31 - Broke

28.6K 743 50
                                    



Pagkatapos ng masayang agahan, niyaya ako ni Trixie magpahangin sa dalampasigan. It's a cloudy morning, hindi mainit sa labas kahit alas diyes na ng umaga. Holding hands kaming naglakad habang naguusap hanggang sa pareho naming namalayang humito kami sa tapat ng isang malawak na area kung saan mostly nagaganap ang mga special occasions; especially weddings.

Nag-angat ako ng tingin sa girlfriend ko at niyakap siya. "Love, kapag ikakasal na tayo gusto ko beach wedding ang sa atin ha?"

"Talaga, gusto mo 'yon?" ipinalibot niya ang mga braso sa katawan ko.

"Yes, beach wedding has always been my dream wedding kaya gusto ko kapag kinasal ta'yo, ganon ang sa atin."

Trixie cupped my face and stared at me so lovingly. "It will happen, love, soon." then she kissed my forehead. Hinila niya ang kamay ko patungo sa shed kung saan 'don nagaganap ang exchanging of vows ng mga couples na kinakasal. Pumuwesto kami sa gitna; sa mismong area kung saan nagaganap ang kasal.

"Try to imagine love, in this spot right here; you and me, ikakasal." aniya habang malawak ang ngiti. "Go on, ipikit mo ang mga mata mo."

Agad ko din namang ginawa, I close my eyes and imagine us wearing white long wedding gowns while exchanging our heartwarming vows right in front of everyone. Parang may paru-parong nagliliparan sa tiyan ko habang iniimagine ito.

Muling hinawakan ni Trixie ang kamay ko saka ito hinalikan. "Go ahead, you first."

I opened my eyes and let out a loving smile, mas humigpit din ang paghawak ko sa kamay niya.

"I take you, Trisha Maxine, to be my partner in life and to be my one and only true love. I will love you today, I will love you love you tomorrow, and I will love you forever. I will trust you and I will honor you. I will laugh with you and I will cry with you. I will love you faithfully and loyally through the best and the worst; I will love you through the difficult and the easy on what may come; and I will always be there for you; no matter what."

Namalayan ko nalang dumaloy na ang luha sa pisngi ko. Trixie immediately wiped my tears off before staring at me, she kissed the back of my palm bago ito dinala sa tapat ng dibdib niya. Ramdam ko ang malakas na tibok ng kanyang puso.

"I take you, Avallaine Marie to be my partner in life. I vow to love you, encourage you, trust you, and respect you. I will laugh with you in times of joy, and comfort you in times of sorrow. I will share in your dreams and support you as you strive to achieve your goals. I will listen to you with compassion and understanding, and speak to you with encouragement. You and me together with Flynn, we will create a home filled with happiness, love and care. I promise to be worthy of your love and I promise to be loyal as always."

Di ko na napigilan ang sarili ko, muli ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya.

"Love, don't cry yet, may kiss the bride pa." aniya na sinabayan ng mahinang tawa.

I chuckled between tears. Pinunasan ko muna ang luha ko saka nag-angat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"And by the power of love, may we pronounce Wife and Wifey." pinaglandas niya ang daliri sa pisngi ko. "I may now kiss the bride." unti-unti niyang inilapit ang mukha sakin hanggang sa maglapat ang labi namin. It was just a slightest touch of our lips yet it didn't fail to send shivers down to my spine.

Pagkatapos ng halik, pinalibot ni Trixie ang mga braso niya sa bewang ko saka ako inangat at pina-ikot-ikot sa ere. Napatili ako sa ginawa niya kaya naman napakapit ako ng mahigpit sa kanyang leeg.

"How i wish we can stay like this forever." maya't-mayang sabi niya, ibinababa niya ako at mataman akong tinignan. "I'm scared, Ava. Natatakot ako baka anumang oras hindi na kita makakapiling pa."

Seducing the Snob (ᴇʟɪᴛᴇ ꜱᴇʀɪᴇꜱ #2) | ɢxɢ ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon