28 - Happy Family

26.5K 872 106
                                        

AVA



"Saan nyo ba talaga ako balak dalhin, ha?" natatawang tanong ko kina Trixie at Flynn habang hila nila ako. Ang bilis ng araw, hindi ko namalayang mag-iisang linggo na pala kami dito sa tagaytay. Pero kahit ganon ay masaya naman, tulad ngayon. I was in the middle of doing something when the two interrupted me. Naka-blindfold ang mata ko ngayon, and I don't even know what's going on.

"It's a surprise, mom." sagot ni Flynn.

"Surprise? Anong klaseng supresa ba?"

"Secret, you'll found out later." sagot ni Trixie.

"Kayo ha? May secret ulit ka'yo. Diba sabi ko walang lihiman?" may pag-ka bossy na sermon ko, pero gayunpaman nakadama ako ng excitement.

"We're here." ani Trixie, tumigil na kami sa paglakad.

"Ano pala meron ngayon?" I asked curiously, pero hindi sila sumagot, ang tanging narinig ko ay ang pag-senyas ni Trixie kay Flynn.

"Okay, love. Pwede mo ng tanggalin ang blindfold."

And so I did, I immediately took the blindfold off my eyes.

"Surprise!" sabay na sambit nila.

"Oh my..." napasinghap ako at nanlaki ang mata.

"Happy mother's day, mommy!" agad yumakap sakin si Flynn.

"Gosh..." Pinasadahan ko ng tingin ang buong kusina. Parang hinaplos ang puso ko sa nakikita. May balloons, teddy bear, at flowers. Ang naka center of attraction doon ay ang double layer heart shape cake na may kasamang picture ko sa ibabaw. It's simple yet cute.

"Thank you baby," agad kong kinarga si Flynn at hinagkan.

"Happy mother's day, love." lumapit sakin si Trixie at hinalikan ako sa noo. "Hope you like it."

"I love it. Thank you. Eto pala ang surprise na sinasabi niyo."

"Yup, it was Flynn's idea. She's the one who chose the cake and decorations."

"Awe that's so sweet of you, baby." hinaplos ko ang ulo ng anak ko.

"O baby, diba may pina-practice tayong poem para kay mommy kanina?" sabi ni Trixie kay Flynn.

"Yep, I have a poem for you po mommy."

"Poem?" pinag-lipat lipat ko ang tingin sa dalawa.

Bumaba si Flynn mula sa pagkayapos sa akin at tumayo sa harapan namin ni Trixie. She clears her throat and began to recite.

"To my dearest mommy, thank you for given me life and showed me the light and taught the strength to fight and difference of wrong from right. I promise that I will be a good daughter until I grow up. And I also promise that I will not make ligaw to other girls until you say so. You're the best mommy in the whole world! Happy mother's day mom, I love you!"

My heart melted. "I love you too, baby girl." I gather her into my arms and hugged her tight. "Thank you," I kissed her temple many times. Ang sarap sa pakiramdam ang marinig 'yon galing sa anak ko. Though, natawa ako sa part na ligaw. Pupusta ako't si Trixie ang pakana 'non.

"You're welcome, mommy." Flynn answered giggling.

"And thank you too." I gazed at my girlfriend.

"You're welcome, my queen." hinalikan ni Trixie ang tungki ng ilong ko. "By the way, nag-call sakin si Georgina, i-video chat daw natin siya sa Skype."

"Bakit, ano raw?"

"I don't know. Tara?"

I nodded and gazed at my daughter. "Flynn, halika ka na."

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon