14 - Confirm

36.9K 1K 504
                                        

AVA

"Lindsay, saan mo ba talaga ako balak dalhin?" naiiritang tanong ko sa aking pinsan habang hila-hila niya ang kamay ko.

"Sa pharmacy."

"What? Teka, anong gagawin natin 'don?"

"Basta,"

"Do I really need to come with you?" pumasok ako sa kotse at nag seatbelt.

"Yes." she simply answered.

"The party isn't over yet, if in case you forgot."

"Oo alam ko, pero wala ka namang ibang ginawa 'don kundi mag-scrutinize sa amoy ng mga pagkain."

I rolled my eyes. "Totoo din naman ah, ang baho talaga ng mga pagkain nila."

"Exactly why you need to come with me. Iba na yung kutob ko sa'yo,"

"What do you mean?" i gave her a questioning look.

"Malalaman mo rin." she turned on the car's engine and drove. Nagtataka man ay nagkibit-balikat nalang ako. Sumandal ako sa backrest ng upuan at inabala ang sarili sa paglikot-likot ng app sa phone ko.

Ilang minuto ang lumipas ay nasa tapat na kami ng pharmacy. Hindi ko maiwasang mapailing, mukhang seryoso talaga si Lindsay sa sinabi niyang sa pharmacy kami pupunta.

"Stay here,"

"As if i'm going anywhere." sarcastic na sagot ko.

Lumabas si Lindsay sa kotse at pumasok sa loob. Alas nueve y media na ng gabi kaya wala ng masyadong tao sa pharmacy. Hindi na nagtagal si Lindsay kaya wala pang sampung minuto ay nakabalik na siya. Hindi nako nagtanong kung ano yung binili niya, i'm too lazy to ask.

"Let's go to your place." aniya bago ulit binuhay ang kotse.

Pagdating namin sa townhouse, aakyat na sana ako sa loob ng kuwarto ko nang bigla niya akong hinila patungong banyo.

"Lind," reklamo ko sabay waksi sa kamay niya. "I'm tired, gusto ko ng mag-pahinga."

"No, hindi ka pwede matutulog unless hindi ko na-kumpirma ang matagal ko ng hinala."

"Huh?"

"I always caught you vomiting, Ava." she sounded so serious. "Noong una hindi ko 'yon pinansin, pero 'nong nakikita ko ang pag-iiba-iba ng mood mo, doon na ako nag-hinala."

Hindi ko magawang makasagot, nakatitig lang ako sa kanya.

"You were doing things that you don't usually do, and you started to become different." dagdag pa niya.

"Lind.." tanging usal ko.

"Here," inabot niya sa akin ang isang rectangular box.

"What's this?" inabot ko 'yon at pinagtitigan.

"Pregnancy test kit,"

Napasinghap ako. "W-What?"

"Do it," she said with full authority.

"No, ayoko." ibinalik ko sa kanya ang box.

"Ava, please. Just do it."

"No. Hindi ako buntis, paano mo naman naiisip yan?"

"Who knows? You're acting like one."

"Then you're wrong,"

Lindsay sighed heavily. "May third party bang nagaganap?" out of the blue na tanong niya. "Be honest to me, meron ba?"

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon