44 - Two timer 🔞

39.4K 912 2.4K
                                        

A/N: This story is purely fictional okay? Please don't reflect the character's problematic behavior to me. You can drop the story anytime you want dahil hindi naman talaga siya para sa lahat especially in the next following scenes that might trigger your high blood pressure 😅






Malakas ang bawat diin ng sino mang taong pumindot sa doorbell ng condo ko. Alas otso pa lang ng umaga at imposibleng may bisita ako.

I know it's not Lovely kasi wala naman siyang sinabi sakin na pupunta siya ngayon dito, she'll text me or either calls me whenever she's coming over. Imposible rin namang si Ava dahil bukod sa kagabi palang kami nagkita, wala akong alam na ibang rason para pumunta ito dito ngayon.

Pakiramdam ko galit sa akin ang taong nag-doorbell kasi sa paraan palang ng pagpindot nito ay tila may halong gigil.

Hinanda ko ang sarili ko. I have a feeling na hindi maganda ang umaga ko.

I walked towards the close door and open it. Tumambad sa harapan ko ang galit na mukha ni Georgina. Nasa likod nito si Samantha na bakas sa mukha ang matinding kaba.

"George? Sam?" niluwagan ko ang pinto. "What are you guys doing he--" hindi ko natapos ang ibang sasabihin ko dahil malakas akong sinampal ni Georgina.

"Oh god wifey! Ba't mo siya sinampal?" shock at natatarantang tanong ni Samantha sa asawa niya.

Shit, ang sakit.

Mangha akong napatingin kay Georgina. What the hell was that for?

"The fudge, George. Why did you slap me?" inis na tanong ko habang sapo ang kaliwang pisngi. Fuck, ang sakit.

"You anaconda! Ang kapal ng mukha mo para mag-declare na mahal mo pa si Ava samantalang may Lovely ka na!?"

Natigilan ako. "S-sinabi niya sa'yo?"

"Oo! She told me everything! And i hate you for doing that to her! May fiancée ka na pero nanglalandi ka pa!?"

Hindi ko magawang makasagot.

"Na hi-high blood ako sa'yo, Trixie. Konting-konti na lang ipapadespatcha na kita! Kung mahal mo talaga si Ava, panindigan mo! Hiwalayan mo si Lovely at bumalik ka sa kanya!"

"No. Hindi ko kayang hiwalayan si Lovely, I love her."

"See? Napakasinungaling mo talagang ahas ka. Hindi mo naman pala kayang panindigan si Ava tapos may padrama ka pang mahal mo siya? Traidor ka! Lubayan mo na ang kaibigan ko!"

"I can't, I love her too. Mahal ko silang dalawa ni Lovely." Seryosong sabi ko.

"Fuck you to hell, Trixie! Hindi pwede 'yan! Ang kapal ng mukha mong gumanyan! Ugh, Sammie stop me, kung ayaw mong sabunutan ko 'tong two timer mong kaibigan sa harap mo pigilan mo ako."

Samantha gulped and immediately hugged Georgina from behind.

"I hate you for doing this to my best friend, Trix. Mahal mo nga siya pero committed ka na. Hindi mo ba inisip kung ano ang nararamdaman niya? Buwesit ka! may plano ka pa talagang gawin siyang kabit!"

Umiwas ako ng tingin.

"Babe, tahan na." rinig kong sabi ni Samantha sa kanyang asawa pero inignora lang siya ni Georgina.

"Hindi mo rin ba inisip kung ano ang mararamdaman ni Lovely sa oras na malaman niyang nangangaliwa ka sa relayon niyong dalawa? All this time she thought her fiancé is being honest and faithful to her and yet here you are, nagpapaka-ahas!"

Hindi ulit ako makasagot.

"My god, Trixie." bumuga ng marahas na hininga si Georgina. "Ano bang nangyari sayo? Hindi ka naman ganyan ah. Pero heto't ginawa mo nga. Pareho mo silang masasaktan!"

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon