18 - Reunite

33.9K 1.1K 179
                                        

TRIXIE



Mainit na klima ang sumalubong sakin pagdating ko ng pilipinas, hindi akalaing ma-miss ko ang ganitong klaseng panahon. Halos magdadalawang taon akong nasa California at nasanay rin akong palaging maginaw. It's been a long time, and finally I'm back.

Hinubad ko ang suot na sunglasses at ginala ng tingin ang buong paligid. Madaming tao, lalong-lalo na sa waiting area. Ilan sa kanila ay nakatingin sakin habang ang ilan ay nakangiti.

Paglabas ko ng airport, bitbit ang malaking maleta, ay huminga ako ng malalim. Agad kong nakita ang assistant ni Tita Minerva na si Janet nakatayo sa may pedestrian, ito ang susundo sa akin. Agad akong lumapit.

"Hey,"

"Hi ma'am Trix. Welcome come back po."

"Yeah, it's so good to be back,"

"Kumusta ang Hollywood life ma'am?" she asked, habang tinulongan akong ilagay ang mga gamit ko sa likod ng kotse.

"Maganda naman, nakaka-enjoy." Nakangiting sagot ko.

"Napanood ko po yung latest movie niyo po." anito matapos isara ang trunk ng kotse.

"Which one?"

"Yung movie na mag-kasama kayo ni Matt Bomer. Grabe ma'am, ang ganda. Ang guwapo ni Papa Matt!" Ang tinutukoy nito ay ang sikat na american actor na nakasama ko sa isang proyekto.

"Aww thank you," nakangiting sumakay na ako sa kotse. Finally, I can rest.

Habang nasa gitna kami ng highway, ini-focus ko ang atensyon ko sa labas ng bintana. Hindi gaano ka traffic kaya dere-deretso lang ang biyahe.

"Janet, sa condo mo na ako i-deretso ha?" Mayat-mayang sabi ko. "Medyo may-jet lag pa ako e."

"Sige po ma'am,"

Sumandal ako sa upoan at ipinikit ang mga mata.
Samut-saring emosyon ang nadarama ko sa oras na 'to, na-eexcite ako na kinakabahan. Hindi ko ma-explain. Maraming bagay ang kina-e-excite kong makita and the first one on my list is my queen, Ava. My love

Nasasabik na akong makita siya, hindi niya alam na uuwi ako. Gusto ko kasi siyang supresahin, it's been a while since we had our last phone conversation, na-miss ko siya. Sigurado akong matutuwa siya kapag malaman niyang nakauwi na ako.

Pagdating sa Condo, agad akong dumeretso ng bedroom. Nakatulog ako sa sobrang pagod.

Pag-gising ko, gabi na. Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa para tignan ang oras. Agad akong napangiti nang makita ang larawang naka display sa background.

It was Ava's picture. Siya ang wallpaper ng phone ko, as always. It came from her instagram account, ini-save ko 'yon nung isang araw.

I can't wait to see my girl, na-miss ko talaga siya. Na-sasabik na akong yakapin at halikan siya. I miss everything about her. She's the reason why I came back, hindi ko na kasi kayang hindi siya makita. At siyempre excited din akong makita ang baby girl niya, si Flynn. Sa wakas makikilala ko narin ito. Hindi ako nagkaroon ng chance na makita at makilala ito dati pero nakita ko naman ang mga pictures nito sa Instagram ni Ava.

Goodness! Flynn is so adorable, ang charming nitong bata. She's so pretty and over loaded with cuteness. Little version talaga ito ng mommy nito, hindi na din ako makapaghintay na mayakap ito.

Babawi talaga ako, wala ako sa panahong nanganak si Ava at wala rin ako sa tabi niya noong pinalaki niya si Flynn. I'm really going to make it up to her and to Flynn, ilalaan ko ang lahat ng oras ko sa kanila.

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon