40 - Hi, again love

25.9K 879 386
                                    

AVA

From: My Love ♥
Good night, love. Matulog ka ng mahimbing ha? Kita na lang ulit tayo sa panaginip ko. Mahal na mahal po kita. Nag-iisa ka lang sa puso ko. Nyt2 sweet dreams. Muah.

From: My love ♥
Good morning, love. Kamusta ang tulog ng princesa ko? Gising ka na ba? Wake up na po. Miss na kita. I love you.

It's been two years yet hanggang ngayon hindi ko pa rin binura ang mga text messages na ito sa inbox ng phone ko. These messages were all come from Trixie. Gabi na, at hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. I just spend the entire evening scrolling my phone up and down habang binabasa ang mga conversations namin noon.

Alam kong torture 'tong ginagawa ko sa sarili ko, pero bahala na. Binuksan ko ang photo gallery para tignan ang mga pictures. Tumambad sa paningin ko ang larawan naming dalawa ni Trixie na nag-eexist pa rin. I smiled softly as I touched my thumb on the screen where her picture is on display.

Naalala ko 'to, this happens right after our love making, she was sleeping when I took this.

Ilang segundo kong pinagtitigan ang litrato bago ulit ini-swipe ang screen and revealed another picture of her, this time she was smiling. Kuha naman ito sa tabi ng dagat. Naalala ko 'to, this was the time when we had our picnic, nasa dalampasigan kaming dalawa ne'to, watching the beautiful sunset.

I swiped the screen again and this time tumambad ang larawan nilang dalawa ni Flynn. My heart aches as I stared at their picture.

Trixie was kissing Flynn's cheeks habang si Flynn naman ay nakayakap sa kanya. Kuha ang larawang 'to noong nasa rest house kami. Ang saya-saya nilang dalawa tignan. I could see love on her eyes, the one that I've been missing all these years.

I felt a jolt of pain spreading through my chest thinking na hanggang pictures ko na lang siya masisilayan. Ang lungkot ne'to, now I'm missing her even more. Kailan ko ba siya ulit makikita? I'm really dying to see her, pero kailan?

May namuong luha sa mga mata ko. Pinunasan ko agad 'yon saka ibinalik ang phone sa night stand. Patagilid akong humiga at ipinikit ang mga mata. Kanina ko pa talaga tinutorture 'tong sarili ko. Shit tama na Avallaine, you're hurting yourself, stop it.

I found myself silently crying. Nabulabog lang ako dahil biglang nag ring yung phone ko. I wiped my tears first bago yun kinuha para tignan ang caller.

It was Georgina.

Ilang beses muna akong huminga ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Hello, George?" bungad ko. Bumangon ako saka sumandal sa headbord ng kama.

"Hi! Hindi ba kita nadisturbo?"

"Hindi naman, napatawag ka?"

"May pinapahanda kasi akong welcome back party para sa'yo. Kaya dapat nandito ka bukas."

"Ha? Welcome party?"

"Yup!"

"George, wait. You don't have to." Medyo nag-alanganin pang sabi ko.

"Ava, just let me okay? At isa pa, diba hindi naman alam ng mga kaibigan natin na dumating ka? Might as well surprise them."

Napaisip ako. Sabagay, hindi pa nila alam na nakabalik na ako. "Fine, I'll be there, anong oras ba?"

"Three pm sharp. And don't be late."

"Okay, I won't."

"Good. See yah, muah!" Nagpaalam na si Georgina at ini-end ang tawag.

Bumalik ulit ako sa pagkahiga. Nakadama ako excitement. At last magkikita na ulit kami ng mga kaibigan ko. I really do miss them, almost two years din akong walang communication sa mga ito. Kumusta na kaya sila? Madami rin akong narinig tungkol sa kanila. We have a lot catching up to do.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon