayo."

"Mommy, why can't I go with you?" tanong ni Flynn habang naka-simangot.

"It's because bawal ang kids sa spa, kaya dito ka na lang muna with ate mimi."

"Okay po."

"See you later," I pinched my daughter's little nose and went outside. Sumakay ako sa loob ng sasakyan kung saan naghihintay sa akin si Trixie.

"Where would you like to go, love?" she asked after starting the engine and gas it off the road.

"Sa Sanctuary spa, they're the best. Ang gagaling ng mga massage therapist nila that's why they have good number of regular customers. Dapat pala tumawag na ako kanina for our reservation."

"Sanctuary? Spa pala 'yon?"

"Yes. Haven't you heard about it?"

"No, not yet."

"Good! I'm telling you, once you try their service, baka bukas ikaw pa ang magyaya sa akin na bumalik doon."

"Hmm, sounds good to me. Is it far from here?"

"Not really, nasa down town lang 'yon near Robinson's." I gather my things and stuff them inside my gucci bag. Ilang sandali pa'y narating na namin ang building kung saan naka-locate ang Spa. Lumabas kami ng kotse at naglakad, I thanked the guards who opened the door for us.

"Nice," wika ni Trixie habang pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng paligid. "Mukhang mag-eenjoy ako dito ah."

"I told you so." we walked our way towards the reception area.

"Hi good afternoon, ma'am. Welcome back." bati ng mga staff.

"Hello." I gave all of them a sweet friendly smile. Kilala ko na ang ilan sa mga emplayado ng Sanctuary Spa dahil hindi lang isang beses ako pumunta dito noon. "Uhm me and my girlfri--best friend need a massage, so I would like to ask two separate rooms."

"Ay pasensya na ho ma'am Ava, wala po kasi kaming vacant room for single ngayon e, pero kung gusto nyo, pwede kayo sa couple's room kung okay lang sa inyo."

"Couple's rooms?" tanong ni Trixie. "Sure! Anong bang meron sa couples room?"

"May two massage beds doon ma'am, then curtain lang ang nakapagitan."

"Great, we'll take that couples room instead."

"Trix," pasimple ko siyang kinurot.

"Okay ma'am, yung five-in-one massage pa rin ho ba?" tanong ng receptionist.

"Yes."

"Alright." Tumawag na ito ng massage therapist, pagkatapos 'non ay dinala kami sa kinaroonan ng couples room. Pagdating namin sa loob, binigyan nila kami ng tig-iisang roba, bath-towel, at wicker basket na paglalagyan ng mga damit.

"Ahm, love? Am I supposed to take my clothes off?" tanong ni Trixie nang maiwan kaming dalawa.

"Of course, unless gusto mong pahiran nila ng oil ang damit mo?"

"May ganon ba?"

"Love, ano ka ba? Para namang ngayon ka lang nag-pa body spa."

"Eh matagal na kasi simula ng mag-pa massage ako. At isa pa, hindi ako sanay nakahubad sa ibang tao. Sayo lang." sabay tingin sa akin at mapang-akit na kumindat.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon